Eighty Two
Dahan-dahan kong nilapag ang aking bag sa upuan sa rooftop habang dinama ang malakas na ihip ng hangin. Mabuti na lang at may mga malilim na bahagi kaya kahit mataas ang sikat ng araw ay nadadala pa rin ng hangin ang init.
Kinuha ko ang phone sa aking bag nararamdaman ko ang vibration no'n. Pagtingin ko sa caller pangalan agad ni Stephen ang nakita ko. I smile.
"Where are you? Umuwi ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa, nandito pa rin ako sa hospital." Hindi siya naka-imik sa sinabi ko, halatang nag-iisip.
"May binabalak ka na naman ba?" Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Kilalang kilala niya talaga ako.
"Wala, nagpapahangin lang ako," palusot ko. May biglang tumikhim sa aking likuran kaya nilingon ko agad at ang nakapamulsang si Coleen ang nakita ko.
"Sige na alam kong busy ka, pupuntahan nalang kita d'yan, bye," paalam ko at binaba na ang tawag. Malawak ang ngiti kong sinalubong si Coleen na kanina pa nakamasid sa akin. Salubong ang kilay niyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. She's not wearing her dextrose or anything. Kung titingnan mo siya, isa siyang masiglang bata at hindi mo akalain na may iniindang sakit.
"Now tell me paano nangyari?" unang bungad niyang tanong sa akin. She sound so mature sa way ng pakikipag-usap niya.
"I know that you really like Stephen pero hindi ba magagalit si Stephen kapag nalaman niyang ganito ka makipag-usap sa nakakatanda sa 'yo?" Bigla siyang umiwas ng tingin at naiilang sa akin.
Huminga siya ng malalim at maamong humarap ulit sa akin. "Paano po nangyari?" Napangiti ako dahil marunong naman pala siyang sumunod. Isa-isa ko nang inalala ang lahat. I smiled while remembering our memories together.
"Coleen in this world there is always a person who can love you even more. Our stories is something memorable na kahit sa bawat ngiti at saya ng mga iyon ay ang nakatagong pighati," pauna ko, nakaupo na siya sa tabi ko habang nakikinig.
"You may see me as an ordinary girl, I may not be the perfect match for Stephen at alam ko 'yon. But my heart touches him that's why we are married now." I smiled and looked at her carefully.
"At maniwala ka sa hindi simula ng sabihin niya sa aking mahal niya ako para akong nasa langit at nananaginip pa rin hanggang ngayon. Like you, Stephen is my inspiration and love. Dumaan din ako kung saan masakit kapag may nakita kang kasama ang taong gusto mo. Nakipagtulakan din ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya noon para lang masulyapan siya kahit sandali lang. I even experience putting my life at risk just to see him."
She looked at me seriously. Ang gaan ng bawat titig niya sa akin. "We both know Stephen, he's so emotionless when expressing his emotion to others kaya alam kong mahirap din talaga siyang basahin. Ilang beses ko ng gustong sumuko but my love for him is not just something to give up. Pero ang bait ni Lord dahil sa lahat ng taong nagkakandarapa sa kanya noon, ako ang pinili niyang makasama ng pangmatagalan." I said warmly.
Malambing kong tiningnan si Coleen na seryoso ang pakikinig sa akin. "Kaya ikaw, masaktan ka man, keep on fighting. You were still young to know and to see the right man for you. Hindi man si Stephen, I know darating yan kaya lumaban ka lang." pampalakas ko ng loob niya.
"Pero may sakit ako, do you think po I can still find or meet him kung ganito ako?" Gumuhit ang lungkot sa mga mata niya.
"Of course, ang love dumarating iyan kapag hindi mo inaasahan. Honestly, when I first see Stephen, hindi ko naman inakala noon na ang taong makikita ko sa daan that time will be my forever. Katulad ko, I fell in love with him when we met like strangers. Kaya ikaw just wait and wait. Makikita mo rin siya."
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
