Raphael Lancaster
ANG dating tahimik na village sa isang isla sa Nova Scotia ang binalot ng takot dahil sa mga karumaldumal na pagpatay ni Alarcus.
This island is a progressive community, but now, it looks like a ghost town due to the excessive deaths. The mummified bodies are beyond recognition.
Sinubukan na hanapin ni Chase at si Addie ang Shadow Spirit na si Alarcus, ngunit walang bakas niya sa buong isla. Marahil ay natakot siya sa Gladium na hawak ni Chase. Alam niya na pwede siyang mamatay dahil dito.
Nang maayos na ang pakiramdam ni Eleazar ay sinamahan ako ni Addie na hanapin ang pakay namin dito, ang Fourth Protector. Kahit hindi masyadong malaki ang isla, nahirapan kami hanapin ang sinasabing Protector gamit ang Compass of Light.
Sa kalagitnaan ng aming paghahanap ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Sumilong kami ni Addie sa loob ng isang simbahan sa gitna ng isla.
"Master, may problema yata ang Compass of Light. Kanina pa ito ikot ng ikot sa loob ng simbahan kahit wala naman tao dito," sabi ni Addie habang lumilibot sa loob ng simbahan.
"Baka dahil sa ulan. Walang signal?"
Hindi kumibo si Addie, pero napansin ko na kumunot ang ulo niya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha.
"Master, ang putla mo. Okay ka lang ba?" nag-aalala na tanong niya.
"Napagod lang ako. Maraming dugo ang nawala sa akin."
"Alam ko na imortal ka, pero nakapagtataka na namumutla ka at mukhang pagod na pagod. Umupo ka muna dito sa bench. Papunta na din siguro dito si Chase at si Eleazar," sabi ni Addie na inalalayan akong umupo.
Tama ang kapatid ko, nakakapagtaka na nanghihina ako. Siguro dahil na rin sa maraming dugo na nawala sa akin.
Sinubukan ko humiga sa isa sa mga church bench, pero hindi ako makatulog dahil may naririnig akong tibok ng puso. Tinignan ko si Addie, pero mukhang wala siyang naririnig dahil sa lakas ng ulan. Tumayo ako sa pagkakahiga at hinanap ang tunog na naririnig ko.
"Master, saan ka pupunta? Ang tigas talaga ng ulo mo. Sabi ko, magpahinga ka---"
"Keep quiet," bulong ko sa kanya.
Umikot ako sa loob ng simbahan para hanapin ang tunog ng tibok ng puso na naririnig ko. Umakyat ako sa elevated platform sa harapan ng simbahan at doon ko naririnig na mas malakas ang tunog. Ang platform ay yari sa makinis na kahoy, pero kapansin pansin na may isang parte dito na kakaiba ang kulay.
Sinubukan ko iangat ito at tumambad sa akin ang isang underground cavity na may staircase. Pumasok ako sa loob at sinundan naman ako ni Addie. Doon namin natagpuan ang isang pari na may kasamang mga bata at ilang mga kababaihan. Lahat sila ay puno ng takot.
"Nandito kami para tulungan kayo," sabi ni Addie sa kanila.
"Father, ano po ba ang nangyari? Bakit po nandito kayo lahat sa basement?" tanong ko sa isang pari sabay hawak sa kamay niya para magmano.
Sinubukan ko din kumuha ng visions sa kanya kung ano ang talagang nangyari sa lugar. Mukhang maraming demon possession incidents sa isla na ito bago pa man mabuhay si Alarcus.
"This island is cursed. Binalaan ko na ang mga tao dito na lumikas, pero nanatili sila dito sa isla dahil dito na sila ipinanganak at lumaki," sabi ng pari sa akin.
"Cursed? Marami po bang demon possessions dito?" naninigurado kong tanong sa kanya.
"Hindi ko na mabilang ang mga insidente ng demon possessions sa lugar na ito. Hindi ko alam pero may kakaibang kapangyarihan ng kasamaan ang bumabalot sa isla. Gumawa na ako ng report at ipinadala sa Vatican City. Iminungkahi nila na lisanin na ang lugar na ito o kaya ay huwag pupunta sa kabundukan."
"May mga ilang tao po kami na nadaanan, mga bangkay na nagkalat sa daan. Paano po nagsimula ang ganitong trahedya?" mahina kong tanong sa pari habang ginagamit ni Addie ang kanyang Vasi para tanggalin ang takot at trauma sa kanila.
