CHAPTER 58 - AZARIAH

1.5K 76 1
                                    

Eleazar Lancaster


KINABUKASAN, hindi ko inaasahan na makikita ko ang sinag ng araw. Napansin ko na nandito pa rin ako sa bahay ni Rai Zahl, pero wala na ang aking ama na si Levi. Lumapit si Rai Zahl sa akin at binigyan ako ng mainit na inumin. Tatlong araw na pala akong walang malay sa kanyang tahanan.

Nagsimula siyang magkwento kung sino si Rai Zahl at kung siya saan nagmula. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanyang salaysay.


"Nang unang nilikha ng Diyos ang unang paraiso na tinawag ng mga tao na Halamanan ng Eden, ako ang inatasan na maging tagapag-alaga nito. Ang aking tungkulin ay bantayan ang hardin para walang kahit sinong tao ang pumasok dito," panimula ni Rai Zahl.

"Hindi ko alam kung saan ako nagmula. Ang tanging alam ko ay nabubuhay ako para sundin ang Amang Lumikha. Ang tangi kong responsibilidad ay protektahan ang puno na nagbibigay ng walang hanging buhay o imortalidad."

"Ngunit sa hindi ko inaasahan na mga pangyayari, may mga tao na nakapasok sa Halamanan ng Eden at kumain sila ng Prutas ng Kaalaman. Pinalayas ang mga tao sa hardin, pero binigyan ako ng panibagong pagkakataon ng Amang Lumikha sa aking pagkakamali. Ako pa rin ang hinirang niyang tagapag-alaga, pero ito ay pansamantala lamang."

"Paanong pansamantala? Dahil ba balak niyang sirain ang Halamanan ng Eden?" tanong ko sa kanya.


Tumango lang si Rai Zahl. Nabanggit na sa akin ng aking ama na si Levi ang tungkol dito. Sinira ng Amang Lumikha ang Halamanan ng Eden dahil sa mga tao na mapagsamantala.


"Kasabay ng pagbabantay ko sa Halamanan ng Eden, ang Amang Lumikha ay humanap ng magiging tagapagmana ng Puno ng Buhay. Isang tao na pinaka busilak ang puso. Lumipas ang taon at nahanap niya ito sa katauhan ng isang pastol na si Ishmael. Ibinigay ng Ama kay Ishmael ang karapatan na kainin ang Prutas ng Kaalaman na magbibigay sa kanya na kakaibang lakas, talino at buhay na walang hanggan."

"Si Ishmael ay isang imortal na ngayon?" naguguluhan ko na tanong ka Rai Zahl.

"Ang kapangyarihan ng Puno ng Buhay ay nananalaytay ngayon sa dugo ni Ishmael, ngunit hindi siya ang habang buhay na imortal. Kapag nagkaroon ng anak si Ishmael, ipapasa niya ang kapangyarihan ng Puno ng Buhay sa kanyang anak, ang nakatakdang tagapagmana. Ako ang inutusan ng Ama na hanapin ang tagapaglingkod at taga pagprotekta ni Ishmael."

"Nahanap mo na ba ang sinasabi niya?"

"Ikaw, Eleazar ang susunod na taga protekta ni Ishmael."


Tahimik na nakikinig si Jade habang ibinahagi ko sa kanya kung paano ko nakilala si Rai Zahl o ang guardian na si Azariah. Naisalaysay ko na ito noon kay Andreia, Jourdain at Raphael. Tulad nila, gulat ang nasa mata ni Jade nang mapagtanto nila kung gaano na ko katanda.

"Ano po ba talaga ang Vasi at Karan? Naging tao po ba si Azariah pagkatapos niyang mapalayas sa Garden of Eden? Saka uminom din po ba kayo ng dugo ni Ishmael?" deredrecho na tanong ni Jade.

Bibigyan ko sana ng linaw ang mga katanungan ni Jade, pero si Raphael mismo ang sumagot sa tanong niya.

"Vasi is the power from the Creator. The exact opposite of Karan or the power of darkness. The Shadow Spirits are also called Karan in ancient tongue. Clear?" bulong ni Raphael kay Jade.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon