Forty Eight
"Tin?" lumabas muna ako ng opisina upang sagutin ang tawag.
"Busy ka? Kita tayo ng lunch." Anyaya niya sa akin. Sandali akong natigilan dahil bigla kong nakita si Stephen na walang emosyong naglalakad patungo sa 'kin.
"Tawagan na lang kita mamaya." Sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag atsaka mabilis na humakbang palapit sa kaniya.
Magalang ko siyang binati habang nakangiti. "Good morning, Sir." And like what he usually do, cold expression na naman niya ang bumungad sa akin.
Iginaya ko siya sa studio na kung saan naghihintay si Boss at ang host na si Esme. Nakangiti siyang binati ni bossing at feeling close naman agad si Esme na halatang na-starstruck kay Stephen. Kapag may mga guwapo talaga sa harap niya, nagliliwanag lagi ang mga mata niya.
Umatras ako at hinayaan na silang mag-usap. Nasa madilim akong bahagi ng studio at malaya lang pinagmamasdan si Stephen na bini-briefing sa gagawin niya. Esme also gives him the set of questions that he will need to answer live.
Naramdaman ko ang presensya ni Josh at siniko ako habang nginunguso si Stephen sa harap naming dalawa.
"Guwapo naman pala talaga, kaya baliw na baliw ka." Bulong niya. Napangiti ako at piniling manahimik. Iniwan niya na rin ako at mukhang may gagawin habang nanatili lang ako sa pwesto. Naghihintay ng tawag at utos ni bossing.
Hindi nagtagal ay napansin kong humakbang si Esme papalapit sa puwesto ni Stephen at mapang-akit na ngumiti. Busangot ang mukha kong tiningnan silang dalawa at napairap dahil sa ginagawa nila. Halatang-halata talaga ang babaeng 'to kapag lumalandi.
May tinanggal si Esme sa buhok niya at inayos sandali. Kumunot ang noo kong humalukipkip habang narinig ko na rin ang pagtawag sa akin ni bossing.
Mabilis ang kilos kong lumapit sa kaniya. "Po?"
"Dalhin mo muna sandali sa dressing room ang guest at paki-ayusan." utos niya na agad kong sinunod.
Lumapit ako sa puwesto nila at naiilang na iginaya si Stephen na sumama muna sa akin. Walang emosyon naman siyang sumunod. Nang makarating kami sa loob ng dressing room ay tanging paghinga lang namin ang naririnig. Luminga pa ako sa paligid at baka may naligaw na ibang makeup artist, pero kami lang talaga ang tao rito. Napalunok ako at naiilang na pinagmasdan siya.
"Uhmm, aayusin ko lang ang kwelyo mo." Sandali akong tumingin sa paligid at naghanap ng sasabihin. "And If you are not comfortable with your coat. We have various coats here na pwede mong gamitin."
"No! I prefer this suit." Mariin niyang sabi habang nakatitig sa akin. Para akong nakalutang sa alapaap habang tinitingnan ang necktie niya na nakatabingi.
Napalunok ako at humakbang palapit sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin at marahang hinawakan ang necktie niya upang ayusin.
Hindi ko maiangat sa mga mata niya ang aking paningin dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Halos manginig ako habang nakatutok lang ang mga mata sa aking kamay na hinahawakan ang kwelyo niya.
"Do you usually do this?" Basag niya ng katahimikan naming dalawa.
"Huh?"
"I mean this." At nginuso sa akin ang ginagawa ko. Nagtataka ko siyang tiningnan at hindi na ako makaiwas. Mas dumoble ang pintig ng aking puso, ang lapit na niya sa akin. Halos naririnig ko na ang paghinga niya.
"Perhaps?" naiilang kong sagot.
Mula sa pagiging walang emosyon ay naging seryoso ang mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Ficção AdolescenteLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
