CHAPTER 79 - AMADEUS

1.6K 82 9
                                    

Jade Cardwell


AMADEUS. The first son of the Creator. Siya siguro ang sinasabi ni Argiel na Prime Guardian. Siya siguro ang unang Karan na nabuhay noong panahon ni Eleazar.

Binuksan ni Amadeus ang isang cabinet at may laman itong mga damit na pang babae. Mukhang bago pa ito dahil may mga price tags pa ang karamihan.

"This room is yours. Find me once you are ready," sabi ni Amadeus sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Pagharap ko sa salamin, kapansin pansin ang mga dungis ko sa mukha. Kahit ang puting shirt ko ay ubod ng dumi dahil sa paghaharap namin ni Alarcus kanina. May mga punit din ang aking pantalon at damit. Salamat na lang sa Vasi sa glass box at naghilom ang mga sugat ko.

Bigla kong naalala si Raphael. Alam ko na pabalik na sila ni Eleazar sa Alaska. Mag-aalala siya sa akin kapag hindi niya ko nahanap sa Alaska. Kailangan makahanap ako ng phone para matawagan siya.

"Oh I forgot to mention. Contacting the outside world using any form of communication is a direct violation of our contract," sabi ni Amadeus bago lumabas ng pinto.

"Fine! Tsk!"

Mukhang mind reader na ang lalaking ito sa tagal na panahon niyang nabubuhay dito sa mundo. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ng kwarto ay umikot ako sa buong barko. Wala din naman akong kawala dito, I might as well enjoy my prison time.

Ang higher level ng ship ay mukhang isang hotel. Ang mga lower levels naman ay parang mga laboratory at testing facilities. Binati ako ng mga nakakasalubong ko na mga ship personnels. Hindi ko alam kung kilala nila ako or friendly lang talaga sila sa lahat ng guests ni Amadeus.

Umikot ako sa buong lugar, pero hindi ko mahanap si Amadeus. Sinubukan ko bumalik sa kwarto ko, pero nakasalubong ko sa corridor ang isang babae na may green na mata. Just like Alarcus, napaka amo ng kanyang mukha.

Ito siguro ang Shadow Spirit na si Alvienna.

Kung si Amadeus ay wala akong balak patayin, sigurado ako na si Alvienna ay hindi magdadalawang isip na paslangin ako. Dahil sa takot, dahan dahan akong umatras palayo sa kanya, pero biglang tumama ang likod sa dibdib ng isang lalaki. Bigla akong lumayo dito nang mapag-alaman ko na si Ahaziah ang nasa likuran ko.

I am in between two powerful Shadow Spirits. I have no Vasi in this ship and they can easily kill me if they want to.

"Don't be scared, Jade Cardwell. You are safe inside this ship," sabi ni Ahaziah with his reassuring smile.

"I can't promise your safety, Protector. I still want to kill you with my bare hands," nakangiti na dagdag na sabi ni Alvienna.

Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Si Ahaziah ba na nagpe-pretend na mabait or si Alvienna na harap harapan na sinasabi na papatayin ako.

"You are scaring her. She is my guest here."

Sa hindi malaman na kadahilanan, tila naka-hinga lang ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Amadeus na nasa likod na ni Ahaziah.

I am not supposed to trust him, but the sight of him gave me an instant relief.

Yumuko lang ng bahagya si Alvienna at si Ahaziah kay Amadeus bago tuluyang magpaalam. Tama nga ako, si Amadeus ang sinasabi nilang Prime Guardian dahil mukhang takot sila dito.

"Ikaw pala ang boss dito," mahina ko na sabi sa kanya nang umalis na ang dalawang Shadow Spirit.

"I am the boss here, but you don't seem to be afraid of me."

"Oh I am afraid of you, Amadeus. Alam ko na pwede mo ko patayin kung kailan mo gusto. Tinanggap ko lang sa sarili ko na ang kapalaran ko ay nasa kamay mo. Anong tawag doon? Acceptance phase?"

"May agreement na tayo. Hindi kita papatayin kung hindi ka magtatangka na tumakas dito."

"Amadeus, kung dito ko mananatili sa loob ng isang taon, makakasama ko ba dito si Alvienna at si Ahaziah?"

"They will stay here for a few days. Once we dock near Russia, they will leave the ship at once. This is my ship, not theirs."

Parang nabaliktad ang mga pangyayari ah? Ang mga Shadow Spirits ay ang mga kalaban naming mga Protectors, pero bakit tila nasa kabilang side ako ng giyera? Bakit parang naging kakampi ako mga kalaban namin?

Amadeus asked me to follow him. Pumasok kami sa isang kwarto na katabi ng kwarto ko. Tulad ng inaasahan ko, parang isang hotel suite ang loob nito. Marahil ito ang kwarto niya.

My eyes almost widened when I saw four paintings on the wall. Ang una ay isang charcoal drawing. Ang pangalawa at pangatlo ay parang mga Renaissance oil painting at ang pang-apat ay isang modern airbrush painting.

Isa lang ang common factor sa mga paintings na ito, ang mga mukha ko nakaguhit dito. Ang unang tatlong drawing ay halatang medyo luma na at ang tanging glass frame lang mismo ang bago.

"Thousands of years ago when I was still trapped inside the abyssal darkness, you appeared in my dreams," sabi ni Amadeus habang nakatingin sa unang charcoal drawing.

"After killing hundreds of human beings, I was able to have enough Karan essence to obtain my body back. That is the time when I first drew a portrait of you," sabi ni Amadeus sabay turo sa charcoal drawing.

"Ikaw ang nag-drawing niyan?" tanong ko sa kanya.

"Before Alvienna resurfaced in Brazil, you appeared in my dreams again. Before Ahaziah resurfaced in France, you visited me in my dreams again. The fourth one is when you were conceived in Nova Scotia when Alarcus awakened."

"Bakit mo ko nakikita sa panaginip mo? Hindi pa ako ipinapanganak ng mga panahon na 'yan ah?"

"Maybe because you are my Other Half."

Napalingon ako bigla kay Amadeus dahil sa sinabi niya. I was stunned with his sudden revelation.

Shadow Spirit ang Other Half ko? Am I destined to be with Amadeus?

And is Raphael destined to be with someone else?

Kalaban ba ako ng mga Protectors?

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon