Andito na kami sa room at nandito na din pala yung dalawang mokong hayyssstt sino ba yung pipiliin ko??pero sa totoo lang may nagustuhan na ako sa kanila at si Khen yun,,pero pag sinabi ko yun alam ko na masasaktan silang dalawa,,kaya lumapit ako sa kanila total wala pa naman yung teacher e..
"Ahh khen,kevin pwede ko ba kayong makausap sa labas saglit lang?"
"Oo naman"Khen/Kevin,,..kaya lumabas na kaming tatlo sa room.
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na kung sakaling may pipiliin na ako sa inyong dalawa e sana yung pagkakaibigan natin e hindi masira,,sana buo padin yung barkada,,kasi kung sa pag desisyon ko kung sino sainyo yung gusto ko at masira lang yung barkada e mas mabuti pang itigil niyo ng dalawa to,,kasi ayoko na ako yung maging dahilan para magkawatak-watak tayo.."
"Oo trix pinapangako namin na kung sino man samin yung magustuhan mo e hindi magkakawatak yung grupo,tatanggapin namin.Diba Kev?
"Oo khen,,Trix wag kang mag alala napag usapan nadin namin yan ni Khen,alam namin na isa samin masasaktan pero kakayanin namin,para sa barkada hindi kami mag tatanim ng galit sa isat-isa..
"Ah ok sige pasok na tayo."
"Pero wait Trix!May nagustuhan kana ba samin??tanong ni Kev.
"A-h-hh an-o ka-si a-"naputol yung sasabihin ko kasi dumating na si mam at pumasok na kami,,
Hooo!!!muntik na ako ha salamt nalang kay Mam..Kung hindi siya dumating panigurado pipilitin ako ng dalawang yun sagutin yung tanong nila.Pero pano pag tinanong nila ulit,,,haays bahala sila basta mag antay sila..
After ng klase ay mabuti nalang at di na ulit nangulit yung dalawa sakin,,tapos sinabihan ko din sila na wag mag aagawan sa gamit ko e kaya ko namang dalhin e,,,mga lalaki talaga......
...
..
...
Mga three months nading nanliligaw yung dalawa at sa loob ng tatlong buwan nako sumasakit lang yung ulo ko sa dalawang to pano kasi palaging nagbabangayan tapos maya-maya magkasundo na naman..Mga baliw nga ee haha natatawa nalang yung barkada samin..at ngayon sasabihin ko na sa kanila kung sino yung gusto ko sa kanilang dalawa..after lunch nalang kakausapin ko sila kasi halfday lang naman kmi ngayon kasi may meeting daw yung mga guro.."Goodmorning My Princess Trixie"Khen
"Goodmorning My Princess Trixie"Kevin
"Ano ba yan kevin wala kang originality"ayan nanaman po sila mag uumpisa na namn."Anong walang originality Khen mas nauna kalang bumati sakin."
"Ano ba kayong dalawa tumigil na nga kayo,,tsaka mabuti at andito na kayo ano kasi kakausapin ko kayo after lunch sa may rooftop sasabihin ko na kasi sainyo yung gusto ko,,at sana please lang wala sanang umiwas sa barkada ha,,"sabi ko sa kanila.
"Oo naman napag -usapan na namin yan ni Kevin"
"Oo trix ,kung sino yung pipiliin mo samin ni Khen eh tatanggapin namin"
"Ah sige pasok na tayo kasi mag ti-time na e,,"at pumasok nga kaming tatlo.
KHEN P.OV.
