Ninety Four

520 25 4
                                        

Ninety Four

Buong byaheng tulog si Stephen, hindi ko na rin siya inistorbo dahil magdamag siyang nagtrabaho. Nang matanaw ko na ang lugar papasok sa libingan ni Mama ay itinuro ko na agad 'yon kay Manong. Dala ng ingay ko kakaturo sa daan, mukhang nagising ko na siya.

Kaliwa, kanan at diretso lang ang sinasabi ko. Nang tuluyan ko ng matanaw ang gate ng cemetery ay pinahinto ko na ang sasakyan. Lumabas siya at tinulungan akong ibaba ang mga pagkaing dala namin. Nauna ako sa kanya habang kinausap niya muna ang driver at kalauna'y sumunod na rin sa akin.


Nilinga ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at may nakita akong mag-barkada sa hindi kalayuan na nagkakasiyahan, may mga bata ring naglalaro. Simple akong napangiti at dumiretso kung nasaan ang puntod ni Mama.

Ang lapad ng ngiti ko ng nakatayo na ako sa harap niya. Umihip ang hangin ng malakas dahilan upang mapuwing ako. Mabilis na lumapit si Stephen at tiningnan ang mata ko. Hinipan niya 'yon upang matanggal ang dumi.

"Meron pa ba?" tanong niya. Umiling ako at ngumiti.

"Wala na, thank you."

Tinulungan niya akong maglatag ng sapin sa tabi ni Mama, inilagay ko rin ang mga pagkaing dala ko. Bumalik pa siya sa kotse upang kunin ang mga natira habang nilinis ko naman puntod.

Nagsindi ako ng kandila at nilapag ang flowers na paborito niya. Umupo ako ng maayos sa harap at nagmasid sa paligid.

"Ma, nandito na ako." Unang salitang lumabas sa bibig ko habang unti-unting namumuo ang luha.

"Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw sayo, pero huwag kang mag-alala may kasama naman ako." I smiled while wiping my tears. "Kasama ko pala ang kaisa-isang lalaking minahal ko bukod kay Papa," nakangiting kwento ko.

"For sure, nasabi na siya sayo ni Papa. Malamang din, nagsasawa ka na sa drama ko d'yan sa itaas sa tuwing nagkukwento ako...pero Ma, " I stopped and looked at his tombstone. "Sa lahat ng bawat pagsulyap ko noon sa kalangitan at sa bawat pagtulo ng luha ko. Alam kong nandoon ka, taimtim na nakikinig sa mga sinasabi at mga drama ko sa buhay." Tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ko.

"Lumaki akong nakita ka lang sa litrato pero alam kong isa kang napakabuting Ina. Kaya Ma, thank you dahil ipinanganak mo ako sa mundong ito. Thank you for taking care of me, for watching me and listening to all my drama." Bigla kong naramdaman ang pagtabi ni Stephen sa tabi ko at agad na pinunasan ang mga luha na walang tigil paglabas.

Nagtama ang tingin namin habang nakangiti niyang pinupunasan ang luha ko. "Sabi ko na nga ba at mamaga na naman ang mata mo," aniya habang diretso ang tingin sa akin.

He smiled.

"For sure she's been complaining to you nonstop since the day she met me." panimula niya sa aking ina. Mas lalo akong umiyak dahil sa mga sinasabi niya.

Stephen gently held my hand as he looked at my Mothers tombstone. Hindi ko na-imagine na mangyayari 'to sa buhay ko. Him beside me while conversing with my deceased Mother.

"When she lives with us, at first, I really don't like nor understand her. She's the type of person na sa unang tingin ay alam na alam kong hindi ko magugustuhan. She's annoying, stupid and clumsy..." Sinamaan ko siya ng tingin habang ang gaan ng bawat salita niya.

"But, when I started to find the best in her...I can say that she's really the best woman who can fit my personality." Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga sinasabi niya.

"I'm sorry po if there was a time na nagagalit kayo sa akin dahil paulit-ulit kong sinasaktan ang nag-iisang anak niyo, patawad po." I closed my eyes warmly.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon