CHAPTER 40 - RUE DU SOMMERARD

2K 74 0
                                    

Jourdain Lavergne


BEFORE the creation of light, the world is covered with darkness. Creatures called the Shadow Spirits roamed the earth for thousands of years.

They were guardians of heavens who rebelled against the creation of humans and they were exiled to the barren earth. These fallen guardians accumulated more hatred to humans. When the Creator saw how corrupt they have become and there was no chance that they will repent, He forged the light to exterminate the Shadow Spirits.

Some Shadow Spirits that were forsaken on earth were too formidable and were not completely obliterated. They hide in the darkest pits of the earth waiting for the perfect time to execute their revenge.

A thousand years later, humans filled the earth and the remaining Shadow Spirits breed fury and grudge while in hiding.

As time passed by, the existence of the Shadow Spirits were forgotten and they are now known only in stories meant to scare children.



AKO si Jourdain Lavergne. Ipinanganak ako noong 1351 sa Marseille, France. Dito ako unang nagkamalay at nabuhay bilang si Jourdain Lavergne, ang anak ni Damien Lavergne at Lucinde Lavergne na mula sa isa sa pinaka mayaman na pamilya sa buong bansa.

Lumaki ako sa marangyang buhay, salamat sa aking mga magulang. Mula Marseille, nanirahan ako sa Paris para mag-aral ng medisina sa University of Sorbonne. Habang nag-aaral ako sa Paris, nakakilala ko ng maraming kababaihan. Marami sa kanila ang umibig sa akin. Marami din ang nasaktan ng sila ay aking iniwan. Nagbago ang lahat nang ako ay mamatay. Malinaw ko pa na naaalala lahat ng parang ito ay kahapon lamang...



ISANG gabi noong 1374 habang naglalakad ako sa Rue Du Sommerard, biglang may lumapit sa aking lalaki at ginilitan ang aking leeg. Sa bilis ng mga pangyayari, ang tangi kong naalala ay kung paano humiwa ang matalas na patalim sa aking leeg.

Naramdaman ko agad ang sakit ng aking sugat at ang pagdaloy ng napakaraming dugo. Sa loob ng ilang segundo, nalulunod na ako sa sarili kong dugo.

Bumagsak ang aking nag-aagaw buhay na katawan sa Rue Du Sommerard. Bago tuluyang mawala ang aking ulirat, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo ilang metro ang layo sa akin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha, pero sigurado ko na ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi nang makita niya ako sa aking nalalapit na pagpanaw.

Tinanggap ko ang aking nalalapit na kamatayan, pero napuno ako ng galit sa aking mga huling sandali. Galit dahil hindi ko na maipaghihiganti ang aking kamatayan. Hindi ko na kahit kailan malalaman kung sino ang misteryosong lalaki na pumaslang sa akin...



BUONG akala ko ay patay na ako, pero nagising ako dahil sa malakas na hangin at sa ingay ng humahampas na alon. Pagmulat ng mata ko, nasa loob ako ng isang kwarto. Mula dito ay naaamoy ko ang tubig alat. Ang kwarto na ito ay katulad ng aming bahay sa Marseille.

Ang Lavergne mansion ay kilala sa aming lugar. Nakatayo sa gilid ng bangin kung saan nakaharapan ito sa malawak na Mediterranean Sea. Ang mga magulang ko na mula sa isang maharlikang pamilya ay madalas nagdadaos dito ng pagtitipon.

A grand masquerade ball where all high-born and titled noble families gathered together.

Naputol ang pag-alala ko sa nakaraan nang biglang may kumatok sa pinto. Isang lalaki na nasa early forties ang biglang pumasok sa loob ng kwarto. Bigla akong nagpanic dahil naalala ko na dapat ay patay na ako. I instinctively touched my neck, and yet there are no signs of any wound.

Umupo ang lalaki sa kama malapit sa akin at hinawakan ang nanginginig kong balikat na para bang gusto niya akong kalmahin sa pagpapanic ko. Biglang lumiwanag ang kanyang kamay na parang nilalang na may kapangyarihan. Sa loob ng ilahg segundo, nawala ang aking kaba at ang aking takot.

Namatay ba talaga ako? Panaginip lang ba ang lahat? Sino ang misteryosong lalaking ito na nasa harap ko?

Bago pa ako makapag isip ng tanong sa mga kasaugutan ko ay pumasok ang isang babae sa loob ng kwarto at niyakap ako.

Ang aking matalik na kaibigan, si Andreia Fernandes.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon