Eighty Six
Friday ng nagkayayaan sila Sir na mag-dine out in celebration na rin sa first day ko noong nakaraang linggo.
Another week has passed and still Stephen didn't even look at me in our house. Para lang akong hangin sa kaniya at sa tuwing umiiwas siya kahit masakit sa akin, gusto ko ring maramdaman niya na mali na siya. I don't want to cradle his whims anymore. Kaya ilang beses kong pinigilan ang sarili kong bigyan siya ng update. Ilang beses akong nakipagtalo sa isip ko kung kakausapin ko ba siya o hindi and in the end kahit mahirap...nilalakasan ko rin ang loob kong manahimik at huwag siyang suyuin.
Kanina pa ako hindi mapalagay sa banyo, hindi ko alam kung magpapaalam ba ako sa kanya upang ipaalam na mali-late o hahayaan ko siyang mag-isip. Dahil hindi ako makapag-desisyon, tinawagan ko muna si Tin at sa kanya nanghingi ng advice.
"Tin!"
"Balita? Okay na ba kayo ni Stephen?"
"As usual ganoon pa rin."
"What?! Ako ay nanggigigil na kay Stephen. Ano ba ang problema niya?" Nanggagalaiting sabi niya.
"Hayaan mo na lang, kaya ako tumawag kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Actually may dinner kami ngayon dito sa office. Ngayon, hindi ko alam kung ipapaalam ko ba 'to sa kanya. Kung tatawagan ko ba siya–"
"Huwag kang magpa-alam! Hayaan mo rin siyang mag-isip! Iniinis na ako ng lalaking 'yan. Huwag kang magpapa-alam, sinasabi ko sayo! Huwag!" desididong saad niya.
"Kahit text man lang?" pahabol ko.
"No! Kahit text, huwag, sinumpong na naman ng ugali ang asawa mo. Hayaan mo siyang maghintay sayo. Enjoy this night, huwag mo na munang isipin ang lalaking 'yon. Ipakita mo sa kanyang kung kaya ka niyang tiisin ng gaoon, kaya mo rin!" Pinalakas niya lalo ang loob ko kaya naging desidido ako. I hang up my phone at hindi nga siya tinawagan. Sinunod ko ang sinabi ni Tin.
Lima kaming lahat including our boss. Sa sasakyan niya kami sumakay para hindi na rin daw kami mahirapan. Isang KTV bar ang pinuntahan namin. Punong-puno ng pagkain at alak ang buong room. Nagdiwang ang mga mata naming apat na babae dahil parang may fiesta ang table.
Si Sir ang nasa gitna habang nasa gilid naman kaming apat. He started our celebration with a sweet word, nagpasalamat siya sa hard work ng bawat isa and he also hope na sana mas pagbutihin pa namin ang aming trabaho since may darating kaming bagong project next week.
Tahimik muna kaming kumain, ilang beses kong sinilip ang aking phone at ni misscall wala talaga. Halos isang linggo na akong walang natatanggap na kahit text o tawag man lang sa kaniya. And instead na tawagan siya, gagayahin ko na lang rin ang ginagawa niya sa akin. Nakakapagod rin, pagod na akong umintindi sa lahat. I want to ask him pero hindi ko alam kung paano. Bubuka pa lang ang bibig ko pakiramdam ko malaking kasalanan na sa kaniya.
Love shouldn't be like this. Hindi ito ang pinangarap kong pagsasama namin.
After namin kumain, Sir decided to enter his song para unang kumanta since nagkakahiyaan kaming lahat. Puro tilian at palakpakan ang naririnig habang kumakanta siya. Isa isa ng binuksan ang beer na kanina pa nawawalan ng lamig dahil sa natutunaw na yelo.
Sunod sunod na inom ang ginawa ko habang nakiki-jamming sa mga songs nila. Hindi nagtagal tinabihan ako ni Sir at pinigilan sa boteng hawak ko.
"Dahan-dahan lang, hindi ka mauubusan ng inumin." Inismiran ko lang siya at sapilitang kinuha ulit ang beer sa kamay niya.
Nanahimik siya at sinabayan na lang akong uminom. Hindi nagtagal, kinalabit niya ako.
"Hindi pa rin ba kayo okay?"

BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...