CHAPTER 87 - WOUND

1.2K 70 9
                                    

Eleazar Lancaster


BUMALIK ako sa Alaska para alamin ang tunay na nangyari. Katulad ng sinabi ni Aesther, walang bakas ni Jade at ni Alarcus sa lugar na ito. Nagtataka lang ako kung bakit tila sinadyang iwan ang isang parte ng katawan ni Jade para sa kanyang pagkakakilanlan.

Nang bumalik ako sa Fordbridge, ipinaliwanag ni Chase na hindi maganda ang lagay ni Raphael. Palagi itong nagkukulong sa kwarto at tulala. Nagpapatugtog ng mga napakalakas ng musika at ayaw kausapin ang sino man sa kanila ni Andreia.

Matagal ko ng kilala si Raphael at alam ko na matatag ang kanyang kalooban, pero tila binago siya ng kamatayan ni Jade. Sa loob ng ilang linggo, namalagi si Raphael sa kanyang kwarto. Dinadalhan siya ni Addie ng pagkain at tinatanggap naman niya ito.

Isang araw, nagulat na lang kami nang biglang lumabas si Raphael sa kanyang silid. Masaya ang kanyang mukha at walang bakas ng depresyon. Nagpaalam siya sa amin na pupunta sa Hawaii para magbakasyon. Pumayag naman ako sa mungkahi niya, ngunit sinundan namin siya dahil nag-aalala pa rin kaming tatlo sa kanila.

Pagdating ni Raphael sa Hawaii, bumalik siya sa pagiging surfer, ang dati niyang libangan bago pa namin siya matagpuan. Dito niya nakilala si Brittany at Carley, parehong mga sikat na modelo. Hindi namin siya pinigilan sa kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay, pero palagi kaming nakasubaybay sa kanya.

"Chase, ano ba ang nangyayari kay Raphael? Bakit bigla siyang nagbago? Nakalimutan na ba niya agad si Jade?" tanong ni Andreia habang gamit ang kanyang binoculars para subaybayan si Raphael.

"Hindi ko din alam. He may be experiencing a selective amnesia or a psychological defense mechanism. Jade's death is traumatic for him to handle."

"And his way is to spend his nights with those slutty girls?"

"Pabayaan mo si Raphael. Alam niya ang kanyang ginawa."

"No, Chase. He does not know what the hell is going on. Mukhang hindi niya alam na patay na si Jade," sabi ni Andreia na ibinaba ang binoculars para puntahan si Raphael.

"Addie, saan ka pupunta?"

Lumabas si Andreia ng aming suite na tinutuluyan. Susundan pa sana siya ni Chase, pero ako na ang nag-volunteer na samahan si Andreia kung ano ang pakay niya kay Raphael.

"Ano ang balak mo?" tanong ko kay Andreia nang makahabol ako sa kanya sa paglalakad.

"Dalawang linggo na tayo dito mahigit sa Hawaii para obserbahan si Raphael, pero hindi ko na kaya na makita siya na ganito. I am going to confront that stubborn Vessel once and for all."

Nilapitan namin si Raphael, pero napansin namin ni Andreia na may kausap siyang tatlong lalaki. Ang dalawang modelo na kasama niya ay tila pinipigilan siya sa nagbabadya ng away.

"Oh shit! That hurts!" sabi ni Andreia nang makita niya ang isang malakas na sapak ang natanggap ni Raphael sa isang lalaki.

"Raphael is asking for it. He is provoking these guys to hurt him."

Hinawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang pang lalaki para hindi makapalag. Kahit medyo malayo pa kami ni Andreia, alam namin na si Raphael ang tila naghahamon ng away at naghahanap ng sakit ng katawan.

"I need to help him---"

"Let him be, Andreia. Raphael needs this. Malaki na ang kapatid mo."

Hinayaan lang namin si Raphael na magtamo ng ilang masasakit ng suntok sa mukha, pero nang mapansin namin na naglabas ang isang lalaki ng patalim ay mabilis kaming umawat ni Andreia sa gulo. Nagkaroon ng daplis na sugat si Raphael sa pisngi dahil sa bilis ng pangyayari.

"Hey, Raphael, are you okay?" sabi ni Brittany habang pinapahiran ang dugo sa mukha ni Raphael.

"My gosh, you are bleeding. Let's go to the clinic," dagdag pa ni Carley.

"We will take it from here," sabi ko sa mga babaeng kasama ni Raphael at inalalayan siyang maglakad.

Dinala ko si Raphael sa kwarto niya at naiwan si Andreia na mukhang nakikipag away sa dalawang modelo na kasama ni Raphael. Ilang araw na din niyang gustong sugurin ang mga ito dahil sa inis.

It is like she is jealous of these girls on behalf of Jade.

"Eleazar, what are you doing here in Hawaii? Bakit kasama mo si Addie? Are you all following me?" tanong ni Raphael sa akin pagkapasok namin sa kanyang tinutuluyan na silid.

"We care for you, Raphael. We are just here to observe---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ang mukha ni Raphael. Namumula ang kanyang pisngi dahil sa suntok na kanyang natamo. Kahit ang hiwa niya sa pisngi ay patuloy na dumurugo.

Hindi ito ang unang beses na nasaksihan ko ang ganito. Ganito din ang naging senyales kay Ishmael bago dumating si Hananiah sa buhay niya.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon