Forty Four
Halos mabiak ang ulo ko pag-gising kinaumagahan. Tumayo ako at mariing titig agad ni Papa ang bumungad sa akin.
"Sashi! 'Yang pag-inom mo, hindi na maganda ang nakikita ko d'yan!" Bulyaw niya sa akin sa loob ng kuwarto.
"Pa, ang sakit ng ulo ko," daing at lambing ko sa kaniya. Nakita ko siyang naiinis pero kalaunan ay may bitbit ng isang basong tubig. Palihim akong napangiti.
"Ikaw Sashi, hindi na talaga ako natutuwa d'yan sa mga ginagawa mo! Halos araw-araw ka na lang umuuwi ng lasing." pangaral niya.
"Twice a week lang naman, Pa, 'tsaka sinasamahan ko lang naman sila Cory maglabas ng sama ng loob." palusot ko.
"Kahit na! Paano kapag wala si Rail para sunduin ka, paano ka uuwi ng mag-isa?! Mabuti sana kung maayos pa itong mga paa ko." Usal niya, nakita ko ang panghihinayang sa mga mata niya kaya tumayo ako upang yakapin siya.
"Ano ka ba, Pa, kaya ko naman na ang sarili ko. H'wag ka ngang mag-isip ng ganyan. I love you." Lambing ko ulit. Marahan niya akong niyakap at huminga ng malalim, napalitan na rin ng ngiti ang malungkot niyang mga mata.
Sabay kaming lumabas ng kuwarto habang tinutulak ang wheelchair niya, inalalayan ko siyang umupo sa hapag-kainan. Mabuti na lang at weekend ngayon kaya makakapag-pahinga ako.
Tinabihan ako ni Rail at mapang-asar na tiningnan.
"Ano?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Labas tayo ngayon? Bored ako." Maktol niya.
Mapanukso ko siyang nilapitan. "Why? May pagseselosin ka na naman ba? May naghahabol na naman ba sa 'yo?" Napawi ang ngiti niya at maamong tumango sa akin.
I rolled my eyes in front of him nang makitang tama ang hinala ko. "No! Magpapahinga ako maghapon." Walang emosyon na sagot ko.
"Dali na! Ililibre kita Sine? Milk Tea? Frappe? Lahat ng gusto mo o alak?" Pangungulit niya pa. Tumikhim si Papa sa harapan naming dalawa.
"No!" Tumingin ako kay Papa at nagpatulong upang pigilan si Rail sa pangungulit sa akin
"Pa, pigilan mo nga si Rail. Magpapahinga lang ako maghapon 'di ba? At masakit ang ulo ko, gagamitin na naman akong panangkalan niyan sa mga babae–" hindi niya ako pinatapos.
"Opps, teka nga! Parang kagabi lang sabi mo sa akin, magpa-plastic surgery ako dahil papaselosin mo si Stephen!" Nanlaki ang mata ko at tinuro ang aking sarili.
"Ako? Sinabi ko 'yon? Paano ko naman papaselosin 'yon kung wala naman siya dito?!" Bwelta ko sa kaniya. Halakhak ni Rail ang narinig kong sagot sa at tumayo sa likuran ko upang may gawing ritual sa aking uluhan. Napaawang ang labi ko kung gaano siya kabaliw sa likod ko.
"Abracadabra, ibalik niyo ang alaala ng babaeng ubod daw ng ganda na sa isang iglap nawalan ng memorya, abracadabra!" Bumuhos ang tawanan nila Papa dahil sa kalokohan ni Rail sa ulo ko.
Pinitik ko ang kamay niya at masamang tiningnan. Tumigil rin si Rail at natatawang umupo.
Pinilit kong alalahanin kung paano ko nasabi 'yon sa kaniya at nang unti-unting magpasukan sa isip ko ang lahat. Mabilis agad ang hakbang ko patungong kwarto upang tawagan si Tin para kumpirmahin ang lahat and when she said that Stephen is really here...parang nanuyo ang lalamunan ko. Totoo ba?! Nandito na nga siya sa Pinas!
Nanlamya akong bumalik sa hapagkainan at yumuko. Naramdaman din ni Papa ang pananahimik ko.
Akala ko ang nangyari kagabi ay panaginip lang at dala lang ng kalasingan, pero totoo pala talaga! Matapos kumain ay tamad akong umupo sa couch sa tabi lang ni Papa. Binuksan niya ang tv at tamang-tama dahil pinapalabas pala ngayon ang shinoot namin kahapon. Baka nag-magdamag na naman ang editing team para rito.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Teen FictionLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
