One Hundred
1st Semester
Tahimik akong umupo sa sala habang may nginunguya na pagkain. Tinabihan rin ako ni Mom na mukhang manunuod ng paborito niyang noon time show. Dinaluhan niya rin ako sa pagkain.
"Mom," tawag ko ng pansin niya.
"Uhm"
"Hindi ba matu-turn-off sa akin si Stephen nito? Tumataba na ako." maktol ko sa kanya. Tinawanan niya muna ako bago sinubuan ulit ng pagkain.
"Ganyan naman talaga kapag nagbubuntis. Hayaan mo, ibabalik natin sa dati ang katawan mo kapag nanganak ka na," pampalubag niya sa 'kin.
Tumango ako at nag-focus na lang ulit sa pinapanood. Hindi nagtagal, dumating na rin si Stanley galing school. Binati ko
siya ngunit isang kunot noong tingin lang ang sinukli niya.
"Ang suplado naman," bulalas ko.
"Kumakain ka na naman? Ilang tao ba talaga ang laman ng tiyan mo at parang pang-sampung tao ang kinakain mo." Tumabi siya sa akin.
"You will never understand."
"Psh, for sure mamaya...sasabihin mo na namang matutulog ka." ginulo ko ang buhok niya at malambing na inabot kay Mom ang pagkaing hawak ko at nilambing siya.
"Sasamahan mo naman ako diba?" Lambing ko sa kanya.
"Ako na naman? No!" Napasimangot ako at nagmamakaawa, hindi nagtagal ay sapilitan ko na rin siyang napapayag.
Ewan ko ba, since my since 1st month of my pregnancy, gustong-gusto kong nakikita si Stanley at Stephen. Sabi ni Mom baka daw pinaglilihian ko sila. Pati sa pagtulog kapag tanghali ay kailangan katabi ko ang isa sa kanila. Kapag gabi naman ay pinapagitnaan nila ako. Hindi ako pumapayag na hindi sila katabi.
I also submitted my resignation letter to my boss and decided to be a full time Mom. Hindi na rin ako pinayagan pa ni Stephen na magtrabaho mas lalo na ngayon na napaka-selan ng pagbubuntis ko.
Every night siyang naka-monitor sa akin. Always present din siya sa check-up ko, inaalam niya ang bawat detalye na which is kinatuwa ko.
Hapon na ng makatanggap si Stanley ng tawag mula kay Stephen, katabi ko siya dito sa kama.
"Is she sleeping?" rinig kong tanong ni Stephen sa kabilang linya. Mabuti na lang at kakapikit pa lang ng mata ko at hindi pa natutulog.
"Yeah. She is." walang gana na sa sagot niya sa kapatid.
"Nasa tabi ka ba niya?" si Stephen.
"Yeah. Papatayin ako ni Mom kapag di ko siya tinabahan at malamang ikaw rin."
"Good. Baka late ako makauwi ngayon, may emergency operation kami. Ikaw na muna bahala sa kanya. Tabihan mo siya matulog. I'm counting on you, Stanley." Napangiti ako ng marinig ko ang bilin niya habang buntong hininga naman ni Stanley ang narinig ko.
"Okay. Kung hindi mo lang anak 'to at hindi ko lang 'to magiging pamangkin, kanina ko pa sinipa ito." maktol niya kay Stephen.
"Don't say that, our baby will hear you. Gonna hang up, they're calling me. Just inform Sashi that I called, thanks. Be good, to my wife." At pinatay na niya ang tawag.
Ilang segundong natahimik si Stanley habang naramdaman ko ang sulyap niya sa akin. Maya-maya'y tumabi siya at hinawakan ang aking tiyan.
"Lumabas ka na baby para di na ako nahihirapan. At sana lumabas kang kasing gwapo ko." malambing na sabi niya habang nilalaro ang tiyan ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa pakikipag-usap niya pero pinigilan ko lang dahil ayokong sirain ang moment niya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
