Eighty Three
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw. Kinapa ko si Stephen ngunit agad akong napabangon ng nararamdaman na wala na siya.
Pagtingin ko sa oras ay halos mailuwa ko ang mata ko. Oh my god! Late na ako. Mabilis akong pumasok ng banyo at naligo. Wala pa 'yatang sampung minuto ay tapos na ako. Naghanap ako sa closet ng corporate attire dahil magsisimula na ako sa trabaho.
Hindi ko na nagawang i-blower ang buhok ko kaya pagbaba ko ng kusina ay mukha akong basang sisiw. Tahimik na nakaupo sa hapagkainan si Stephen habang nagbabasa ng d'yaryo. Masama ang tingin na pinukol ko sa kanya dahil hindi man lang niya ako ginising.
Lumapit ako at bumulong. "Hindi mo man lang ako ginising," maktol ko at walang emosyon niya lang akong tiningnan. Haist! Wala talaga akong mahihita kay Stephen.
After kumain ay nagpaalam na rin ako kila Mom. They all give me a goodluck expression at sumabay sa sasakyan ni Stephen.
Halata ang kaba sa loob ng sasakyan dahil sa ilang beses kong pag-buntong hininga.
"Stop sighing! Parang first time mong magtrabaho sa kinikilos mo," Inis na saad niya. Sinimangutan ko siya at tumingin na lang sa daan.
Makaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ng building. Lumabas na ako at malawak na ngumiti sa kanya.
"Goodluck on your first day," he said at mabilis akong pinatakan ng halik bago niya pinaharurot ang sasakyan. Napangiti ako habang pinapanood siyang unti-unting nawawala sa aking paningin.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng building. Masigla kong binati ang mga empleyadong nakakasalubong.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa HR office na kung saan ibibigay na sa akin ang Company I.D. The HR will also introduce me to my team.
Pinaghintay pa nila ako ng ilang minuto. After a while ay lumabas na rin ang HR sa office ng bago kong boss.
"Sige, Sashi, iiwan na kita dito." Tumango ako.
"By the way, your boss will be the one who trains you. Bye and goodluck." Tipid ko na lang siyang nginitian at pinanood na siyang maglaho sa paningin ko.
Hindi nagtagal ay lumabas na ang aking boss sa opisina. He's wearing a well fitted tuxedo at alam kong pormang porma ang katawan niya. Naririnig ko rin ang bulungan ng iilang staffs sa aking likuran.
Binati ko siya habang dinala na niya ako sa magiging pwesto ko. He even introduced me to his team and our department.
His name is Sir Felix Agustin, siya iyong nag-interview sa akin at ka-schoolmate ko wayback high school. He is also the same person na akala niyang hindi si Stephen ang naging asawa ko. Psh!
They brief me kung ano ang nature ng trabaho, but since hindi naman ako baguhan sa ganitong work, mabilis ko ring nakuha ang mga sinasabi nila.
Lunch na ng nakatanggap ako ng tawag mula sa aking asawa. I bit my lips and smiled.
"Hello."
"How's your work? Kumain ka na?" tanong niya.
"Papunta pa lang ng cafeteria, about work, okay naman. Ikaw? Kumain ka na?" balik kong tanong.
"Not yet. I still need to check some patients."
Napanguso ako at nakaisip ng sasabihin. "Susunduin mo ba ako?"
"I still don't know, I'll go ahead, enjoy your meal!" And he hung up. Tsk, tsk! Napaka-cold talaga. Haist! Hindi man lang ako nakapag-goodbye.
Kinuha ko ang aking wallet sa bag at sumunod na rin sa mga kasama ko. Nasa elevator na kami ng nakasabay pa namin si Sir Felix.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
