Forty Three
"Stand by... in 1, 2,3...go!"
Napalunok ako habang binalutan ng kaba ang dibdib. Napahawak ako sa aking balakang habang nagpapaawa ang mukha sa harap ng camera. Mabuti na lang at may maskara silang ipinasuot sa akin upang hindi ako makilala.
"Tingnan niyo po, tingnan niyo po ang ginawa sa akin ng lalaking iyan." Nagmamakaawang usal ko sa harap ng audience habang umiiyak na itinuturo ang ama ng ipinagbubuntis ko.
"Gabi-gabi sa tuwing lasing siya'y sinasampal at sinasaktan niya ako. Hindi man lang siya naawa sa akin. Puro pasa na ang katawan ko dahil sa mga pambubugbog niya at ni minsan hindi ko naisip na iwan siya dahil naaawa ako sa anak naming dalawa, paano ko 'to papalakihing mag-isa? Pero ngayon, may kakayahan na akong sabihin sa harap ng tao kung gaano kahayop ang lalaking pinakasalan ko! Hindi na ako magdadalawang isip pa na iwan ka!" umiiyak kong sumbong sa harap ng camera.
Nagtama ang tingin namin ng host at alam kong nangungusap na ang mga mata niya sa akin. Pinupuri na ako sa galing ng pag-arte ko.
Napansin namin ang pamumutla ng lalaking nasa harap ko pero patuloy lang ako sa pag-iyak upang mas kapani-paniwala sa mga tao at lalong-lalo na sa harap ng camera.
"Totoo ba ang sinasabi ng asawa mo mister?" Tanong ng host. Hindi nakaimik ang lalaki sa harapan ko at katakot-takot na panghuhusga na ang narinig niya sa mga nanonood.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang naka-onroll ang camera at nang magsalita na ang host para sa huling mensahe, nag-cut na rin ang director.
Agad akong inalalayan ni Josh na makababa sa stage upang ipinagpatuloy ang pagpapanggap. Nakatanggap rin siya ng batok sa akin.
"Really, huh?! Talagang ako ang napili niyong pumalit doon sa buntis na asawa 'non?" Sikmat ko sa kaniya.
Natatawa siyang tiningnan ako at nag-peace sign sa akin. "Magaling ka kaya, Sashi, ngayon ko nga lang din nalaman na may talent ka pala sa pag-arte. Ang natural ng pag-deliver mo ng lines at mas lalo na ang iyak mo, sigurado ka ba talagang wala ka pang asawa na inaabuso ka?" Asar niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin at tinuro ang vending machine sa labas ng office.
Nakuha niya ang gusto ko, binilhan niya ako ng coke at inabot, pero dahil wala akong kuko, siya na ang nagkusang magbukas 'non para sakin.
"Ops! hindi ba bawal sa buntis ang uminom ng soft drinks?" Singit ng babaeng epal sa buhay ko. The host!
"In fairness you have great acting skills, Sashi. If you want to quit your job here as an editor. Sabihin mo lang sa akin, may kilala akong mga artista kaya kita—"
"No thanks!" Maagap kong putol sa sinasabi niya at pinagtaasan niya ako ng kilay. Hindi talaga maiiwasan may kinaiinisan ka sa trabaho at sa case ko, siya na 'yon!
Simula ng makapasok ako sa kumpanya ay wala ng ginawa ang malditang babaeng 'to kung hindi pahirapan ang buhay ko. Sa tuwing may mga hindi dumarating na staffs ay ako ang pino-proxy niya. Like hello, my job here is an editor at hindi proxy ng kung sino man. Siya rin ang may pakana kung bakit ako nagpapanggap na buntis ngayon!
Haist! Kapag nakita nila Papa o ng kung sino man 'to, aakalain ng mga 'yon na nabuntis ako at ganoon ang asawa ko, bayolente!
Sana walang makaakilala sa akin, kung sakali man.
"Ang init talaga ng dugo mo roon." Inirapan ko si Josh at nilayasan. Isa pa 'tong kaibigan ko, hindi man lang ako pinagtanggol.
"Saan ka na pupunta? Samahan mo muna ako." Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa dressing room upang makapaglit ng damit.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
