MY name is Jade Cardwell.
Nag-iisang akong anak ng mag-asawang sina Anthony and Elisa Cardwell, parehong mga Oncology doctors. Kilala sila dahil sa kanilang mga charity works at sa kanilang extensive research tungkol sa innovative cancer treatments. Ngunit, maaga silang nawala sa akin.
Ang mga magulang ko ay pumanaw dahil sa isang airplane crash ilang taon na ang nakakalipas. Sinubukan ko maging matatag para sa akin, para sa mga magulang ko, at para sa mga aso ko.
Ang aking Chocolate Labrador Retriever na si Peanut at ang aking Golden Retriever na si Butter ang naging kasama ko bahay at naging karamay ko sa buhay. Kung hindi dahil sa kanila, may depression na siguro ako ngayon.
Most of my relatives are living overseas. Ako lang ang naninirahan sa bahay namin kasama ang dalawang aso ko. Ang aking uncle na si Angelo Cardwell ang nagsisilbi kong guardian. He is mostly out of town handing our family business. From a happy bachelor, he became a bitter and irascible CEO nang pumanaw ang mga magulang ko.
Pagdating ng aking junior year, nagkaroon ng sunod sunod na balita tungkol sa mga nawawalang tao sa aming bayan. Maraming reports ng missing person, pero walang kahit anong paliwanag kung bakit sila biglang naglaho.
Uncle Angelo insisted na magkaroon ako ng ilang bodyguards. As our house is equipped with high-tech security facilities, I assured him na wala siyang dapat ipagalala.
Ayon sa mga conspiracy theories, alien abduction daw ang nangyari kaya naglaho ang ibang mga residente dito. Sabi naman ng iba, may serial killer on the loose. Marami na rin mga investigators ang nagpunta sa aming bayan para i-review ang missing person cases, pero wala silang makitang matibay na dahilan kung bakit nawawala ang mga tao.
They can't even present any suspects to these mysterious disappearances.
"Alam niyo na ba ang balita? May natagpuan na daw na katawan ng isa sa mga nawawalang tao," sabi ni Cara pagpasok niya sa classroom.
"Baka fake news lang 'yan, Cara," taas kilay na sagot ni Sheldon.
Si Cara at si Sheldon lang ang aking kaibigan dito sa school. Madalas kaming binu-bully ng mga barubal kong classmates. Siguro dahil pare pareho kaming mga nerd.
"Hoy Sheldon, may proof ako noh? Tignan mo itong pictures sa phone ko. May mummified na katawan na natagpuan sa may town border."
"Mummified? Parang drained of blood? Ang creepy naman," takot na sagot ni Sheldon.
"Kagabi lang daw ang picture na 'yan. Dumating daw ang police sa crime scene pero wala ng traces ng mummified body," sabi ni Cara habang pinapakita sa amin ang pictures sa phone niya.
Tama nga si Cara, mukhang mummy nga ang nasa picture na parang sinimot sarap ang dugo at natuyot ang katawan.
"Kapag nagpatuloy ang ganyang kababalaghan, baka ilipat na ko ni daddy sa California," malungkot na sabi ni Cara sabay upo sa kanyang designated seat.
"Cara, baka naman edited lang ang picture na 'yan. Wala naman official statement mula sa police department. Huwag muna tayo maniwala sa ganyan," sabi ko sa kanila.
"Tingin mo may rogue vampire dito sa Fordbrige. Do you think they are sucking the life out of their victims?"
"Sheldon, you should know the margin between reality and fantasy. Ganyan ang nakukuha mo sa sobrang panonood ng Vampire Diaries eh! Hindi na ko magtataka kung sasabihin mo na nakita mo si Edward Cullen sa personal"
"Come on, Cara. Dumating na ilang experts sa bayan natin. Nagkaroon ba sila ng sagot sa kababalaghan na ito? Tingin ko, related to sa isang supernatural na creature. Jade, ano sa tingin mo?"
Sa totoo lang, ayoko alamin ang sagot. It will only make the matter worse. Mas lalo ako matatakot kapag nalaman ko ang dahilan kung bakit naglaho ang mga biktima.
"Whatever is causing these disappearances, hindi tayo exempted dahil dalawa na students dito sa school at isang teacher ang nawala last summer. They were simply gone one day with no witnesses," malungkot kong sagot sa kanila.
"Kailangan natin mag-ingat, lalo ka na Jade dahil wala ka kasama sa bahay niyo. Buti na lang at nandyan palagi si Sir Atkins para sa'yo. Kamusta na nga pala si Angelo? Single pa ba ang tito mo? Paki sabi naman hintayin niya ko after ng graduation ko," biro ni Cara.
George Atkins is my high school teacher, my godfather and a close friend of my parents. Siya ang nagsisilbi kong pangalawang magulang dito sa school at kahit sa aming bahay.
"Tumigil ka sa kalandian mo, Cara. Hindi ka papatulan ni Angelo Cardwell. Baka nakakalimutan mo highschool student ka, Cara!"
"Wag mo ko pakialamanan, Sheldon. Crush ko si Angelo, period!"
"Alam mo na dumarami ang mga cases ng missing person, inuuna mo pa ang harot mo? Sa uncle pa ni Jade, hindi ka na nahiya. Basta ako, feeling ko werewolf or vampire lang ang may gawa niyan. Pwede din naman na isang evil creature with supernatural powers," Sheldon said firmly.
Sheldon is confident na may touch ng supernatural ang nangyayari sa bayan namin.
Ang kinakatakot ko, Sheldon is rarely wrong with his instinct....
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...