Twenty Three
Sa tagal ng panahon kong gustong makasama at makatabi si Stephen. Ito na yata ang pinag-dasal kong sana hindi na kami pagtagpuin pa. Sobrang higpit niya sa pagrereview sa akin. Para na akong walking zombie sa dami ng pinapasaulo niya. Kapag nasa bahay halos punong-puno na ang kwarto ko ng mga sticky note na kailangan kong imemorize.
Pati sa pagkain ay dapat nag-aaral o nagkakabisado ako. Lumipas na ganoon kabilis ang isang buong linggo, halos hindi rin kami nagkakausap ni Tin dahil subsob din siya sa pagrereview. Si Ken lang ang medyo nangungulit sa akin, ni hindi ko alam kung sineseryoso niya ba ang pagrereview o hindi.
Sandali akong napatingin kay Stephen na nasa sala. Sabado ngayon at kagigising ko lang, late ulit ako natulog kagabi dahil sa dami niya'ng tinuturo sa akin.
Nakatingkayad ako pababa ng hagdan upang hindi makagawa ng ingay.
Please, nakaka-trauma si Stephen mag-review! Kahit buong araw lang, ayoko muna siyang makita dahil panigurado'ng magrereview na naman kami at katakot-takot na pagka-kabisado na naman ang gagawin ko maghapon.
I tiptoed, I want to be visible from him, please, kahit ngayong araw lang.
Ilang hakbang na lang ang gagawin ko para tuluyang makababa sa hagdan nang hindi ko naisip ang number 1 bully sa akin sa bahay na ito, Stanley!
"What are you doing?" Agad nanlaki ang mata ko dahil sa lakas ng boses niya galing sa itaas.
Muntik ng lumingon si Stephen sa hagdan kaya mabilisan ko siyang sinenyasan na "huwag kang maingay" pero mas humulma ang pilyong ngiti ng batang 'to! Nahuli na ako! Wala na talaga!
Both Tita and Stanley gave me a meh face. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kawalang pag-asa.
Nilingon ako ni Stephen at mariing sinipat ng tingin.
"Gising ka na pala. Did you finish the textbook na pinapasaulo ko?" Para akong nilubayan ng aking kaluluwa at walang ganang tumingin sa kanya.
Napatango ako. "Okay!" Aniya at bumalik ulit sa pagbabasa. Mukhang wala siyang balak na pahirapan ako ngayong sabado kaya unti-unting umusbong ang ngiti ko. Okay lang daw eh...
Ang lapad ng ngiti ko habang naghahain ng pagkain. Tumabi rin sa akin si Tita at nakangiting pinagmasdan ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang biglang naupo sa harap ko si Stephen at may inilapag na libro. Unti-unti akong napaangat ng tingin sa kanya at napasimangot.
"Na naman?" Maktol ko sa harap niya.
"Yeah. I fold the pages, alam mo na kung ano ang gagawin." Utos niya sa akin.
"Pero Stephen, masakit na ulo ko. Puwede bang resume tayo sa Monday?" I said cutely, umaasang mapapalambot ko siya.
Sumeryoso lalo ang tingin niya.
"No!" Sagot niya in a cold expression again saka kami iniwan.
Mabigat ang paghinga kong hinila ang librong nilapag niya. Tinabihan ako ni Tita at pinalakas ang loob ko.
"Kaya mo yan." Sabi niya. Tita, kung alam mo lang kung gaano kahigpit si Stephen sa akin. Parang feeling ko encyclopaedia na ang pinapakabisado niya!
Salubong ang nguso kong sinunod ang gusto niya bago sumubo ng pagkain. Makaraan ang ilang minuto nilapitan ako ni Tita at makahulugang nginitian.
May iniisip na naman siguro siya.
"Ganito na lang kaya, kapag nakapasa ka sa exam at mataas ang nakuha mong average. Mag-outing tayo! Gift ko na sayo 'yon since grabe ang pagrereview mo." Namuo ang ngiti ko sa suggestion niya.
BINABASA MO ANG
Love in Kiss
Fiksi RemajaLove at first sight iyan ang naramdaman ni Sashi Bartolome nuong una niyang makita si Stephen Chen the genius student of their school ngunit sa likod ng talinong taglay nito ay nakatago ang cold na personality. She's so in love with him na halos ara...
