Forty Two
4th Year College
"Nakontak mo na si Stephen?" Tanong ni Papa sa akin. Malungkot akong napailing. Halos isang linggo ko na siyang tinatawagan pero walang sumasagot.
We also tried to contact Tita kaso pati sila ay hindi rin namin matawagan. Nag-aalala na kami ni Papa. Balisa kong binuksan ang tv at lahat kami natigilan sa balitang lumabas.
"One of the board of directors ng kilalang kompanya nasangkot sa nakawan." Hindi ko alam pero biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib.
Sinimulan ko na naman kagatin ang aking kuko sa hindi malamang kadahilanan. Pumasok ulit ako ng kuwarto at tinawagan si Stephen pero wala talaga, natataranta na ako.
Wala naman masamang nangyari sa kanila 'di ba?
Kumatok sa aking kwarto si Rail at niyaya akong kumain pero wala akong ganang umiling.
Niyakap ko ang aking sarili at sinubukang tawagan siya at Tita pero wala pa rin. Hindi nagtagal ay pumasok sa loob si Rail at inakbayan ako.
"Huwag kang mag-alala, wala namang masamang nangyari roon." Sabi niya upang pagaanin ang loob ko. Hindi ako nagsalita at natulala lang. Naramdaman ko ang malalim niyang buntong-hininga sa tabi ko.
"Gusto mo puntahan natin si Tita mo?" Agad akong tumango at halos maiyak dahil sa suhestyon niya.
Ginulo niya ang buhok ko at hinayaan muna akong mag-ayos. Pagkalabas ko ay ngiti agad ni Papa ang sumalubong sa akin.
"Kapag nakita mo sila, sabihin mo na lang na huwag patayin ang mga phone nila at nag-aalala kamo tayo." Bilin niya. Tumango ako at nagpaalam. Ngumiti rin si Tita Jovy sa akin.
Naglakad kami ni Rail palabas upang madali para sa aming makasakay ng Taxi. Tulala at hindi ako mapalagay habang papalapit sa bahay nila. Sana naman walang masamang nangyari, hindi ko talaga maintindihan ang kabog ng aking dibdib.
Makaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na nga kami ng bahay nila. Huminga muna ako ng malalim at sumulyap ako kay Rail sandali bago nag-doorbell.
Nakaka-limang doorbell na ako pero wala pa rin, nag-aalala na ako. Lumayo ako ng konti upang tingnan kung may ilaw ba sa loob pero wala, napakadilim ng buong bahay. Naiiyak na akong lumapit ulit sa doorbell and when Rail accidentally open their door bigla itong nagbukas. Hindi pala nakasara ang bahay.
Mabilis akong pumasok sa loob at hinanap sila...pero wala akong makitang bakas ng kahit isa sa kanila! Nagtungo ako sa kuwarto ni Tita at tiningnan ang mga damit nila at nanlumo ako dahil wala na lahat.
Ano ba ang mangyayari? Umakyat ako para tingnan ang gamit nila Stephen at Stanley at wala na rin ang kanila. Napaupo ako at tuluyang nagbagsakan ang luha sa aking mga mata.
Nasaan na sila? Lumapit sa akin si Rail at mahigpit akong niyakap. Mas lalo akong naiyak dahil sa yakap na binigay niya at pinasadahan ng tingin ang buong bahay.
Walang tao ang bahay nila at ang mas masakit pa ay hindi ko alam kung nasaan sila.
Isang linggo kong hindi matawagan ang phone or any social media site ni Stephen. Pero hindi ko ini-expect na makikita kong walang tao ang bahay nila. Mukhang seryosong problema ang lahat.
Inalalayan ako ni Rail upang makauwi ng bahay samantalang tuliro ako sa lahat. Pagpasok ko ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko at nagkulong ng tuluyan sa aking kuwarto.
Narinig ko rin ang na tanong ni Papa kay Rail. Hindi nagtagal ay pumasok si Papa, nanatili lang akong nakahiga at naka-talukbong ng kumot.
"I'm sure they are fine." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
