Thiry Four

380 19 6
                                        

Thirty Four


Our graduation came and just like what I expected. Bigla ko ulit nasilayan si Stephen sa malaking monitor. He's in a refrigerator mode again while delivering his speech to us. At hindi ko alam kung dala lang ba 'yon ng pagkamiss ko sa kanya kaya umiiyak ako o talagang maganda lang ang mensahe niya.


Marahang tinapik ni Tin ang aking likod.

"Are you okay?" tanong niya. Tumango ako at tinutok ang paningin sa monitor. Nang matapos siyang magsalita ay masigabong palakpakan agad ang natanggap niya sa aming lahat. Nagtama ang mga mata namin ni Tita na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin, katabi nila si Papa na naka-wheelchair at masayang tinitingnan ako.

I also see Stanley na nainip.

I stand up straight ng marinig kong tinawag ang pangalan ko. Habang nakakagawa ako ng hakbang patungong stage ay unti-unting nagbabalik tanaw sa akin ang lahat ng mga alaala ko sa apat na taon rito. My youth and adolescence is all about this school kaya habambuhay kong dadalhin ang mga alaalang iyon. They said high school life is a very memorable stage of being a person and I think I gave my very best to this stage of my life.

Nang mahawakan ko ang aking diploma ay nakita ko agad mula rito ang umiiyak kong Ama. He must be really proud of me.

"Sorry po natagalan." Hingi ko ng paumanhin.

"Okay lang, dapat nakipag-picture ka pa." Nakangiting sambit sa akin ni Tita.

"Okay na po, halos hindi ko na nga po maigalaw ang mukha ko dahil sa kakangiti." Nagtawanan sila sa harap ko. Tumabi sa akin si Stanley pilyo akong binulungan.

"Pangit, mabuti na lang at umalis ka na sa bahay. Wala na kasing mukhang pangit doon." Sinimangutan ko agad siya.

"If I know namimiss mo naman ako."

Nagsalubong ang nguso niya at todo deny sa akin. "Akala mo ah! Sinabi sa akin ni Tita na panay daw tanong mo sa akin kung kailan ako babalik?" Dugtong ko.

Mas lalo siyang nairita sa sinabi ko. "Hindi kaya!"

"Oo kaya! Pero h'uwag ka mag-alala, hindi na ulit ako babalik" nakita kong bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.

"Bakit naman?"

"Akala ko ba hindi totoong namimiss mo ko, bakit parang dismayado ka ng sinabi kong di na ako babalik?" Panghuhuli ko sa kaniya.

"Hindi ah!"



Pinantayan ko siya at malapad na nginitian. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako. "Dahil wala na si Kuya sa bahay?" Natigilan ako.

"H–Hindi dahil doon." Sagot ko.

"Then bakit?" Napaiwas ako ng tingin kay Stanley dahil biglang hinawakan ni Papa ang kamay ko at nagyaya ng mag-picture. Nagpakuha kami ng litrato kila Tita at nakaka-ilang pose na ako nang biglang may tumawag sa kanila.

Lahat kami ay natigilan.

"Uh, Stephen?" Agad nagtama ang tingin namin Tita.

Napaiwas ako ng tingin at lumapit kay Papa.

"Tapos na, nagkukuhanan na lang kami ng litrato. By the way kasama namin sila Sashi, gusto mo bang kausa–"

"Sash!" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Tita dahil sa malakas na sigaw sa akin ni Rail. Malapad na ngiti agad ni Rail ang tumambad sa amin.

"Sino siya?" Tanong ni Tita habang kausap pa rin si Stephen.

"Si Railey." Sagot ni Papa.

"Ang guwapo niya ngumiti." Wala sa sariling usal ni Tita na nakatanggap din naman ng kurot kay Tito. Kinalabit ako ni Stanley.

"Don't tell me siya ang dahilan mo kung bakit lumipat ka ng bahay?"

"Ano ang pinagsasabi mo, p–pin" napukaw ni Tita ang atensyon ko.

"Ay Stephen sorry, nakalimutan kong kausap nga pala kita. Ano nga ulit 'yon, anak? Nga pla nandito si Sashi gusto mo ba siyang makausap o i-congratulate?" Natigilan ako sa sinabi ni Tita pero nabasa ko agad ang sagot ni Stephen dahil sa reaksyon ng mukha niya. Mukhang binabaan siya ng tawag.

