Jade Cardwell
BINALOT ako ng lungkot habang pinakikinggan ang kwento ni Raphael. Tila pinipiga ang puso ko sa mga malagim na pinagdaanan niya. Hindi ko din maiwasan ang hindi magselos sa babaeng si Sapphire.
Her story is another painful addition to the misery I am feeling right now.
"Gusto mo ba makita kung anong hitsura ni Sapphire Prescott?" tanong ni Raphael sa akin.
Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong pa, pero wala akong balak makita ang babaeng naging ex-girlfriend niya noon sa New Orleans. Umiling lang ako sa kanya.
Based from his story, Sapphire is a gorgeous woman. Hindi nga niya natanggihan ito nang niyaya siyang pumasok sa loob ng bahay nito. Ayokong makakita ng vision na related sa pagiging sweet nila or sa mga steamy nights nila.
"Jade, kailangan mong makita si Sapphire Prescott. You need to see her for yourself," nakikiusap na sabi ni Addie sa akin.
Hindi ko alam kung bakit gusto niya makita ko si Sapphire, pero pumayag na din ako sa huli. Hinawakan ni Raphael ang kamay ko at bigla siyang nag-glow na parang isang magical creature. My mind was suddenly filled with pictures of Sapphire Prescott in New Orleans. It was just a brief vision, but enough for me to finally understand why I need to see her.
"Naalala mo ba ang vision na ipinakita ko sa'yo kanina sa loob ng opisina?" tanong ni Raphael.
Tumango lang ako sa kanya. Naalala ko na naman kung paano niya yakapin ang babaeng si Sapphire sa vision ko. This girl looks like the killer ghost who attempted to kill me.
"You are so jealous, aren't you? Alam na alam ko kapag nagseselos ka, Jade," sabi ni Raphael sabay halakhak.
"Hindi ako nagseselos sa kanya. Wala akong pakialam sa relasyon niyo ng killer ghost na 'yon."
"Before you make any conclusions, love, please know that the man you saw in the vision was not me. Si Ishmael ang lalaking nakita mo. He is the first Vessel of the Immortal Blood. We look identical kahit itanong mo pa kay Eleazar."
Tumango lang si Eleazar sa akin bilang confirmation na hindi si Raphael ang lalaking nakita ko kanina sa vision.
"At ang babae na kasama ni Ishmael ay si Asharah, ang kanyang first love," dagdag ni Raphael.
"Pero bakit magkamukha si Asharah at si Sapphire? Sino ang ghost na gustong pumatay sa akin? Si Asharah ba na ex ni Ishmael or si Sapphire na ex ng lalaking ito?" tanong ko sabay turo kay Raphael.
Tumawa lang si Addie at si Chase dahil sa sinabi ko. Siguro obvious pa din sa akin ang pagiging bitter dahil kay Raphael.
"Jade, that is the reason why I want you to see these visions. Hindi para pausukin ang ilong mo at para pagselosin ka. We do not know if the specter who is following you is Asharah or Sapphire. Hindi nga din namin alam kung si Sapphire Prescott ba ay reincarnation ni Asharah or siya mismo si Asharah," sabi ni Raphael.
"Hindi nga ko nagseselos, bakit ba ang kulit mo?" tanong ko sabay irap sa kanya.
"Nagseselos ka naman talaga, aminin mo na," bulong niya sa akin.
"Hindi nga!"
"You are jealous love, admit it," pang-aasar ni Raphael sa akin habang kinikiliti ang tagiliran ko.
"Stop it! Hindi ako nagseselos sa ex mo! Paulit ulit ka."
Tumigil lang si Raphael sa pang-aasar sa akin nang magsalita si Eleazar.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...