CHAPTER 46 - GREECE

1.7K 84 0
                                    

Andreia Fernandes


FROM Brazil to Russia, from Pakistan to Indonesia, nauwi kami sa isang isla sa Greece na tinatawag na Kythira. Dito ay parang naging normal ang buhay ko dahil binibigyan ako ni Eleazar ng kalayaan na pumunta sa kung saan ko man gusto. Binalaan lang niya ako na umuwi bago sumapit ang dilim.

Isang dapit hapon habang pauwi na ako ay nakita ko ang tatlong lalaki na hinihila si Eleazar palabas sa aming bahay. Malaki ang kanilang katawan at sigurado ako na walang laban si Eleazar sa kanila. Nagulat na lang ako nang makita ko ang kanilang mga mata.

Their eyes look all empty with darkness as if they were dead.

Isa sa mga lalaki ang may hawak ng isang itim na patalim ang lumapit kay Eleazar. Alam ko sa mga oras na ito ay papatayin nila si Eleazar, pero nagulat na lang ako nang mabilis siyang nakaiwas sa palapit na patalim.

Parang isang fast forward movie scene ang nakikita ko sa mga oras na ito. Sa loob ng maikling sandali, nagawang paslangin ni Eleazar ang tatlong lalaki at bumagsak ang walang buhay nilang katawan sa daan. Mukhang hindi sila pangkaraniwan na nilalang dahil may lumalabas na itim na dugo sa kanilang mga sugat.

Napansin ko na lumuhod si Eleazar sa harap ng tatlong lalaki. Bigla siyang nagliwanag habang nagdadasal sa lengwahe na hindi ko maintindihan. Sa loob ng maikling sandali, nagliyab ang katawan ng tatlong lalaki sa kanyang harapan.


"Ikaw ba ang may gawa ng apoy?" nagtataka ko na tanong ko kay Eleazar dahil biglang lumitaw ang apoy mula sa kawalan.

"Kailangan sunugin ang kanilang mga katawan. The fire of Vasi will cleanse them as they were tainted by the Shadow Spirit. Kung hindi ko gagawin ito, mabubuhay silang muli."

"Imortal din ba sila tulad mo? Hindi sila mukhang tao, Eleazar."

"Dati silang mga tao. Isinuko nila ang kanilang mga kaluluwa sa mga Karan kapalit ng pera ang kapangyarihan."

Eleazar explained that these Shadow Spirits habitually seduce humans in exchange for anything that they desire. In return, these Shadow Spirits will take their soul after the ten-year duration. Eventually, they will become demons and they will forever serve the Shadow Spirits as their minions.

"Kung isinuko na nila ang kanilang mga kaluluwa sa mga Karan, bakit kailangan mo silang linisin gamit ang Vasi? Teka, ano ba talaga ang Vasi?"

"Andreia, it is our responsibility to cleanse them using the fire of Vasi. The Vasi is a blessed power that originated from the Creator capable of removing any whiff of darkness in demons or humans. Ang Vasi mismo ang magpapalaya sa kanila. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat. Kailangan na natin umalis," nagmamadali na sabi ni Eleazar na hinila ko papasok sa bahay.

"Eleazar, may problema ba?"

"Kailangan na natin umalis dito. Sigurado ako na may darating pa na iba."

"Akala ko ba hindi nila tayo mahahanap dahil sa kwintas ko? Eleazar, natatakot ako! Hindi sila mukhang tao!" naiiyak na sabi ko kay Eleazar.


Natatakot ako sa mga kakaibang nilalang na gustong pumatay sa amin, pero mas natatakot ako kung mawawala si Eleazar sa akin. Siya na lang ang nag-iisa kong kapamilya. Hindi ko ata kakayanin kung mawawala pa siya sa akin.


"Andreia, ikaw ang pakay nila. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang. Kailangan mo lang maging matatag para malagpasan natin ito."

Tumango lang ako kay Eleazar habang umiiyak. Umalis agad kami ni Eleazar sa Greece at napadpad sa Egypt pagkalipas ng ilang araw.

Sinubukan namin manirahan ni Eleazar sa mga lugar na malayo sa kabihasnan. Sa mga lugar na hindi kami mahahanap ng mga alagad ng Karan. Sa mga lugar na madali kami makakatakas kung matunton man nila kami.

Tinuruan ako ni Eleazar na gumamit ng mga patalim at espada para sa pakikipaglaban. Tulad ng inaasahan namin, meron pa din mga alagad ng Karan na nakahanap sa amin. Dahil may kapangyarihan si Eleazar, madali namin silang natatalo pero natatakot pa rin ako sa mga pwedeng mangyari. Si Eleazar ay isang imortal, samantalang ako ay isang tao lamang. Isang pagkakamali ko ay pwede akong mamatay.


"Andreia, alam mo ba ang kwento tungkol sa mga anghel na itinakwil sa langit?" tanong ni Eleazar sa akin.

Tumango lang ako kay Eleazar. Naibahagi na niya noon na may mga nilalang na tinatawag na guardians ang nagrebelde sa langit. Itinapon sila dito sa mundo para habang buhay na magdusa.

These guardians became the Shadow Spirits and they roamed the darkness-filled earth here for millions of years. Soon, they became corrupted by evil and hatred.

"When the Creator forge the light, the fallen guardians called Shadow Spirits were completely annihilated. However, some Shadow Spirits were too formidable and was believed to survive this incident. They remained here on earth, waiting for the perfect time to exact their revenge."

"Nakakita ka na ba ng sinasabi nilang Shadow Spirit?"

"Hindi pa, pero alam ko na kasama natin sila dito sa mundo. Ang mga humahabol sa atin ay patunay na nabubuhay sila sa panahon ngayon. I was almost consumed by a Shadow Spirit before, but I have not met any shadow spirit yet in my thousand years of existence."

"Eleazar, nasaan na ang mga Shadow Spirit o ang mga Karan? Sigurado ka ba na totoo sila?"

"The Shadow Spirits are capable of putting their essence to a human being with impure heart and until they become a demon. The corpse-like creatures that we have encountered, they were created by the Shadow Spirits. Ang nakakalungkot lang, ang mga tao na humahabol sa atin ay hindi pinwersa nga mga Shadow Spirit. Kusang loob nila inalay ang kanilang katawan kapalit ng panandalian na kapangyarihan."

"Eleazar, ano ang kinalaman natin sa mga Shadow Spirit? Bakit tayo tinawag na Protector? Bakit nila tayo gustong patayin?"

"I am the first protector and you will be the second one on your right age. A protector's vow is to protect humans and defeat these Shadow Spirits."

"Nasaan na ang sinasabi mong Vessel? Sino siya? Saan ba natin siya matatagpuan?"

"Andreia, hindi ko din alam kung nasaan siya ngayon. Nilibot ko na ang buong mundo pero hindi ko siya mahanap. Kung napapansin mo, palagi tayo naglalakbay. Hindi para magtago kundi para hanapin siya."

Ipinaliwanag ni Eleazar na sa tamang edad, magiging isa akong ganap na imortal. I will be the Protector of the Vessel. It is our duty to defeat the demons and protect humanity from them.

Ngunit kailangan namin mag-ingat. Ang mga alagad ng Karan na humahabol sa amin ay gusto kaming paslangin bago ko maging isang ganap na Protector.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon