Seventy
Nasa kalagitnaan kami ng pagliligpit ni Tita ng nakatanggap ako ng tawag mula kay Tin.
"Uhm?"
"Kamusta ang bagong kasal? Naka-score kana ba kay Stephen?" Mabilis ang hakbang ko palabas ng sala upang sagutin ang tanong niya.
Napa-busangot ako. "Actually, no! Were still here in their house. Nakiusap siya sa akin na baka next next week na raw kami umalis for our honeymoon," balita ko. Malakas niyang halakhak ang narinig ko sa kabilang linya. I hissed.
"Ano ba naman 'yan! Ang hina naman ni Stephen! Kagabi nga kung ano-ano na ang naiisip kong reaksyon mo habang natutulog tapos wala naman palang nangyari?"
"Baliw!" I brushed her off. "Nga pala kamusta na nga pala ang proposal ni Ken? Wala na akong naging balita! Sa dami ng mga nangyari...hindi ko na alam," saad ko.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Actually, hindi ko na alam ang gagawin ko, Sashi. Simula ng malaman niyang buntis ako, araw-araw na siyang nagdo-doorbell sa condo o 'di kaya sa labas ng office para lang dalhan ako ng mga pagkain. Mas healthy daw ang bata kapag kumakain ako ng mga masustansyang pagkain. Alam niya na rin ang about sa kasal niyo ni Stephen and guess what?" Napangiti ako sa mga binabalita niya "He even congratulated both of you na para bang wala na siyang feelings sayo. Samantalang 3 months ago kung makangawa siya sa akin ay parang maguguho na ang mundo dahil hindi mo siya nagawang mahalin."
"Ano ka ba! Baka nag-iba ang feelings niya simula ng malaman niyang magkaka-anak na siya. Once a man became a father, nag-iiba ang pananaw nila sa buhay." I heard her sighed again.
"Ay ewan ko, basta naiirita ako sa pagsulpot bigla ni Ken sa harap ko. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Mas sanay ako nakikita ko siyang ganito sayo."
Napangiti ako. "Masasanay ka rin. So paano? Magpapakasal pa kayo?"
Katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya. "Nope. For sure nabigla lang si Ken ng sabihin sa akin 'yon. Come to think of it and let's just be practical. Oo, nabuntis niya ako but it doesn't mean na magpapatali na ako sa kaniya. I don't even love him."
Mapanukso ko siyang nginitian sa kabilang linya. "Just give it a shot, malay mo naman ang sinasabi mong 'you don't even love him' ay ma-convert sa 'I slowly fell in love with him'. Tin, a piece of advice when it comes to loving someone, it's not who you want to fall in love with. It's always who has your heart chosen. At hindi laging nasusukat 'yon sa kung gaano niyo na kakilala ang isa't isa, naka-base ito kapag tuluyan ng tumibok 'yan. Got it?"
Suminghap siya "So now that you've actually married to the man of your dreams, do you think you become a love expert dahil sa mga advices mo sa akin ngayon?" sarkastikong saad niya.
"Hindi naman. Payong kaibigan lang..."
"Psh! Nga pala may check up ako ngayon, sama ka? Sa Hospital nila Stephen ang check up ko. I know for sure na gustong-gusto mong makita ang husband mo wearing his white coat with a stethoscope on his neck." Agad umusbong ang ngiti ko sa sinabi niya. Oh damn it! I love that!
"Alam mo kung kanina mo pa sinabi sa akin 'yan, malamang hindi na umabot ng ganito usapan natin." Natawa siya.
"Sige, see you in an hour. Bye! Sunduin na lang kita d'yan sa bahay ninyo." paalam niya at pinatay ang tawag.
Bumalik ako sa sala na halos tapos na si Mom sa pagliligpit kaya naging daan ko 'yon upang makapag-paalam ng maayos. All of them know about Tin's pregnancy kaya alam kong maiintindihan nila ang pagsama ko rito.
Umakyat ako sa kuwarto upang maligo at makapag-ayos. Hindi nagtagal nakatanggap naman ako ng tawag mula sa aking Ama.
"Yes, Pa?!"
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
