Sixty Four
Nauna akong kumawala sa yakap at nagbabalak na kumuha ng tubig nang bigla akong matigilan sa sinabi niya.
"Why you have a blood stain in your short?" Nanlaki ang mata ko at sinilip ang short ko. Halos mamula ako ng makitang may konting tagos na 'yon. Shocks!
Namutla akong naiilang na tumingin kay Stephen habang nakitaan ko na agad siya ng ngiti.
Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at naghanap ng pads pero wala akong mahanap. Naku, saan ko ba nilagay 'yon?! Hindi ko ba naiwan sa bahay? Hinalughog ko na ang buong closet pero wala pa rin akong makita!
Naiilang akong sumilip sa labas ng kuwarto at nagpapa-awang tumingin kay Stephen.
Kinunutan niya ako ng noo habang napapansin niyang nakahawak ako sa aking puson.
"So is that the reason kung bakit parang may sakit ka this past few days?" tanong niya na mabilis kong tinanguan. Halos magmakaawa ako sa harap niya.
"S-Stephen." tawag ko sa kaniya.
"Uhm?" Masuri niya akong tiningnan.
Napaiwas ako ng tingin dahil alam kong isusumpa niya ako sa oras na aminin ko ang sadya ko sa kaniya. "Alam kong pagod ka at inaantok na, pero puwede ba na..." nakita ko na ang pagkunot ng noo niya dahil sa pag-aalangan ko.
"...pwede ba na..." huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili. "Pwede ba akong makisuyo ng pads sa labas, nakalimutan ko kasing bumili ng stock dito, please." Halos mapanganga siya sa sinabi ko at binalutan ako ng kahihiyan at pamumula ng pisngi.
Lumapit siya sa akin at pinitik ang noo ko. "You are really a pain in the ass, Sash," huling utas niya bago lumabas ng unit at sinunod ang utos ko.
Napasimangot ako. I never imagine na makikita ko siyang bumibili ng napkin and worst para sa akin! Pakiramdam ko bibitayin na ako pagbalik niya.
Imagine the genius and cold blooded Stephen Chen is buying a napkin in the convenience store for his girlfriend?! Kung nag-aaral pa siguro kami baka buong buwan itong pinag-uusapan sa buong campus, but since hindi na...hahayaan ko na lang ang sarili kong sariwain ang lahat ng 'to.
Nagdala ako ng short sa banyo upang pamalit at doon siya hinintay. Makaraan ng ilang minuto ay narinig ko na ang pagbubukas ng pinto kaya sinilip ko na siya at malapad na ngumiti.
Wala siyang emosyong inabot sa akin ang isang balot na punong-puno ng napkin. Napakarami niyang binili!
"Ang dami naman nito." reklamo ko habang tinatangap ang supot na binili niya.
"Mas okay na 'yan, I really never imagined myself buying that kind of stuff, Sashi!" mariin niyang sabi at sinamaan ako ng tingin. I wrinkled my nose at nag-peace sign bago sinarado na ang pinto.
Paglabas ko ay diretso agad ako sa fridge upang kumuha ng maiinom. Kalalabas lang din niya sa kuwarto at nakapambahay na.
Medyo masakit pa rin ang puson ko pero hindi na gaano. "Cramps?" tanong niya sa akin. Tumango ako.
Nilapitan niya ako at pinaupo sa couch.
"Stay here," he said and went back to the kitchen.
Naging pagkakataon ko rin 'yon upang mag-isang indahin ang kirot. Hindi nagtagal, may inabot siyang mainit na tsaa sa akin.
"Drink it, it will reduce your pain." utos niya. Sinunod ko siya at ininom ang binigay niya. Tumabi siya sa tabi ko habang umiinom na rin.
"Anong oras ka nakarating?" basag ko ng katahimikan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Ficțiune adolescențiLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