"Nagsimulang tumunog ang alarma kaninang umaga. Nagtago kami dito kasama ng mga bata. Buong akala namin ay merong tsunami na parating. Dahil mataas na bahagi ang simbahan, dito kami nagtago."
"Pero hindi po isang tsunami ang nangyari, isang madugong patayan po ang naganap."
"Habang nagtatago ang mga bata dito sa simbahan ay dumating ang isang lalaki na mula sa kabilang bahagi ng isla. Ibinalita niya sa akin na may isang mangangahoy ang naghahasik ng lagim sa lugar nila, isang severe case ng demon possession," paliwanag ng pari sa akin.
Kitang kita ko sa vision kung paano pumunta ang pari sa kabilang parte ng isla. Doon niya nakita ang isang lalaki na walang habas na patayin ang kanyang mga kasamahan. Hindi pa ito nakuntento at ininom niya ang dugo ng kanyang mga biktima tulad ng isang bampira sa pelikula. Walang duda na si Alarcus ang lalaking nakita ng pari.
Kahit gamit ni Alarcus ang isang temporary host or katawan na kanyang unang sinapian, pambihira pa din ang kanyang taglay na lakas. Nagawa niyang patayin ang mga karamihan ng mga tao dito sa isla.
Nang dumating si Chase at si Eleazar, napag-alaman namin na tumakas na si Alarcus sa isla. Siguro para maghanap ng panibagong katawan o kaya ay para hanapin muli ang kanyang tunay na katawan.
"Umikot na ako sa buong isla gamit ang Gladium, pero walang bakas ni Alarcus," sabi ni Chase habang nasa harapan kami ng simbahan.
"This bloodshed will surely reach the mainland. We can be exposed to the outside world. We have to do something. Do you have any ideas, old man?" tanong ko kay Eleazar.
"To save the people from the horrors of Alarcus, we can try to absorb all of the village people's vision regarding the massacre. This will certainly consume our Vasi. We also need to bury the bodies to give them proper burial. We will inform the people that we are from the mainland and a forest fire together with a gas leak took the lives of many people."
Sinunod namin ang sinabi ni Eleazar. Hindi pa din ligtas ang lugar na ito dahil may essence pa din ng Karan sa kabundukan. Marahil dito nagtatago si Alarcus ng napaka tagal na panahon. Kailangan gumawa kami ng aksyon para tuluyan silang lumikas paalis sa isla na ito.
"Tulungan niyo ako. Kailangan ko dalhin ang asawa ko sa kabisera. Wala ng bangka na naiwan dahil lumikas na ang ibang mga tao," sabi ng isang lalaki na lumapit sa akin.
Kasama niya ang kanyang asawa at napansin ko agad ang dugo na dumadaloy sa kanyang binti. Nakikilala ko ang babaeng ito. Isa ito sa mga babae na nasa basement kasama ng pari. Ang asawa naman niya ay kasama ng grupo ng mangingisda na tutugisin si Alarcus.
"My name is Anthony and this is my wife Elisa. Pareho kaming doctor sa mainland. Mahigit isang buwan pa lang kami na nandito para sa isang bakasyon. Nagpanic si Elisa nang marinig niya ang tungkol sa demon possession na nangyari kanina," panimula ni Anthony.
"Huwag kayong mag-aalala. Ligtas na kayo. Kamusta ang nararamdaman mo, Eliza?" tanong ni Chase sa babae.
"Eliza is five weeks pregnant and she suddenly began bleeding. I am not an obstetrician, but without a proper medical attention, we might lose our baby," dagdag ni Anthony.
Lumapit si Chase kay Eliza at hinawakan siya sa balikat para pagalingin. Biglang nagliwanag si Eliza nang ginamit ni Chase ang kanyang Vasi.
"I found the Fourth Protector," sabi ni Addie habang naglalakad paikot kay Chase at kay Elisa gamit ang Compass of Light. "The unborn child, it is the next protector."
Mukhang naguguluhan si Anthony at si Elisa sa sinabi ni Addie. Hindi rin nila maintindihan ang kakaibang liwanag na nakita nila kaya minabuti ni Addie na tanggalin ang memorya nila tungkol sa nangyari.
Para protektahan ang bata sa sinapupunan ni Elisa, naglagay si Eleazar ng isang concealment gamit ang kanyang Vasi para hindi mahanap ang bata na magiging susunod na Protector, pero pagkalipas ng maraming taon, nahanap pa rin siya ng mga tinatawag na Shadow Spirits.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...