Three

506 20 4
                                        

Three

Kinabukasan, maaga ako ginising ni Papa. I ponytail my hair in half and put some powder and lip-gloss, para naman hindi ako putla sa pagpasok.

Hinalikan ko si Papa bago umalis dahil maya-maya ay papasok na rin iyon sa kaniyang trabaho.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang makatanggap ako ng text kay Tin.

Tin: Saan ka na? Hintayin ba kita sa gate ng school? Andito na ako!

Napangiti agad ako at nagtipa.


Ako: Ou, malapit na din ako.

Isinilid ko pabalik ang aking phone sa bag at tinakbo na ang school. Sa malayo pa lang, pansin ko na kaagad si Tin na naghihintay sa akin. Nang makita niya ako agad siyang kumaway at ngumiti ng malapad.

Pareho naming sinalubong ang isa't-isa at nagbeso, sinuot niya agad ang kaniyang kamay sa aking braso at sabay kaming pumasok sa school.

"Kamusta ang tulog ng isang ganap na dalaga?" Salubong niya kaagad sa akin.

"Maganda. At isa pa, sixteen palang ako, hindi pa ako eighteen." Sagot ko naman.

"Kahit na, dalawang taon na lang naman."

Napuno ng kwentuhan ang umaga namin hanggang sa may napansin kaming kumpulan sa may bulletin board. Napukaw ang atensyon namin at agad na sumingit sa mga tao roon upang tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Gayon na lamang ang panlulumo ko nang makita ang aking love letter roon. Nanlaki ang mata ko at napahigpit ang hawak kay Tin habang naririnig ang mga samut-saring bulungan ng ibang tao.

"Anong tinitingin-tingin niyo! Ngayon lang ba kayo nakakita ng love letter?!" Bulyaw ni Tin sa mga tao. Napayuko ako dahil sa kahihiyan habang pilit na pinipigilan si Tin sa kaniyang ginagawa niya.

Inis niyang kinuha ang love letter na naka-display at sapilitan akong hinila paalis sa lugar na iyon. But when I saw how my world and hopes crumpled in front of me, sa hindi inaasahan nabangga pa namin si Stephen.

Natulala ako ng makita ko siyang ganito kalapit sa akin. Mabilis ko ring binawi ang aking paningin sa kanya at tinutok na lamang ang mata sa letter na hawak ni Tin. Ngunit para akong binuhusan ng mainit na tubig sa biglang ginawa ni Tin sa harap naming dalawa.

"Alam mo ikaw..." dinuro niya si Stephen sa harapan ko na kinalaki naman ng mata ko. "..kung maayos mo sanang tinanggap ang love letter ng kaibigan ko. Hindi sana kami pinagpi-piyestahan ngayon!" Galit na litanya niya rito.

"Tin!T-Tin!" Pigil ko sa tuluyan niyang pagsabog. Ngunit para lang akong hangin sa tabi niya. Ayaw niyang magpa-awat!

Walang emosyon niya lang kaming sinipat at tiningnan ni Stephen bago naglalakad palayo.

"Tingnan mo itong lalaking ito, bukod sa napaka-suplado, wala ring modo!" Dugtong pa niya. Sinilip ko si Stephen at nanlaki na naman ang mata ko nang bumalik siya sa pwesto kung saan niya kami iniwan. Nanuyo ang lalamunan ko.

Napalunok at kinabahan ako. Sapilitan niyang binawi ang sulat kay Tin at walang sali-salitang binuklat ito sa harapan namin.

"I.Read.It." Napanga-nga kaming dalawa ni Tin at sabay na nalipat ang tingin namin sa love letter. Mas nanlumo ako nang makita na ang kinahinatnan noon, gusto ko na lang magpasakop sa lupa. Puno ng kulay red na circle ang sulat ko.

"Sa susunod, if you're writing a letter make sure na appropriate ang mga words na gagamitin mo.." He hissed. Napa-atras pa ako ng bigla siyang lumapit sa akin. "And you, just keep in mind that I hate stupid people" He said with finality, he walked out while wearing his emotionless face.

Natulala ako at hindi maka-angat ng tingin. Hiyang-hiya ako para sa sarili at para sa letter kong ginawang exam ng crush ko.

Napuno ng tawanan ang buong paligid. I heard some laughter from the students who witnessed my second rejection. Natulala ako sa kawalan, that was the first word he said in my entire life of admiring him.

