Twenty Nine
"Review pa rin?" Nakasimangot kong tiningnan si Tin na naglapag ng maiinom sa table. Humila siya ng upuan at tinitigan ang mga nire-review ko at halos malula siya habang binabasa'yon.
"Kaya mo pa ba?" Natatawang sabi niya sa akin.
"Oo naman." Siguradong sagot ko pero ang totoo, ang sarap ng sukuan ng librong pinapabasa sa akin ni Stephen. Kung hindi ko lang talaga iniisip ang future ko kasama niya ay malamang sinukuan ko na ang mga makapal na librong 'to.
"Nga pala, nasabi mo na ba 'yan sa Papa mo?" Hindi ako makasagot. Nag-aalangan akong magsabi kay Tin. Actually ilang araw na akong hindi nakakatanggap ng tawag kay Papa. Ilang araw na akong balisa at kinakabahan sa tuwing naiisip siya.
"Ilang weeks na lang mula ngayon ay exam na natin for 4th grading, malapit na tayong grumaduate. Ang iba sa atin ay nag-take na ng mga college exam. Napakabilis talaga ng araw." bulalas niya habang nakatingin sa kawalan.
"Ikaw? Ano plano mo?" Tanong sa kanya.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Hindi ko pa alam. Mabuti ka nga at nakaplano na ang gagawin mo. Ako, wala pa sa ngayon. Si Ken nabalitaan mo na bang nag-enroll siya ng culinary arts? Biruin mo ang lalaking 'yon, may pakialam rin pala sa future niya." Napangiti ako sa binalita niya.
"So kailan ang magiging alis niyo ni Stephen?" Seryoso niyang tanong sa akin. Napatigil ako sa pagsusulat at dahan-dahang lumingon sa kanya.
"Hindi ko pa alam." Sagot ko at nagsimula na ulit umingay ang classroom dahil nag-sidatingan na ang ibang kaklase namin.
Simula ng pumasok ang 4th grading, naging abala na kaming lahat sa mga kanya-kanyang research na pinapagawa. Medyo naging maluwag na rin ang mga guro at hindi na kami gaanong pinapapasok dahil sa paghahanda sa pagtatapos na taon. Kaya ang iba sa amin ay palagi ng wala at nag-inquire sa iba't-ibang colleges and universities samantalang ako ay na-stock lang sa school at bahay dahil si Stephen lagi ang kaharap ko sa pag-re-review.
Desidido talaga siyang tulungan ako. And I wonder kung bakit? Bakit niya ako tinutulungan? Following him for the last 4 years ng pag-aaral ko'y ni minsan hindi ko siya nakita na ganito ka-considerate sa damdamin ng ibang tao. Pero sa tuwing pinagmamasdan ko siya sa nagdaang buwan, malaking palaisipan sa akin kung bakit? Bakit ganoon ang kagustuhan niyang isama ako sa ibang bansa? Dahil lang ba sa nag-eenjoy siyang kasama ako at para hindi siya mabored during his stay o may iba pa?
Nag-dismissed na ang huling subject namin kaya nagligpit na rin ako ng gamit. Naunang magpaalam sa akin si Tin at may lakad pa raw siya. Tumango ako at lumabas na rin ng silid. Naglalakad na ako sa kahabaan ng hallway ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Malungkot akong napahinga ng malalim at tiningnan ang bag, mukhang hindi na naman ako nakapagdala ng payong.
Mahigpit kong niyakap ang librong hawak at pinagmasdan ang patuloy na pagbuhos ng ulan. Unti-unti na ring nawawala ang mga estudyante. Nagbabalak na sana akong tumakbo ng matigilan dahil nakita ko si Stephen na naglalakad at may dalang payong. Napangiti ako at tatawagin sana siya ngunit napatigil dahil may nakaabang pala babae sa kanya.
Nagtago ako sa poste upang hindi niya mapansin at malungkot na lang silang pinanood na maglaho sa harap ko. Si Viviore na naman ang kasama niya. Napapansin kong napapadalas ang pagsasama nila nitong nakaraang araw.
Lumipas ang ilang minuto at nanatili lang akong nakatayo at nakasilong sa main building upang magpatila ng ulan nang bigla akong makatanggap ng tawag.
Walang gana kong sinagot ang tawag.
"Sashi?" Boses lalaki agad ang bumungad sa akin.
"Yes po?" Sagot ko.
"Nasa school ka ba ninyo?" Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya at hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Ficção AdolescenteLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
