Jade Cardwell
WARNING: Slight R-18 (Story of Amadeus and Dayanah
- Skip na lang po sa mga bata diyan bwahaha!)
Dayanah. Ang babae na tila nagpahinto sa walang katapusan na pagkauhaw ni Amadeus sa pagpatay. Ang asawa niya na si Issachar ang naging temporary host ni Amadeus nang mabuhay siyang muli.
Naramdaman ko na nagbalik muli ako sa makalumang panahon, pero hindi bilang isang spectator. Nakikita ang mga pangyayari sa mismong mata ni Dayanah.
Kasama ni Dayanah ang ilang mga kababaihan na nakasuot ng makaluma, ngunit makulay na kasuotan. Nag-iigib sila ng tubig sa isang balon, pero kapansin pansin ang kanilang mga mahinang tawanan at mga patago na ngiti. Lahat sila ay tila nahuhumaling sa isang makisig na lalaki na nagsisibak ng kahoy. Pagtingin ng lalaki sa kanilang direksyon, kapansin pansin na kamukha ito ni Amadeus na may mahabang buhok.
"Kailan mo ba tatanggapin si Amadeus?" tanong ng isang babae kay Dayanah.
"Dalawang taon na nang mawala si Issachar. Hindi na masama ang umibig muli."
Ngumiti lang si Dayanah sa kanila at patuloy na nag-igib ng tubig. Binitbit ni Dayanah ang dalawang timba na gawa sa kahoy, pero mabilis na lumapit si Amadeus sa kanya para tulungan siya. Dahil sa ginawa ni Amadeus, umalingawngaw ang mga tuksuhan mula sa kababaihan.
"Hindi mo naman kailangan na gawin ito," sabi ni Dayanah kay Amadeus habang naglalakad sila pabalik sa bahay ni Dayanah.
"Alam mo naman na ayaw kitang nahihirapan," sagot ni Amadeus sa kanya.
Pagpasok ni Amadeus sa bahay ni Dayanah ay ibinaba niya agad ang dalang mga timba. Nagulat na lang ako nang bigla niyang isinara ang pinto at walang paalam na hinagkan ang labi ni Dayanah.
Gusto ko itulak si Amadeus dahil sa marahas na paghalik niya sa akin, pero wala akong lakas na gawin ito. Naalala ko na hindi ako si Jade Cardwell sa mundo nito. Ako si Dayanah at wala akong kontrol sa mga pangyayari na nagaganap.
Isa lang akong tagapagmasid sa mga nangyayari.
Bahagya akong itinulak ni Amadeus sa pader na gawa sa bato. Marahas ngunit maingat upang hindi ako masaktan. Nagmamadali niyang inangat ang aking kasuotan at walang paalam na inangkin ang aking katawan. Mukhang may natatago na relasyon na si Amadeus at si Dayanah sa panahon na ito.
Sa isang iglap ay naramdaman ko ang malamig na kamay ni Amadeus sa aking pisngi. Wala na ako sa makalumang panahon. Nagbalik na ako sa clinic sa medical wing ng barko ni Amadeus.
"Is there a problem? Natulala ka na," nagtataka na tanong ni Amadeus.
"I saw a vision of you and Dayanah."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Mukhang may idea siya sa maaring nakita ko dahil binanggit ko si Dayanah. Mukhang hindi din niya sinadya na makita ko ang mga ito.
"And? What vision are you referring to?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay.
"Sensual vision, Amadeus. Naging asawa mo ba si Dayanah?"
"We have been together for years. I was bothered by guilt because of what happened to Issachar so I stayed with her," sagot niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko palabas ng clnic.
"Gaano kayo katagal magkasama? Mahal mo ba siya?"
"Three years, but she was taken away from me by the Endorian Witches. They were able to track me and killed Dayanah in front of me."
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...