Eighty Eight

531 21 9
                                        

Eighty Eight

Lunes at maaga ako nagising. Mahimbing pa na natutulog si Tin ng bumangon ako. Pinatong ko na rin ang kanyang phone sa tabi niya. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko agad si Rail na kagigising lang.

"Morning!" bati ko sabay hagis ng phone niyang itinago ko kahapon.

"Wow, mabuti naman at nagkaroon ka pa ng balak na ibalik ito." sarkastikong sambit niya. Inismiran ko siya ng tingin at  uminom na ng tubig.

Maghapon kaming nag-inuman kagabi kaya hindi na rin nagkaroon pa ng pagkakataong umalis si Rail. Dito na rin siya natulog sa sofa dala ng kalasingan. Pagbukas niya ng cellphone ay sunod sunod na pasok agad ng mga text ang narinig namin.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya wala akong nagawa ,kung hindi ang mag-peace sign na lang.

"Pssst!" tawag niya.

"Uhm..."

"In-open mo na rin ba ang phone mo?" Inilingan ko siya.

"Bakit? Hindi ka pa rin ba convince na nagseselos lang ang asawa mo?" Hindi ako makasagot.

"Hindi naman sa ganoon, gusto ko lang talaga mismo manggaling sa bibig niya." Huminga siya ng malalim at nauna ng magpaalam sa akin. Nagbilin na lang ako na sabihin kay Papa na okay lang ako.

Nang umalis siya ay naligo na ako, mabuti na lang at magka-size lang kami ni Tin kaya hindi ako nahirapan na hiramin ang mga pang-office attire niya.

Pagkatapos ko magbihis ay nagising na siya. Inaantok pa siyang pinasadahan ako ng tingin.

"Aalis ka na?" inaantok niyang tanong.

"Oo."

I put some minimal make up on my face while she is drinking her Anmum.

After ng ilang minutong pag-aayos, nagsalita ulit siya samantalang ako'y palabas na.

"Ano, uuwi ka na ba sa inyo?" Buo ang loob kong sumagot.

"Hindi! Dito pa rin ako uuwi." tugon ko at lumabas na ng unit. Napakamot na lang siya ng kanyang ulo at sinabihan akong mag-ingat. Nagpara ako ng taxi at ilang sandali ay nasa tapat na ako ng building.

Nasa entrance na ako ng napansin ko ang pamilyar na anyo ng aking asawa na nakasandal sa kanyang kotse. Mukhang kanina pa gumagala ang mga mata para tingnan ako.

Napansin na niya ako kaya naging mabilis ang hakbang niya na lumapit sa akin. I sighed heavily.

"Sash," tawag niya.

Malungkot ko siyang tiningnan.

When I stopped and looked at him. Naghintay ako ng paliwanag niya or kahit sorry na lang pero kitang-kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya habang nakaharap sa akin.

"Stephen, pumasok ka na. Mali-late na ako." I said.

"Sash." Mariin akong pumikit at umiwas ng tingin. Nararamdaman ko ang kagustuhan niyang hawakan ako but I want him to feel na hindi na tama ang lahat. If he want us to be okay, siya naman ang magsalita. Pagod na akong sumuyo. Kung totoo ang sinasabi nila Rail na nagseselos nga siya sa boss ko—sabihin niya! Pagod na pagod na akong manghula.

I want him to be open. Alam kong hirap talaga siyang magsabi sa kung anong bumabagabag sa kaniya pero nandito na ako at mag-asawa na kami.

Kung may nakikita siyang mali sa kinikilos ko, sabihin niya sana...iiwas naman ako. Kaya kong umiwas kung tingin niya hindi na nagiging maganda sa paningin niya ang lahat. I can all compromise that for him but in the end, Stephen didn't say anything. Tiningnan niya lang ako na parang kuntento na siyang nakita ako ngayong araw na 'to.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon