Jade Cardwell
Tatlong buwan na pala ang lumipas at wala akong ka-alam alam sa mga nangyari. Tatlong buwan na pala na hindi ko kasama ang anak ko. Tatlong buwan na pala ako iniwan ni Amadeus.
It seems that my son was delivered when I was seven-month pregnant. And it looks to me that Amadeus planned to kidnap my son all along.
Kaya pala sabi niya sa akin na malaya ako makakaalis noon sa Amethyst pagkatapos ng isang taon. Kukunin pala niya sa akin ang anak ko.
Hindi tulad ng barko na Amethyst, malaya ko magagamit ang aking Vasi sa bahay ni Amadeus pero binalaan niya ako na ang paggamit ko nito ay pwedeng malaman ng mga Endorian Witches.
Using my Vasi is like giving them a signal where I am currently located.
Dahil sa pagtitiwala ko kay Amadeus, hindi ako gumamit ng Vasi. Hindi ko din nagawang kontakin si Raphael. Hindi ko alam na may itinatago pala na balak si Amadeus na kunin ang susunod na Vessel ng Immortal Blood.
Ahaziah joined me as I traveled back to Fordbridge. It seems that Amadeus returned my dogs to the Lancaster mansion before leaving me behind. I used my Vasi to restore my strength. Kung wala akong Vasi, malamang ay hindi pa rin ako makakalakad sa ngayon.
"Do you want me to contact George right now?" tanong ni Ahaziah sa akin nang makauwi ako sa bahay namin.
Hindi ko alam kung kasabwat siya ni Amadeus, pero tingin ko ay wala din siyang alam kung nasaan ito. Kahit si Alvienna ay hinahanap si Amadeus.
"I just want to be alone. Thank you, Ahaziah."
Nang umalis si Ahaziah, binuksan ko muli ang tablet na ibinigay niya noong isang araw sa akin. May mga naka-save na videos dito ng isang batang lalaki. Marahil ay videos ito ng anak ko para makita ko.
"Ano ito, Amadeus? Pampalubag loob? I don't even know my son's name!" humihikbi na sabi ko habang hinahaplos ang screen ng tablet.
Nakatulog ako sa kama dahil sa sobrang pag-iyak at nagising na lang ako nang maramdaman ko na may humahaplos ng buhok ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakaupo na sa kama ko si Raphael. Pinagmasdan ko si Raphael dahil tila may kakaiba kay Raphael. Parang bahagyang Vasi na lang ang nararamdaman ko mula sa kanya.
"How did you know that I am here---"
"The Shadow Spirit Ahaziah dared to approach me. He is worried about you. He explained what happened. I am sorry, Jade. Wala ako sa tabi mo noong nagbubuntis ka. Wala ako para protektahan kayo ng anak natin."
Niyakap ko lang si Raphael at humagulgol ng iyak. Ang sakit na hindi ko man lang nakita ang anak ko. Mas masakit na hindi ko man lang siya nahawakan o nayakap man lang. Pero ang pinaka masakit sa lahat ay ang pagtataksil na ginawa sa akin ni Amadeus.
I trusted him and he betrayed me. I should have not trusted a Shadow Spirit from the start.
"We will find our son. Sa ngayon, magpalakas ka muna. You look thin and fragile," sabi ni Raphael habang hinahaplos ang ulo ko.
"Raphael, saan natin hahanapin si Amadeus? He has a ship that cannot be detected by any satellites. Imposible na mahanap natin siya."
"We will not find him. We just have to map every place on earth where there is neither Karan or Vasi. Once we locate the void, we will be able to find the Prime Guardian."
It is an impossible plan, but still a plan.
Alam ko na makapangyarihan ang mga Lumine Swords at ang mga Divine Spirits, pero duda ako mahahanap namin agad si Amadeus. Sa loob ng ilang buwan na pagkakakilala ko sa kanya, alam ko na marami siyang back-up plan. Sigurado ako na sumagi na din sa isip niya ang plano ni Raphael.
Sa loob ng ilang araw, hinahanap namin ang anak ko. Ang tatlong Protectors na si Eleazar, Chase at Addie naman ay naglalakbay kasama namin para gamitin ang kanilang Vasi para pagalingin ang mga tao na napuno ng Karan. Mukhang tama si Amadeus. Ginagamit ng mga Endorian Witches ang kasamaan ng tao para mag-harness ng Karan.
We learned our lesson well. Hindi kami naghihiwa-hiwalay kahit anong mangyari. Kung may pupuntahan man kami na lugar, kaming lima ay magkakasama.
"Maybe the Prime Guardian wants to utilize the Vasi of your son to create an ultimate weapon that will kill him," sabi ni Addie habang nasa loob kami ng private plane papunta sa isang bayan sa Bhutan.
"He is just a baby, Andreia. Raphael still has some healing powers. He is still the Vessel of the Immortal Blood. Baka hindi pa ganoon kalakas ang anak nila ni Jade. Remember, he will just be considered a Vessel once he reaches his twenty third birthday," dagdag ni Chase.
"Jade is a Protector, an immortal one. I think their hocus pocus created a super powerful baby," biro ni Addie sabay kindat sa akin.
Kapag naalala ko ang anak ko, binabalot ako ng lungkot. The Protectors are always there to cheer me up. They vowed to find and to protect my son.
Gusto ko magalit kay Amadeus dahil iniwan niya ako at tinangay niya anak ko, pero kahit bahagyang galit ay hindi ko magawa sa kanya.
Bakit hindi ko magawang magalit sa'yo Amadeus? I should hate you to the fullest as you took my son and betrayed me. I am in pain, but I can't seem to hate you...
***
Tapos ko na po ang The Immortal Blood. Mas mabilis na po ang update.
Sana po ay huwag niyo po kalimutan mag-vote/like sa mga chapters ^.^
Salamat po sa mga comments.
Dahil po sa inyo, na-inspire akong matapos ang story na ito.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...