Sixteen
Maaga ako nagising kinabukasan dahil sa plano naming lunch box. Ala-siyete ng bumaba si Stephen bitbit ang kaniyang bag. Nakangiti ko silang binati at naghain.
"Umupo ka na." Ani ni Tita sa kaniya. Ako ang nagluto at naghanda ng lahat kaya nakaabang ang mata ko.
"Si Sashi nagluto lahat n'yan." Natutuwang sabi ni Tita. Napangiti ako atsaka nakatanggap ng kakaibang titig kay Stephen.
"Busog na ako." Aniya habang hindi pa natitikman ang gawa kong pagkain. Hinampas agad siya sa braso ni Tita dahil sa sinabi niya.
"Kumain ka! Nagpuyat pa naman si Sashi para lang ipaghanda 'yan." Napayuko ako at wala na ring nagawa si Stephen kung hindi sundin ang sinabi ng Ina.
Lumingon ako kay Stanley na kakarating lang. Masigla ko siyang binati at tamad na umupo sa tabi ko.
"Pangit mo!" Asar niya sa akin at nagsimula ng kumain. Bakit ba napakasama ng dalawang magkapatid na 'to!
Tinulungan ko siyang lagyan ng kanin at ulam ang pinggan niya ngunit nang tinikman niya na 'yon ay halos maduwal siya sa lasa.
"B-Bakit?" Clueless kong tanong.
"Mom! Sino ba nagluto nito? Ang pangit ng lasa!" Reklamo ni Stanley. Automatikong gumalaw ang kamay ko at tinikman iyon at halos manginig ako dahil sa sobrang alat.
Malungkot akong yumuko at marahang tinanggal ang niluto ko sa hapag-kainan at nagpaalam sa kanila. Mag-isa akong lumabas ng bahay habang naririnig pa ang tawag ni Tita ngunit dala ng pagkapahiya, hindi na ako lumingon at naglakad na lang palabas ng Village.
Natigil lamang ako sa paghakbang ng may dumapong maliit na bola sa ulo ko. Pagtingin ko'y si Stephen ang nakita ko.
Nag-iwas ako ng tingin at naglakad ulit. Isinawalang bahala ko siya.
"Pssst." Tawag niya ulit sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad ulit.
"Pst." Salubong na ang kilay kong huminto sa harap niya at natigilan dahil may hinagis siya sa akin.
Bag ko pala. "Naiwan mo! Magwa-walk out ka na lang, iniwan mo pa 'yan." Nanlaki ang mata ko at namula dahil sa ginawa. Nakakahiya tuloy! Bigla kong na-imagine ang tawa ni Stanley sa isip ko.
Busangot ang mukha kong nakasunod sa kanya habang pasakay ng Bus. Wala na ring maupuan kaya nakatayo na kaming dalawa. Nasa tabi ko siya and as usual naka refrigerator mode na naman siya. May sumakay na kalalakihan at pumwesto sa likod ko. Hinayaan ko lang at nag-focus sa daan ng nakaraan ang ilang minuto ay may nararamdaman akong gumagapang sa palda ko.
Salubong ang tingin kong sinilip ang mukhang manyak na lalaki sa likuran ko at agad siyang umiwas ng tingin sa akin.
Sumulyap ako sa tabi ko at nakatutok na pala sa akin ang atensyon ni Stephen. Nagdadalawang isip ako kung sabihin sa kanya ang about sa mga lalaki, pero ayoko munang mag-assume dahil baka nasagi lang naman nila 'yon? Ngunit habang umaandar ang bus ay nararamdaman ko na naman ang paggapang ng kamay ng isa sa kanila sa palda ko.
Nagsisimula ng mag init ang ulo ko! At ngayong badtrip ang umaga ko'y mas dumoble ang inis ko.
Pasimple kong kinuha ang phone sa aking bulsa at pinicturan ang manyak na lalaki.
Nagulat pa silang lahat dahil sa inakto ko. "Kuya 'di ba gusto mo sumikat?" Inis na bulyaw ko sa lalaki. Namutla agad siya dahil sa inakto ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Maang-maangan niya. Paismid akong tiningnan siya at siniguradong naka-save ang picture niya sa gallery ko.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
