Khen POV Continuation.
Naglalakad ako papunta sa room namin ng may bigla tumawag sakin at alam ko na kung sino kasi sa boses palang niya alam kung siya na agad ko siyang hinarap.
Good Morning....bati niya sakin ng naka ngiti.
Good morning din sayo.
Ah Khen mamayang lunch pwede bang sumama ako sayo,kasi Khen bago pa lang ako dito e kaya wala pa akong kilala please.
Ha??tanong ko sa kanya.
Khen please!!Saka di ko pa alam yung mga pasikot-sikot dito..Kung pwede lang naman Khen......
Tama nga naman siya,wala pa siyang kakilala kasi kahapon lang siya pumasok dito sa school namin.Parang naawa naman ako sa kanya..
Sige Lorraine..
Talaga?!!!masayang tanong niya ulit
Oo naman,mag kaibigan naman tayo e.Puntahan nalang kita mamaya sa room niyo.
Ok Khen salamat...at nabigla ako ng bigla siyang yumakap sakin,,kaya tumikhim ako.
Ahem!!bumitaw naman siya.
Hehe namiss kita,,Khen Sabay nalang ako sayo diba magkatabi naman tayo ng room.
Ah oo,,sige..at naglakad na kami ulit.Nag kwentuhan kami tawanan,,ganun padin siya walang pinagbago siya padin yung Lorraine na nakilala ko,Nagkwento siya sakin sa mga nangyari sa kanya,,hanggang sa nakarating na kami sa room nila, kami ang pinaka Higher Section tapos pangalawa sila magkatabi lang yung room namin akala nga niya maging magkaklase kami e.
Pano Raine dito na yung room mo dito naman sakin ..turo ko sa room namin..
Haha oo nga basta Khen ha promise mo sasamahan mo ko sa lunch mamaya.
Oo naman.Ikaw pa.
Salamat...nabigla ako lalo kasi hinalikan niya ako sa pisnge..Tapos narinig ko yung mga bulungan ng ibang students sa room nila.
'Magkakilala sila?
'Siguro?Hinatid e.
'Hala bakit hinalikan niya sa pisnge si Khen?
'Akala ko sila Ni Trixie?
'Oo nga bakit sila magkasama?
Tapos kinakabahan ako ng makita ko siyang nakaupo doon at nakatingin samin ni Raine...SH*T!!!napamura ako ng mahina!!!Nakita Ni LENNETH!!!Nakatingin pa din siya sakin at ang sama ng tingin niya.Sige na Khen salamat sa paghatid.
O-ok-okay si-sige Ra-Raine.A-alis na ak-ako.
OK ka lang??tanong niya sakin.
Ha-ha??Ano kasi Oo ok lang ako naalala ko kasi na May exam pala kami sige alis na ako..At pumasok na ako sa room namin wala pa sila Trix.Yung mga kaibigan ko lang.Pano ko to sasabihin??Hindi kakausapin ko si Lenneth.Tumayo ako at pumunta sa kabilang room.Tinawag ko si Lenneth na agad namang pumunta sakin.
Lenn pwede ba tayong mag-usap?
Anong pag-uusapan natin Mr.Gonzales??
Ah yung nakita mo kan-
Yung hinalikan ka sa pisnge ni Lorraine ??Khen di mo sinabi samin na magkakilala kayo!Tapos makikita ko na hinalikan ka niya tapos hinatid mo pa??Alam mo Khen tama si Trixie mukhang may tinatago ka nga!!NILOLOKO MO BA YUNG PINSAN KO!!!sigaw ni Lenny sakin.Kaya napansin agad ng mga studyante at nakita kung lumabas sila Patrick,Benj,at Kevin at James saka lumapit samin ni Lenneth,nakita ko ding lumabas si Lorraine at lumapit din samin.
Len bakit mo sinisigawan si Khen??tanong ni James kay Lenneth.
Oo nga Len,wag kang sumigaw ayan tuloy napatingin yung mga ibang studyante sa inyo...Sabi ni Kevin kay Lenneth.
Hey,bakit mo sinisigawan si Khen??
Napatingin si Lenneth kay Lorraine..
Magkakilala kayo??tanong niya dito.
Yes,,we- --
Were Friends,,sagot ko.
Siguraduhin mo lang Khen na Hindi masasaktan yung pinsan ko...saka pumasok si Lenneth sa room nila..Alam din nitong mga bestfriend ko yung mangyari samin ni Lorraine,,EX ko siya,,kaya kami nag hiwalay kasi umalis siya at pumunta sa ibang bansa.1st yr highschool ako nung naging kami,,.ang bata pa namin diba ,,inaamin ko na nasaktan ako ng sobra noon..
Khen ok ka lang??tanong ni Lorraine sakin.
Oo,sige pasok ka na.nagpaalam siya kina kevin at pumasok naman siya sa room niya at andito kami nila Kevin sa labas ng room..
Dre bakit sinigawan ka ni Len??tanong sakin ni James.
Kasi mga dre nakita niya kasing hinatid ko si Lorraine tapos di ko naman inaasahang hahalikan ako ni lorraine sa pisnge e.
WHATTT!!!!!!sabay pa silang sumagot.
Anong plano mo??
Sasabihin ko mamayang hapon kay Xie lahat-lahat ng tungkol samin ni Lorraine.
Ok.andito lang kami..
Salamat Pat.saka mamayang lunch pala sasama satin si Lorraine wala pa kasi siyang kilala dito.
Pwede naman dre pero baka magtanong niyan yung mga girls.
Sasabihin nating kaibigan natin si Lorraine at saka wala pa siyang kilala dito kundi tayo lang,maiintindihan naman nila yun dre e.
Ok..Khen..pumasok na kami sa room at dumating nadin sila Trixie kasunod nila si Mam..
Lunch Break.
Guys tara na.,aya ni Lou samin.
Ah guys mauna na kayo may pupuntahan lang ako.
Saan Khen?
Ah Xie susunod ako..sige na..
Ok.tara na guys..
@cafeteria
Len bakit ang tahimik mo??
Wala Couz,,may iniisip lang ako.
Wait!!!Lenny Bhe,Mahal wag mong!!!
James OA mo..
Hahahaha.tawanan namin lahat..pero bakit parang may something kay Lenn..
Couz,ok ka lang ba??
Ah oo Couz hehe may exam kasi kami mamaya kaya kinakabahan ako.
Tsk,ikaw pa Couz,kaya mo yan.
Hehe salamat..Sige na kumain na tayo.
Wait wala pa si Khen guys,,tawagan ko muna ha...agad kung tinawagan si Khen..At parang nalungkot ako kasi di siya makakasama samin mag lunch.
O ano daw Trix???
May inutos daw si Madam Principal sa kanya Benj,mauna nalang daw tayo.
Ok..sagot nila pero nabigla ako sa sinabi ni Lenneth.
May inutos o may kasama..
Huh??sinasabi mo couz.
Lenn..sabay sa tawag nila Benj,Patrick,Kevin at James kay Lenneth nag kibit balikat lang siya bilang sagot niya.
Kain na tayo guys,,,aya ko sa kanila...Pero parang may hindi talaga sila sinasabi sakin e..
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Secret Princess
Ficção AdolescenteIsa siyang napakagandang babae,nag momodel sa ibang bansa at nag aral doon,,Pero inisip na umuwi ng pinas at don mag tapos ng pag aaral sa kanilang Eskwelahan mismo ,,na pinaplanong mag panggap bilang nerd para hindi siya laging usapan ng mga tao sa...