CHAPTER 44 - CHAPEL

1.8K 83 0
                                    

Jourdain Lavergne


BUONG akala ko ay magiging impyerno ang buhay ko sa piling ni Andreia, pero hindi ko inaasahan na magiging isa siyang tunay na kaibigan. Palagi niya ko dinadalhan ng sandwich at snacks. Hindi maitatanggi na may talent ang babaeng ito sa pagluluto. Lumipas ang ilang buwan at naging isang mabuti kaibigan sa akin si Andreia.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bumalik uli ako sa pagiging top student ng buong medical department. Hindi ko alam kung sinasadya pababain ni Andreia ang kanyang grado para makuha ko ang pinakamataas ng rank.


Jourdain Lavergne was born rich and was born to love women as if it is my destiny to make them happy. Pero binago lahat ni Andreia ang lahat ng 'yon. She sees to it that I will never break any girl's heart while she is alive. Mula sa pagiging womanizer, naging isang lalaki ako ang misyon ay hanapin ang tunay na pag-ibig, kung meron man na ganun.

Naging malapit ang loob ko kay Andreia at hindi ko inaasahan na magiging isang kapatid ang turing ko sa kanya. Most of the boys will look at her twice when they see her, but I like Andreia as a friend, like a sister that I want to protect.

Nakalimutan ko na nga na gusto ko maghiganti sa kanya. Natutunan ko na siyang mahalin na parang isang kapatid. She genuinely cares for me and she is the only person that I can show my one hundred percent self. Masaya ako na nagtagpo ang landas namin ng babaeng ito,

"Jourdain, magkita tayo mamaya sa tapat ng chapel pagkatapos ng klase mo. May importante ko sasabihin sa'yo," sabi ni Andreia bago kami pumasok sa classroom.

"Good morning to you too. Balak mo na ba magtapat ng pag-ibig sa akin? Andreia, hindi pwede ang iniisip mo. Alam mo na kapatid lang ang turing ko sa'yo. I have to reject your love--"

"I am serious, Jourdain. Hintaying mo ko sa chapel mamaya," sabi ni Andreia na bigla na lang umalis.

Iniisip ko pa lang kung bakit seryoso si Andreia sa buhay niya pero bigla siyang tumakbo pabalik sa akin at hinalikan ang aking pisngi.

"Happy birthday, brother!"


Iyon lang ang sinabi ni Andreia at bigla itong umalis. Sa pagkakaalam ko, dapat may klase din siya ngayon pero nakapagtataka na hindi siya pumasok.

Pagkatapos ng klase ko, nagmamadali akong pumunta sa chapel. Secluded ang lugar na ito at bihira ang mga estudyante. Madalas kami dito tumambay ni Andreia at magpalipas oras. Kung hindi isang kapatid ang turing ko sa kanya, siya na siguro ang sinasabi nilang one true love.


Pagdating ni Andreia, pansin ko na seryoso ang kanyang mukha na parang may matinding problema. Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang magkwento ng mga bagay bagay na hindi ko maintindihan.

"Alam ko mahirap paniwalaan, pero kailangan mo na makinig sa akin. You, Jourdain Lavergne is born to be a protector of the Vessel. Our mission is to find the Vessel and protect him at all cost."

"Vessel? Protector?" tanong ko habang kinakain ang pies na niluto ni Andreia.

Siguro ay binibiro niya ako, isang birthday prank. Malamang may surpresa siya sa akin ngayong araw.

"You and me, we are the protectors. We are fated to save humanity from the dark Shadow Spirits. Kailangan mo maniwala sa akin. Nasa panganib ang buhay mo."

Tumango lang ako kay Andreia. Sasakyan ko na lang ang mga biro niya. Bigla niyang nilabas ang isang maliit na kutsilyo at muntik na akong masamid nang hiniwa niya ang kanyang palad gamit ito.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon