Jade Cardwell
FROM Barcelona, we took the high-speed train to the city of Madrid. Gusto ko sana umikot dito sa Spain central capital, pero mukhang ayaw ni Raphael dito sa dahil maraming tao.
Ang next namin na destination ay sa Toledo, Spain. Isang city at municipality na may cobblestone streets at ancient cathedrals. Pagkatapos nito ay pumunta naman kami sa Valencia, Spain na malapit sa east coast.
"I am sure magugustuhan mo ang next natin na destination," sabi ni Raphael as he put his arms around my shoulders.
"Basta kasama kita, masaya na ako."
"Anong sabi mo?"
"Wala! Ang sabi ko, saan po ang next destination natin, Master?"
Hindi ko inaasahan na biglang tatawa si Raphael dahil sa sinabi ko. My heart jumped at the mere sight of him laughing, though hindi ako maka-relate kung bakit siya tumatawa.
Dahil ba tinawag ko siyang, Master?
"Anong nakakatawa, Master?" inis kong tanong sa kanya.
"Nothing. You just reminded me of someone."
"What? May tumatawag sa'yo ng master? Are you into some sort of BDSM?"
"You are reading too much of Christian Grey stuffs. Wala akong alam sa mga ganyang erotic practices or role playing. Naaalala ko lang ang kapatid ko. Master din ang tawag niya sa akin."
"Ngayon ka lang nagsabi tungkol sa pamilya mo. Akala ko forbidden topic ang tungkol sa family mo."
"I will introduce you to them in the right place, at the right time."
"Palagi mo sinasabi 'yan pero kahit isang anino ng family members mo, hindi ko pa nakikilala."
"Naalala mo ba ang babae na owner ng Addison Cafe sa Maple Street?"
"The gorgeous woman with curly hair? If I remember correctly, binigyan niya tayo ng free latte at cakes. At naalala ko din na nakikipag harutan ka sa kanya."
"Her name is Addie. Older sister ko siya. Beautiful, and yet hard-headed tulad mo. Magkakasundo kayo."
Napatingin ako ng bigla kay Raphael dahil sa revelation niya. Addie has a flawless tanned skin, parang isang beauty queen from South America, samantalang si Raphael naman ay may fair complexion. Ang layo ng histura nila sa isa't isa. Hindi sila mukhang magkapatid.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin na ate mo pala ang may-ari ng Addison Cafe?"
Teka, bakit hindi niya ako ipinakilala bilang girlfriend niya? Hindi ba ko deserving na girlfriend para ipakilala sa pamilya niya?
"I will formally introduce you to her someday," sabi ni Raphael with his assuring smile.
"Akala ko naman nakikipag landian ka sa kanya! Tapos malalaman ko na ate mo pala 'yon? Amazing ka talaga, Raphael," I sarcastically answered him.
"Just so you know, kilala ka ni Addie. Alam niya na girlfriend kita. She knows everything about you."
"You both know everything about me? She probably knows me more than I know myself! Nasa genes nito ba ang shadow stalking?"
"Wag ka na magalit. Nandito na tayo. You will love it here," sabi ni Raphael as he disregarded my tantrums.
Isang malaking sign na Bio Park Valencia ang tumambad sa akin. Isang colossal zoo na maraming animals, pero unlike an ordinary zoo, walang cages dito. The animals can freely interact with each other as if they are on their own habitat.
"Paano mo nalaman na gusto ko ng zoo?" mahina kong tanong kay Raphael habang papasok kami sa Bio Park.
Alam niya siguro na mahilig ako sa aso, pero never ko pa nabanggit sa kanya na gusto ko pumapasyal sa mga zoos. Noong bata pa ko, zoo ang palaging pinupuntahan namin ng parents ko. Kahit high school na ko, naging isang family event ang pagbisita namin ng zoo sa loob at labas ng bansa.
I suddenly missed my mom and dad. Sana kasama ko sila ngayon dito sa Valencia, Spain with Raphael.
"Hey, love. Don't cry," Raphael said as he cupped my face.
Napansin siguro niya na parang iiyak ako. I can't help, but to feel empty and alone kapag naaalala ko ang parents ko.
"Raphael, salamat at dinala mo ko dito."
"Kahit ano gagawin ko maging masaya ka lang. Huwag ka na umiyak. Magagalit ang mga kapatid mo kapag nakita ka nila umiiyak."
"Wala naman akong kapatid ah?"
"Meron, 'yong mga animals na nasa loob ng zoo," biro sa akin ni Raphael.
"Not funny!" sagot ko sa kanya as I pout my lips.
"You don't find me funny anymore?" he asked as he grabbed my waist towards him ang hugged me.
"Bakit clown ka ba---"
Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko na dahan dahan na naman hinahalikan ni Raphael ang leeg ko. He even bit my ear gently as if seducing me.
"Itigil mo 'yan, Raphael. Ang daming tao sa zoo."
"Hmmmm? Stop what?" he asked as he continuously kissed my ear.
"Itigil mo ang kakahalik sa tenga ko. Baka mauwi tayo sa kung saan."
Biglang tumigil si Raphael na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit para siyang namutla nang sinabi ko na mauuwi kami sa kung saan. He is so charming one second and frigid after another.
"Don't get me wrong, Raphael. Gusto ko kapag close at sweet ka sa akin. It is just my brothers and sisters may not approve our public display of our affection."
"They will approve it, love. I am the best man for you. Let us go, they are waiting for you."
Buong araw kami namasyal sa loob ng zoo. From Valencia, we moved to Ronda, Spain. This spectacular town is perched near the El Tajo gorge. Para akong napunta sa isang ancient medieval town.
Pagkatapos namin dito, ang last stop ng Spanish tour namin ay sa ciudad na tinatawag na Seville.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...