Ten
Kasama namin sila Tita habang nakahawak naman ang kamay ko kay Papa. Nababagabag ang puso ko, ano mang minuto mula ngayon ay aalis na siya, ayoko mang ipakita ang lungkot ko'y hindi ko mapigilan.
Naiiyak ako sa bawat hakbang namin patungong check-in area. Kausap niya si Tito at nakayuko lang ako. Si Tita ay nakahagod sa likod ko at kahit papaano naiibsan niya ang lungkot ko.
Nang malapit na kami sa pinaka-waiting area ay nagsimula ng tumulo ang luha ko. Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Papa.
"Huwag ka na malungkot, araw-araw naman akong tatawag sayo. Ivi-video call din kita kaya di ka rin malulungkot." Pampagaan niya ng dibdib ko.
"Yung mga binilin ko sayo, huwag mong kakalimutan, okay? Yung deal natin about sa grades mo." Wala akong nagawa kung hindi ang tumango lamang sa harap ni Papa habang patuloy na nabagsakan ang aking luha.
Sunod niyang hinawakan ang kamay ni Tita. "Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Mabuti na lang at nariyan kayo, kayo na muna ang bahala sa anak ko." Magaan ang bawat ngiti na pinakawalan ni Tita na para bang sinasabi nitong makakaasa ka.
Sunod naman niyang tiningnan si Tito, nakipag-kamay siya rito at mapayapang napangiti at 'tsaka ulit bumalik ang tingin sa akin. Hindi ko mapigilang hindi yakapin si Papa.
"Mag-ingat ka doon Pa, palagi kang kakain sa tamang oras. Nandito naman ako kila Tita at alam kong magiging maayos naman ang kalagayan ko. Huwag ka masyadong magpaka-pagod doon, kung hindi mo na kaya, pahinga ka lang. Hindi ko naman kailangan ng magandang school for college, alam mo naman di rin papasa talino ko kung sakali man kaya–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong bulungan ni Papa.
"Pero paano kung sa magagandang school mag-aaral si Stephen?" Natigilan ako at seryosong napakunot noo sa harap niya.
Alam ni Papa? "Paano?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti. "Paanong hindi ko malalaman kung ang laman ng mga textbook mo ay pangalan niya, laman ng cellphone mo ay litrato niya. Pati ang kumot at unan mo may printed ng mukha niya." Namula ako sa kahihiyan dahil sa mga sinasabi ni Papa.
"Kaya nga hindi rin ako masyadong nalulungkot kasi alam kong magiging masaya ang pananatili mo sa bahay nila. Kaya huwag ka ng malungkot, basta pag nanligaw sayo iyon–"
"Hindi manliligaw 'yon Pa, ano namang tingin mo sa akin, habulin?!"
"Oo naman, nananalaytay sayo ang dugo ko kaya...." inismiran ko siya dahil umiiral na naman ang kayabangan niya.
"Basta kapag may problema ka at nahihirapan ka. Huwag na huwag kang mahihiyang magsumbong sa akin. Kukunin agad kita!" Napangiti at tumango ako at sa huling pagkakataon ay niyakap ko ulit siya ng sobrang higpit.
"Ingat ka dito anak at goodluck sayo at sa crush mo." Pahabol pa niya. Nakangiti akong pinapanood ang aking ama na maglaho sa aking paningin. Goodluck Pa, see you soon.
Natutok ang mata ko sa eroplanong dumaan, may dumaang lungkot sa akin. Umalis na nga talaga si Papa, nawala lang ang atensyon ko ng biglang magsalita si Tita.
"Anong gusto mong kainin? Gusto mo bang kumain tayo sa labas?" Masiglang tanong niya.
"H-Hindi na po Ta, busog pa po ako." Malungkot kong sagot at piniling manahimik na lamang.
Ramdam ko ang pag-aalala nila sa akin pero hindi ko lang mapigilan ang sarili kong malungkot. Simula pagkabata ay kasama ko na si Papa at ito ang kauna-unahang pagkakataon na mawawalay ako sa kaniya.
Pagdating ng bahay, mabibigat ang aking hakbangpaakyat ng kuwarto, nakasalubong ko pa si Stanley na nangaasar.
Halos mag-patintero kami ni Stephen sa hagdan dahil sa tuwing ka-kanan ako'y kumakaliwa naman siya. Malungkot na akong napahinto at na-give-way na lang para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Roman pour AdolescentsLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