Ayaw niya parin akong kausapin.

Nanamlay ako sa lahat ng mga nangyayari, pinanood ko na lang kung paano pinakilala ni Papa si Rail sa kanila.

Pag-uwi sa bahay ay nakatanggap agad ako ng tawag kay Tin at inaanyayahan akong pumunta sa bahay nila ngunit tinanggihan ko lang.

Nagbihis at nagpalit ako ng pambahay at binuksan ang tv, naghanda rin si Papa ng pagkain kaya dito ko na lang piniling mag-celebrate.

Tumabi sa akin si Rail at binigyan ako ng makakain.

"Nagmumukmok kana naman. Tell me kung ano ang gusto mo, bibilhin ko or kukunin ko para sayo." Biro niya.

"Tigilan mo nga ako." Bwelta ko.

Mas lalo niya pa akong kinulit kaya wala sa sarili kong nasabi ang video message ni Stephen kanina.

Kinunutan niya ako ng noo at seryosong tinanong. "Seryoso ka? 'Yon ang gusto mo?" Agad akong tumango.

"Oo." Biro ko kahit napaka-imposible. Kunot ang noo kong minata siya dahil pwersahan niya akong binuhat papasok sa kwarto.

"T–Teka anong ginagawa mo?"

"Magbihis ka at pupunta tayo sa school mo" He said and smirked.

"Para sa? Tapos na graduation namin." Lito kong sagot.



"Sabi mo gusto mo ang video message ni Stephen, then kukunin natin." Natigilan ako sa sinabi niya at unti-unting napangiti dahil sa naiisip na plano.

That day Rail became so supportive about me, sinuportahan niya ako sa lahat ng bagay although ayaw niya kay Stephen noong una pero wala na rin naman siyang nagawa kung hindi tanggapin ang pagkabaliw ko sa kaniya.

Unti-unti kong na-realize na may mga tao pa rin palang nagmamahal sa akin at kayang punan ang pangungulila ko kay Stephen.

Nagtagumpay kaming makakuha ng copy ng video message niya at sa tuwing namimiss ko siya, palagi kong pinapanood 'yon.

And also Rail printed out every single photo na naka-save na picture sa phone ko at dinesenyo sa aking kuwarto para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila ko sa kaniya.

Ilang beses ko rin tinangkang tawagan siya at titigan ang numerong naka-save sa aking phone pero wala akong lakas ng loob. I am afraid of his cold rejection.

Hindi na rin ako ulit nakadalaw pa kila Tita dahil medyo may kalayuan na ang bahay namin sa kanila, halos every week ko ng naririnig ang boses ni Stanley dahil palagi niya akong tinatawagan. Mukhang namimiss na talaga ako ng batang iyon.

And my vacation ended just like that, nothing special.

I enter a not so popular college at medyo malapit lang 'yon sa bahay namin. Medyo may kahirapan ang exam pero dahil naturuan ako noon ni Stephen about sa mga college exam, halos lahat ng lumabas ay nabasa ko kaya hindi ako gaano nahirapan.

.

While entering college, I promise myself to live like anyone else. And I also promise Stephen kahit sa isip ko lang na pagbubutihan ko ang kolehiyo, hindi ako magiging tamad sa pag-aaral na katulad ng ine-expect nila. I promise myself to be a strong and successful this time para na rin sa sarili ko kay papa at para sa kanya. Ayokong kapag nagkita kami ay ma-disapoint siya sa akin.

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng bago kong school, there's still like Stephen in my eyes, matalino at cold na expression. I also see Tin personality, a tomboyish type of girl but has a kind heart. Napangiti rin ako ng makita ko sa ibang tao ang katangian ni Ken, a very generous man. And I also see myself in other people, a careless, childish and annoying girl.

In this stage of my life, I have made a very serious promise to myself that I will miss Stephen for 5 days in a week at sa natitirang dalawang araw ay mamahalin ko ng higit ang sarili ko. Maglalaan ako ng oras sa sarili ko upang mas makita ko ang worth ko at mag-isip kung ano ba ang mga gusto ko. In the remaining 2 days, I will treasure myself more.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon