Thirty Nine
"S–Stephen, wala ka bang balak iikot ako sa school mo?" pangungulit ko sa kanya.
"Wala!" Walang emosyon na sagot niya.
"Pero ano naman ang gagawin ko maghapon dito?" nakasimangot kong tugon. Hindi nagtagal ay tumawag sa akin si Tin na nagpalawak ng ngiti ko.
"Hi, Babe." Bati ko sa kaniya. Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo ni Stephen dahil sa naging bungad ko.
"Kailan ka uuwi?" Tanong niya.
"Weekend pa, why? Miss mo na ba ako?"
"Hindi! Ini-invite kasi tayo ni Ken sa house nila, mukhang may papatikim na bagong experiment. Sasama mo ba sila Josh?"
"Josh, Rick and Cory, 'di ko pa alam kung available sila. Try ko silang kontakin kapag nakauwi na ako."
"Okay. Kamusta mo ako kay Papa Stephen. Bye, Babe."
"Bye." At pinatay ko na ang tawag niya.
Masigla kong ipinatong ang phone sa mesa at malungkot na tiningnan ulit si Stephen.
"P'wede na ba akong sumama sa school mo?" Mas lalong uminit ang tingin niya at humalukipkip sa harap ko.
"Whos, babe?" Mariin niyang tanong.
"Babe?"
"'Yong kausap mo!"
"Ah si Tin ba?"
"Babe ang tawagan niyo ni Tin?" Tumango ako.
"Psh! P'wede namang pangalan na lang, bakit may ganiyan pa." Bulong-bulong niya na nagpabusangot sa akin. Bakit ba napaka-sensitive ng lalaking 'to.
***
Its my 2nd day here in U.S pero sa buong maghapon ko kahapon, wala yata akong ginawa kung hindi magbilang lang ng oras. Hindi niya ako pinalabas at nagyeyelo daw. Hindi raw ako sanay sa malamig na klima.
Like hello, nakayanan ko nga ang lamig ng hinihintay ko siya sa labas, ito pa kayang mamasyal?
"Stephen, sige na. Hindi naman ako mangungulit, titingnan ko lang talaga ang school mo. Please..." pagpapacute ko sa kanya. Like what he used to do, he gave me his expressionless expression again.
Kaya wala na lang akong nagawa kung hindi magmukmok sa may couch at panoorin siyang nag-aayos para sa klase.
Nang matapos siya'y nagbilin muna siya bago lumabas. "Just stay here today, wala akong klase bukas. I can tour guide you." Agad nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya at ganadong tumango.
Maghapon! Imagine! Maghapon akong di malaman kung paano ko papalipasin ang oras. Cellphone dito, games doon, nood, tugtog, hanggang sa namalayan ko na lang ang presensya ni Stephen sa loob ng bahay.
Tamad na tamad ko siyang binati habang nakahiga sa couch.
"Nandito ka na pala." Walang galang na bati ko.
"Uh." Tipid lang na sagot niya at dumiretso sa loob ng kaniyang kuwarto. Paglabas niya ay naupo agad siya sa harap ko at pinasadahan ako ng tingin.
"Naligo ka na ba?" Tanong niya. Umiling lang ako.
"Malamig, ayokong maligo." Sagot ko. Tiningnan niya ako na parang nandidiri kaya wala akong naging choice kung hindi ang bumangon at maligo dahil sa mga tingin niya.
Kumanta ako sa loob ng banyo kahit sintunado naman ang boses ko. Gusto ko siyang asarin, naiimagine ko agad ang salubong niyang kilay habang hinihintay ako sa labas. Hindi nga ako nagkamali, paglabas ko ng banyo ay salubong agad na kilay ni Stephen ang sumalubong sa akin habang nakahalukipkip.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Novela JuvenilLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