THREE Months na din pala yung panliligaw ko kay Trixie sa totoo lang nung kinausap niya kami kanina ni kevin na may nagustuhan na siya saming dalawa eh kinakabahan talaga ako pano kasi kung si Kevin yun,pano kung si Kevin yung gusto niya parang di ko ata makakaya na makita siya na nasa piling ng iba,gusto ko sakin lang siya gusto ko ako ang mag-aalaga sa kanya at hinihiling ko na sana ako yung piliin niya..kasi kung si kevin masasaktan ako ng sobra oo napag usapan na namin yung tungkol mangyayari saming tatlo kung sino man yung mapili niya e dapat tanggapin namin,,at nangako kami na hindi masisira yung barkada pag isa samin yung napili niya,,at nakapag-usap nadin kami ni Kevin tungkol dito at maiintindihan naming dalawa ang magiging desisyon niya na kahit mahirap kailangan kasi para sa barkada..Tapos na yung klase namin at papunta kami ngayon ni Kevin sa rooftop alam naming dalawa na wala pa doon si Trixie kasi nasa Canteen pa siya kasama ng barkada..
@canteen
"Bes sigurado ka na ba na ngayon mo sasabihin sa kanilang dalawa??
"Oo Kim kinakabahan nga ako ee"
"Naku bes diba pinag-usapan niyo namang tatlo yan diba"
"Oo Lexa,,sana nga maging maayos lahat..
"So pano bes goodluck nalang sayo ha,alam namin na kaya mo yan,at alam naman namin na kahit sino sa kanilang dalawa yung mapili mo e susuportahan ka namin kasi alam naman naming lahat na pareho silang mabait,gwapo basta lahat na.hahaha"
"Haha salamat loiue,
"Basta bes andito lang kami lagi para sayo.."sabi naman ni Jillian
",guys ha thanks sa support..sige mauna na ako.."at nag paalam na ako sa mga besty ko,,di ko alam kung saan yung ibang boys ee..pero mas ok nga na wala sila kasi tiyak ako na manggugulo lang sila hehe."
Habang naglalakad ako papuntang rooftop e kinakabahan na talaga ako e,,basta bahala na pag-dating ko doon..mga ilang minuto e nakarating din ako sa rooftop at naabutan ko yung dalawa,,at agad naman nilang napansin yung pag dating ko..
"HI Trix"bati sakin ni Kevin
"Hello Xie"bati naman ni Khen,,Xie yung tawag niya sakin Minsan Trix,minsan Princess..
"Ahh hello sa inyong dalawa"
Tapos umupo kaming tatlo.."Ahmm Kevin,Khen gusto ko lang sabihin na sana pag tapos nito sana walang iiwas sa atin ha,alam ko na isa sa inyo e masasaktan,"
"Oo Xie pinapangako namin ni Kevin,Diba Kev??Hoyyy Kevin"
"Ha!!ahh an-o ka-s-i g-"
Pinutol ko yung sasabihin ni Kevin,,di ko kasi alam parang may gusto siyang sabihin ee.
"Kev,ok ka lng ba??May sasabihin ka ba??tanong ko sa kanya."Ah Trix sorry,Khen sorry nayon ko lang kasi na realize na ano kasi "sabay kamot ng ulo niya na may sasabihin nga siya pero parang nahihiya siya at bakit siya nagso-sorry samin ni khen.
"Ano Kev?tanong ni Khen pero di niya sinagot at sabay tingin sakin.
"Kev,sabihin mo na yung gusto mong sabihin.kasi kung di pa kayo---"pero pinutol niya yung sasabihin ko.
"Ah Trixie sorry kasi di ko kasi alam e na ganito yung mangyayari e"
"Na ano nga Kevin??"medyo naiirita na ako kasi kanina pa to e!!
"Ano ba tol sabihin mo nga!!parang kang bakla e--owhoo wag mong sabihing''tumingin muna sakin si Khen tapos parang alam ko na din at sabay naming sinabi na..
""BAKLA KA""
BINABASA MO ANG
That Nerd Is A Secret Princess
Genç KurguIsa siyang napakagandang babae,nag momodel sa ibang bansa at nag aral doon,,Pero inisip na umuwi ng pinas at don mag tapos ng pag aaral sa kanilang Eskwelahan mismo ,,na pinaplanong mag panggap bilang nerd para hindi siya laging usapan ng mga tao sa...