Seventy Five

488 24 3
                                        

Seventy Five

Nakapangalumbaba ako sa study table at nakamasid sa labas ng bintana. Gabi na at medyo nakakaramdam na rin ako ng antok ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang napag-usapan kanina sa hapagkainan.

Dinampot ko ang aking cellphone at tinawagan si Papa.

Ipinatong ko ang paa ko sa table at komportableng umupo habang naghihintay. Napansin ko rin ang pagpasok ni Stephen sa kwarto at umupo sa chair kaharap ko.

"Maglilinis lang ako ng katawan." walang emosyong paalam niya sa akin kaya tipid ko lang siyang nginitian habang pumasok na rin siya sa banyo.

Narinig ko na rin ang boses ni Papa sa kabilang linya. "Uhm, Sashi." bungad niya.

"Pa, miss na kita. Punta ako d'yan bukas?" masiglang salubong ko.

"Ikaw ang bahala. Nandito lang naman ako sa bahay."

"Sila Tita Jovy at Rail pala, Pa?"

"Nag-grocery, inaabangan ko nga. Mukhang naabutan ng ulan sa labas." Ngumiwi at tumango ako sa sinabi niya at natahimik.

"Bakit? May gusto ka bang sabihin?" Napalunok ako at wala sa sariling kinagat ang aking kuko.

"Uhm, Pa, sa tingin mo ba aside from being a housewife ano pa kaya ang mga capable na kaya kong gawin?"

Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Bakit mo naman ako tinatanong sa ganyan, anak. Hindi ba dapat ikaw ang sumasagot n'yan sa sarili mo?"

"K-Kasi–"

"Sashi noong sinabi mo sa aking pangarap mo si Stephen. I supported you at ngayong nakuha mo na 'yon at naisakatuparan. Ask yourself again, ano pa ba ang mga gusto mong gawin?"

Napaisip ako at tinanaw ang madilim na paligid. "Hindi ba dapat lahat ay nakasentro lang kay Stephen?" naguguluhan kong tanong. Katahimikan ang bumalot sa amin ni Papa.

"Sashi... why try to find a new dream na hindi na muna si Stephen ang sentro. Find a new one na pinakagusto mo. For sure, sa lahat naman ng gagawin mo nand'yan na ang asawa mo para sa 'yo." mahinahong payo niya.

"Tingin mo, Pa?"

"Oo naman! Pag-isipan mong maigi' yan. Oh sige nandito na sila, tutulungan ko na lang muna sila sa mga pinamili. Anong oras ka nga pala pupunta dito? Magluluto pa ba kami?"

"Uhm. Mga hapon pa siguro Pa. Bye, I love you." paalam ko at pinatay na rin ang tawag.

Napa-ayos ako ng upo at sumubsob sa mesa. Kumuha ako ng ballpen at papel at pinaglaruan 'yon. Hindi nagtagal ay nararamdaman ko na ang presensya ni Stephen sa tabi ko at lumapit sa akin.

"May problema ba?" malungkot akong tumingin sa kanya at walang ganang umiling. Pinaglaruan ko ulit ang ballpen at papel.

Naka-bathrobe siya habang nasa ulo ang towel at pinapatuyo ang buhok niya. Kumuha siya ng libro sa harap ko at walang salitang umupo sa kama habang nagbubuklat na ng libro.

Nakasimangot kong inikot ang aking upuan at inangat ang paa at niyakap habang seryosong tiningnan si Stephen.

"Papasok ka na bukas?" tanong ko. Walang emosyon siyang tumango sa at nagbasa ulit. Napasinghap ako at huminga ng malalim.

"Why?" Tanong niya. Nagtama ang tingin namin.

"Napaisip lang kasi ako sa sinabi ni Dad kanina, babalik pa ba ako sa office?"

"It's up to you." simpleng sagot niya.

"Pero kasi, kaya lang naman ako pumunta doon ay dahil sa nandoon ka. Ngayong wala ka na, ano naman ang reason ko para pumunta at pumasok pa roon?" Biglang kumunot ang noo ni Stephen dahil sa sinabi ko.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon