Seventy Nine
Lunes at maaga ako nagising upang tulungan si Mom sa paghahanda ng agahan. Tulog pa si Stephen ng bumangon ako. Naghilamos at nagtali lang ako ng buhok bago bumaba sa kusina.
"May interview ka ngayon hindi ba?" tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Handa ka na ba? Maghapon ka lang sa kwarto niyo kahapon, nagpractice ka ba ng sasabihin?"
"Opo," malungkot kong sagot at napangiti ng maalala ang ginawa namin kahapon. "Tinulungan ka naman ba ni Stephen?" dugtong na tanong ni Mom.
Bumusangot ang mukha ko at umiling. "Hindi! Sabi niya huwag na raw akong mag-abala dahil hindi naman daw ako Mom, makakapasa," sumbong ko kahit binawi naman talaga niya ang sinabi niya.
Mom sighed disappointingly. Napangiti ako.
"Iyan talagang asawa mo, wala man lang tiwala sayo. Huwag kang mag-alala for sure na makakapasa at makakapasok ka sa kompanyang 'yan." Mas namuo ang ngiti ko ng pinatatag ni Mom ang loob ko kaya naging ganado na rin ang araw ko.
Makaraan ng ilang minuto naming pagkukwentuhan ay umakyat na rin niya ako upang maghanda at gisingin si Stephen. Oo nga pala, kailangan ko pa nga pala siyang lambingin para mahatid niya ako sa interview.
Dahan-dahan ang pasok ko sa kwarto at dahil maaga pa naman upang gisingin siya, ako na muna ang unang naligo. Paglabas ko ng banyo ay ginising ko na rin siya. Inaantok pa ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"What time is it?" inaantok niyang tanong.
"7 o'clock" He nodded. Babangon na sana siya at papasok sa banyo ng mabilis kong hinigit ang kamay niya at nginitian ng malapad.
"What?" nagtatakang tanong niya.
"Sabay na ako sayo pagpasok, kahit drop mo na lang ako sa malapit sa building ng interview ko, please."
"Mali-late ako." usal niya. Ngumiwi ako at hindi sumuko.
"Sige na, ngayon lang naman, please, please." At hinalikan siya sa pisngi.
Sandali siyang natigilan at nagpakawala ng malalim na paghinga bago umiling at pinagbigyan ako.
Nag-ayos agad ako upang paglabas niya'y aalis na lang kami. Pagbaba namin ng kusina, sabay kaming umupo sa hapagkainan at tahimik na nag-almusal.
Siniko ako ni Stanley. "Mukhang lamay ang pupuntahan mo, all black talaga?" Agad akong napatingin sa suot kong palda na abot hanggang tuhod at long sleeve formal black.
"Tss, ganitong damit din kasi ang suot ko noong nakapasa ako sa first job ko kaya naniniwala akong may swerte sa damit kong 'to." siguradong utas ko.
Dismayadong tingin na lang ang nakita ko sa kaniya bago nag-focus sa pagkain. Kakaiba rin akong tiningnan nila Mom samantalang si Stephen ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo sa tabi ko.
After kumain, magalang lang akong nagpaalam sa kanila bago sumabay kay Stephen palabas ng bahay.
Wala siyang imik habang pumapasok sa driver seat kaya sumunod na rin ako sa kanya. Nang tuluyan na kaming makalabas ng garahe at binabagtas na ang labas ng village ay tsaka ko siya sinulyapan.
Seryoso siyang nagmamaneho na aakalain kong wala akong kasama sa loob ng sasakyan. Ang tahimik, nabibingi ako. Kailangan kong mag-salita.
"Stephen." tawag ko ng pansin niya.
"Uhmm."
"Anong oras ka makakauwi mamaya?"
"I don't know, maybe late? It depends kung ilang operation ang naka-schedule sa akin. Why?"
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Roman pour AdolescentsLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