Sa sobrang pagka-tulala, hindi ko napansin ang unti-unting pag-alis ng mga estudyante habang usap-usapan ang nangyari. Si Tin na nasa tabi ko ay pilit akong ginigising sa pagkakatulala.

I didn't know what to feel at tama bang ganito ang maramdaman ko? That I should be turned off now because of what he said, but that's the opposite of how I feel now. The way I caught his attention earlier felt like I was in heaven.

Kinikilig akong napatingin kay Tin. My eyes sparkle "Tin, narinig mo ba yun? K-Kinausap niya ako."

"Anong kinausap? Baka kamo ininsulto."

"Kahit na Tin, iyon ang kauna-unahang salitang sinabi niya sa akin."

"Ewan ko sayo! Ang labo mo." Nagpatianod na ako sa kaniya patungong klase. Habang naglalakad kami, nararamdaman ko ang mga malagkit na tingin sa akin ng mga estudyante. Para bang katawa-tawa ako sa paningin nila. May narinig pa kaming usapan sa hallway.

"Totoo?! Yung tiga section 10, nag-confess kay stephen? Ang lakas naman ng loob ng babaeng yun, as if makukuha niya sa atin si Stephen."

Nakakapanlumo man ang narinig ko sa iba pero nakakatuwa rin pakinggan ang mga suportang binibigay ng iba.

Pagpasok ko sa klase, pinalibutan at pinagtawanan agad ako ng iba.

"Ikaw na naman ang usapan sa buong school niyan, kahapon at ngayon. Sikat ka na Sashi." Mapang-asar na sabi nila sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga sinasabi nila pero hinayaan ko na lang. Makaraan ang ilang minuto pumasok si Ken, nagmamadali.

Hinanap niya ako at malungkot na hinarap sa kanya.

"Nabalitaan ko ang nangyari, totoo ba?! Bakit ka naman nagtapat sa lalaking iyon? Hindi pa ba ako sapat sayo." Nanliit ang mata ko sa mga sinasabi niya at kinilabutan. Dahan-dahan akong tumayo at pilit na umalis sa harapan niya, tumabi ako kay Tin at ininguso sa kaniya si Ken.

"Hayaan mo, nababaliw na naman yan." bulong niya sa akin.

Napasubsob ako sa mesa niya at mapaklang binuklat ang aking sulat. Kanina nung naka-display ito sa bulletin board, hindi ko napansin ang mga sulat na narito dahil sa pag-uusap ng mga tao pero ngayong tinititigan ko na ito, nakakapanlumo! Kung sa test paper pa, zero na ang nakuha ko.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. I am expecting another letter from him as his reponse. Tapos babalik lang 'din pala sa akin ito with of course some correction. but at least nakausap ko siya, kahit ilang segundo ay nakuha ko ang atensyon niya. Nagtama ang mga mata namin.

Okay na 'yun para sa akin. Dumating ang aming guro kaya nagsibalikan na rin kami sa aming mga upuan at habang nagdidiscuss ito ay siya namang paglipad ng isip ko.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagbabasa na naman ba siya? Nasa labas ba siya ng classroom nila? Umiinom? Kumakain? May kausap kaya siya?

Pilyo kong tiningnan si Tin na nakikinig sa aming guro at pasimpleng nagtaas ng kamay upang mag-banyo. Nang magtama ang tingin namin, kitang-kita ko ang dismayado'ng titig sa mga mata niya. Pinandilatan niya kaagad ako ng mata kaya nag-peace sign lang ako.

Basang-basa na niya ako, alam na niyang si Stephen na naman ang sasadyain ko.

Masigla akong lumabas ng klase at tinakbo ang classroom ng section 1, pasimple ang sulyap ko sa pinto. Busy ang lahat sa pakikinig maliban lang kay Stephen na may sariling mundo. He's reading his book again.

Ang bilis ng tibok ng aking puso at pinakalma ko muna ito sandali bago ulit sumilip. Ngunit naningkit na ang mata ko dahil wala na siya sa inuupuan niya. Napa patingkayad ako para hanapin siya sa loob pero wala. Ilang sandali pa ay may kumalabit sa aking likuran, paglingo'y ko'y ang Teacher ko na pala. Out of nowhere, I lost my balance dahilan ng pagbagsak ko sa loob ng kanilang klase and in an instant someone was there to catch me. My lips parted when I saw who it was.

We both fell on the hard floor of their classroom, me on top and him on bottom. And what shocked me more was our lips touched. I accidentaly kissed him!

W-What just h-happen?

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon