Ninety Seven

487 25 4
                                        

Ninety Seven

Araw-araw akong laman ng hospital upang dalawin ang mahal kong kaibigan at ang anghel nila. Ayaw ko na rin bitawan sa tuwing hawak ko na, pakiramdam ko nga mas ako pa ang Mommy niya sa dalas ko siyang karga.

"Sash, lalabas na kami ng hospital. Huwag mong sabihin na pati sa bahay dadalaw ka para lang mahawakan siya?" Ani ni Tin.

Pilyo ko siyang tiningnan, binigyan niya ako ng ideya.

Natatawa siyang binatukan ako habang sabay kaming napalingon sa pinto.

Nakahalukipkip na si Stephen at Ken ang sumalubong sa amin, mukhang kanina pa kami pinapanood.

"Stephen, ayaw na niyang bitawan si Clyde. Gumawa na nga kayo para hindi na nanggugulo sa akin ang babaeng 'to." asar ni Tin. Tumawa sila dahil sa sinabi niya. Pinagkakaisahan pa talaga nila ako.

"You're good to go now." si Stephen habang hawak na niya ang dischargement slip. May binigay rin siyang isang papel kay Ken at mukhang mga list na gamot na kailangan ni Tin para sa full recovery niya.

"And you, Mrs. Chen, lets' go at may dinner pa tayo sa bahay." aniya na tuluyang nagpabusangot sa akin.

Bago umalis ng kwarto ay pinaulanan ko muna ng halik si Clyde at nagpaalam. Natatawa na si Ken sa ginagawa kong pagla-lamutak sa anak niya. Bago tuluyang umalis sa kwarto ay pinanood ko ulit si Tin at Ken na ngayon ay masayang nakamasid sa anak nila. I hold Stephen's hands habang hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko.

"Look at them, sinong mag-aakala na sila pala ang magkakatuluyan sa huli." malambing na saad ko.

Tiningnan lang ako ni Stephen at ginulo ang buhok ko. "Alam mo ba, way back high school. I thought you and Ken would be a great couple back then."

Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Bakit paano mo naman nasabi?"

"Palagi kayong magkakasamang tatlo at napapansin ko rin ang pagsunod-sunod niya sayo noon pa lang. So, I thought kayo ang magkakatuluyan. But then that was a while ago noong mga panahong hindi ko akalain na papasukin mo ang buhay ko." Agad umusbong ang ngiti ko sa sinabi niya.

For the last time, I said goodbye to both of them at nagpatianod na kay Stephen.

Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan ay hinayaan ko na lang siyang ikabit ang seatbelt sa akin.

"Daan muna tayo ng cake shop, magtatampo si Stanley kapag nalaman niyang wala siyang cake." si Stephen na nagpatango sa akin.

After a while of driving and buying of cake, nakarating na rin kami sa bahay. Paglabas palang ng sasakyan ay naririnig ko na agad ang ingay sa swimming pool area. I excitedly walk towards there, hindi ko na hinintay pa si Stephen.

Unang bumungad sa akin ay ang aking ama na nakangiti sa wheelchair habang sabik na dinipa ang kanyang dalawang kamay upang yakapin ako.

Napangiti akong lumapit habang tinanggap 'yon. "Kamusta ang princess ko?" halos nabilaukan ako sa lambing niya sa akin.

"Princess talaga, Pa?" nahihiyang usal ko.

"Anong masama? Tumanda ka man o hindi, you're still my princess." Tuluyan ng nagtayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya.

"Pa, naman! But as you can see, I'm super duper fine, ikaw?" balik kong tanong sa kanya.

"Of course, I'm also...fine." Pareho kaming nagtawanan sa mga kalokohan namin at kalaunan dumating na rin si Tita Jovy. Marami siyang kwento sa akin about kay Papa, kung gaano niya daw ako namimiss.

Si Papa talaga, kaya pala araw-araw siyang tumatawag sa akin para lang mangamusta.

Nagpaalam muna ako sa kanila at binati sila Mom and Dad na nakangiting nakaupo sa may table habang nakamasid sa mga bisita ni Stanley.

Love in Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon