Forty One
3rd Year College
Everything was going smoothly when I entered my 3rd Year. Isa rin sa pinagpapasalamat ko ay nakaka-video call ko na si Stephen sa tuwing namimiss ko siya and like what I've imagine, he's still reading his books habang nakaharap sa laptop niya habang nagsasalita or nagkukwento ako.
Pero mas okay na 'to dahil mapa-screen o personal ganoon pa rin naman siya.
Kumatok sa kuwarto ko si Rail.
"Lets eat." Anyaya niya sa akin. Sumunod na rin ako sa kaniya at umupo sa hapagkainan. Tahimik kaming kumakain nang biglang ngumiti si Papa ng hindi namin alam kung bakit, para siyang may naalala siya habang kumakain.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Rail at nagtataka na pinasadahan siya ng tingin. Sinipa ko siya gamit ang aking paa.
"Anong meron?" Nagtatakang bulong ko at nagkibit balikat lang siya.
Buong oras lang kaming nakamasid sa kaniya hanggang sa natapos na sa pagkain. Parang may magandang nangyari dahil sa mga ngiti niya. Ano kaya 'yon?
Ako ang naglinis, nagligpit at naghugas ng pinagkainan naming tatlo. Nang matapos ako'y nagtungo agad ako sa aking kwarto. Inabangan kong mag alas-diyes at hinanda ang aking laptop upang maka-video call si Stephen.
10 pm na rito so it means 10 am na sa U.S. Sa isang linggo kong pananatili roon. Alas-diyes ang pinaka-best time para tawagan siya dahil nagbabasa lang naman siya sa couch.
Inayos ko ang aking buhok at tinawagan siya, sinagot niya agad at halos lumundag ang puso ko dahil sa tuwa.
"S–Stephen." Nakabusangot na tawag ko ng pangalan niya at tiningnan niya lang ako sandali at nagbasa ulit. Psh!
"May assignment kami, pwede mo ba akong tulungan?"
"No! You can handle that." Mariin sabi niya at inis ko siyang inirapan. Napakatalino nga, di naman marunong mag-share. Kumatok sa aking kuwarto si Rail at may inihagis.
"Ano 'to?" Inis na tanong ko.
"Assignment ko, gawin mo muna. Love you." Sabi niya at mabilis na sinarado ang pinto. What the hell! Ako pa talaga pinagawa niya ng assignment niya? Namomroblema na nga ako ng sa akin eh.
"Who's that?" Tanong ni Stephen sa akin.
"Ang walang kuwenta kong pinsan." maktol ko. Bigla lang siyang natawa sa naging sakot ko at ibinaba ang librong hawak niya at seryoso akong tiningnan.
"Okay! Tutulungan kita, pero last na 'to, sa susunod hindi na." Para akong asong tumatango at nakangiti.
Sinabi ko sa kanya ang pinapagawa sa aming research sa school at walang kupas pa rin talaga si Stephen, napakagaling pa rin niya. Kahit kurso ko alam niya. Habang nagtuturo siya sa akin sa kabilang screen ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha. Ilang beses ko na ba sinabi 'to noon, na kapag si Stephen ang nagpapaliwanag sa akin ng mga lesson ko, naiintindihan ko talaga.
"It's late, matulog ka na." Utos niya na agad kong sinunod at nagpaalam sa kaniya.
Pagpasok ko sa school ay mabilis akong pinalibutan Cory, Josh at Rick sa aking upuan.
"Hulaan ko, wala ka na namang assignment?" Pang-aasar nila sa akin. Pilyo lamang akong ngumiti. Kung alam niyo lang kung kanino galing ang assignment na gawa ko ay baka mamangha kayo.
"I have!" Seryosong sambit ko.
Inibahan agad nila ako ng tingin at ayaw maniwala. Pinakita ko sa kanila ang pinagpuyatan kong assignment kagabi at halos malaglag ang panga nila sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Ficção AdolescenteLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
