CHAPTER 47 - 23RD

1.7K 85 0
                                    

Andreia Fernandes


PAGDATING ng aking ika-dalawampu't-tatlo na kaarawan, binigyan ako ni Eleazar ng isang glass vial na may laman na dugo. Ito na daw ang isa sa mga huling dugo mula sa sinasabi niyang Vessel. Ang dugo na ito daw ang magbibigay sa akin ng kakaibang lakas bilang isang Protector.

Without hesitation, I took the blood and finally accepted my vow to protect the Vessel. It became our purpose to find other protectors and the Vessel himself.

Binago ng sinasabing Immortal Blood ang buong buhay ko. Kahit lumipas ang ilang taon, ang katawan ko ay tila hindi tumatanda. Kahit masugatan ako sa mga pakikipaglaban namin ni Eleazar, pansin ko na mabilis maghilom ang aking mga sugat.

Binalaan ako ni Eleazar na kahit enhanced na ang aming mga senses, hindi sapat ang kapangyarihan namin kung hindi kami iinom muli ng Immortal Blood.

For years, we have been looking for other Protectors and the Vessel himself. However, the compass is not moving, which means we are alone. Somehow, this is a good thing as it only means that there are only two Shadow Spirits who have awakened.


"Ang isang Protector ba ay pwedeng umibig?" tanong ko kay Eleazar habang nasa Vienna, Austra kami at naninirahan sa ciudad.

Sa totoo lang, natutunan ko na tanggapin ang responsibilidad ko at mukhang nag-enjoy na ko bilang isang Protector basta kasama si Eleazar.

"Why are you asking me these things, Andreia? Is my little girl finally in love?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Are we allowed to entertain such feelings? I mean, pwede ba akong magmahal ng normal na tao kahit imortal na ko ngayon? O isa itong paglabag sa ating responsibilidad?"

"Falling in love is the greatest feeling that we can ever feel as it makes us more alive, more inspired to face life and the uncertainty of tomorrow. We may be immortal, but we are still humans capable of such feelings. Hindi bawal ang umibig, Andreia."

"Ikaw Eleazar? Nagmahal ka na ba noon? May babae na ba na nagpatibok ng puso mo?"

"Bago pa ako maging isang ganap na Protector, umibig ako sa isang babae. Her name was Shaira and I was so in love with her and I know that she felt the same way. When I was touched by the Shadow Spirit, all of my feelings for her suddenly vanished. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit nawala lahat ng pagmamahal ko sa kanya. It still remains a mystery to me."

"Hindi ka na ba na in-love pagkatapos mong maging Protector? Hindi ka man lang nagka interest sa kahit sinong babae?"

"I haven't given it any thought. I am an eternal creature and falling in love with a human may cause entanglements. We will inevitably hurt ourselves in the process. Why are you interested in knowing?"

"Kasi pakiramdam ko, in-love na ako."

"Ikaw? Kanino? Sa bago ba natin na kapit bahay na madalas mo kausap?" tanong niya habang nakataas ang kanyang kilay niya. May pakiramdam na siguro si Eleazar kung sino ang lalaking tinutukoy ko.

"Kaibigan ko lang 'yon. Gusto nga niya ako ligawan, pero iba talaga ang tinitibok ng puso ko."

"Sino?"

"You, Eleazar. I think I have fallen madly in love with you."

Bakas ang galit sa mukha ni Eleazar dahil sa sinabi ko, pero bigla siyang ngumiti sa akin. Ngiti na nagsasabi na huwag ko siyang biruin dahil hindi nakakatuwa.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon