CHAPTER 38 - CONCUSSION

1.9K 85 1
                                    

Jade Cardwell


PAGBALIK ko sa loob ng opisina ay hindi na nagtanong si Samantha kung ano ang pinag-usapan namin ni Raphael. Kahit hindi niya sabihin, mukhang excited siya para sa aming dalawa. Alam ni Samantha na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin ang lalaking 'yon.

I was about to log off my computer when Raphael suddenly knocked on the door of our office room.

"Hihintayin kita sa basement parking lot," maikling sabi ni Raphael bago tuluyang umalis.

Kulang na lang ay mahulog ang panga ni Samantha at ni Shad dahil sa sinabi ni Raphael.

"Nagkabalikan na ba kayo?" tanong ni Sam sa akin habang nagliligpit ako ng gamit.

"Teka lang ha? Anong nagkabalikan? Ex mo si Sir Raphael?" gulat na tanong ni Shad.

"Ex-boyfriend ni Jade si Raphael noong high school. Our big boss left her without even saying goodbye," paliwanag ni Samantha.

"Wow naman! At wala kayong sinabi sa akin? Walang nag-inform sa akin na may past ang friend ko at ang boss ko? Thanks guys!" inis na sabi sa amin ni Shad.

"Tapos na 'yon, Shad. Bata pa ako noon. Friends na lang kami ni Raphael.


Friends? We are not even friends right now!


"Dinurog ba ni Raphael Lancaster ang puso mo? Naku, Jade, huwag mo na balikan si Raphael dahil mahihirapan ka lang. Marami ka magiging kaagaw sa kanya," sabi ni Shad.

"Naku, Jade. Huwag mo pakinggan si Shad dahil bitter 'yan. Sigurado ako na magpapaliwanag sa'yo si Raphael. I know him, I know his family. They are good people," Sam defended Raphael with a smile.

"Lancaster ang last name ni Raphael. Related ba siya kay Doctor Chase Lancaster?" tanong ni Shad.

"Yep, kuya niya si Chase."

"Kaya naman pala para kang attorney ni Raphael kung i-defend mo siya. Teka, paano nga pala ang dinner reservation natin mamaya? Birthday ni Jade ngayon ah? Don't tell me that you have a birthday date with your ex-boyfriend? Ex before friends?" inis na sabi ni Shad.

"Cancel mo na ang dinner natin, Shad. Pwede naman tayo mag-dinner next time. Bigyan muna natin ng chance ang pagbabalik ni Raphael sa buhay ni Jade," nakangiti na sabi ni Sam.


Hindi ko binanggit kay Sam kahit minsan ang tungkol kay Raphael. His memory is constantly cutting a big part of me. Ayoko din ibahagi sa kanya ang mga sakit dahil ayoko din na maging masama ang tingin niya kay Raphael. Kahit sinaktan ako ng lalaking 'yon, hindi ko ata kaya na maging isang kontra bida siya sa mata ng ibang tao.

Nagmamadali akong lumabas ng opisina at sumakay sa elevator pababa sa basement parking lot. Pagbukas ng elevator door, nakita ko na agad si Raphael na nakasandal sa kanyang black Lamborghini Murcielago sports car.

His sleeves are already folded, which make him looks more casual. This man never failed to take my breath away.

Binuksan niya ang passenger seat at nagmadali akong pumasok bago pa niya mapansin ang namumula kong pisngi. Baka masyadong obvious na naman na kinikilig ako dahil sa kanya.

"Ipapakilala kita sa mga tao na magbibigay liwanag sa lahat ng katanungan mo," sabi ni Raphael at tumango lang ako.


Napuno ng katahimikan ang loob ng kotse ni Raphael, pero mas mabuti na ito dahil wala akong mahagilap na sasabihin sa kanya. I can see from my peripheral vision that he is glancing at me from time to time.

Interesado ba sa akin si Raphael? Gusto ba niya makipagbalikan sa akin?

Bigla ko na naman naalala ang babae sa vision ko kanina. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Raphael ang mga bagay na 'yon, pero mukhang mahal nila ang isa't isa base sa nakita ko.

"I did not leave you behind, love. I looked after you, even from afar," he said without looking at me.

"I don't care anymore. You left me and you ruined me. There is no going back from that damage," I answered in a harsh voice.

"If I can change the past and undo the pain I had caused you, I will," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Try mo bumili ng time machine. We can go back to the time that we were just plain strangers," sagot ko sabay hablot ng kamay ko palayo sa kanya.

"You look different now. You are more exquisite now than the last time I saw you. I can't believe that you will grow up to a beautiful woman."

"Stop it, Raphael. You can't enthrall me with your charms anymore."

"You really hate me, huh?"

"No, I don't hate you. I just don't care about you anymore and I don't want to invest in any kind of emotion to you."

Alam ko na masakit ang mga binitawan ko na salita kay Raphael, pero hindi niya ko masisisi. Masyado ako nag-suffer nang iniwan niya ko.

He broke me into miniscule pieces and I cannot even put myself back together.

Naputol ang usapan namin ni Raphael nang biglang may lumitaw na babae sa harapan ng kotse at muntik na akong mapasigaw dahil nabangga namin ito. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at lumabas ng sasakyan.

To my astonishment, there is no one in front of the car. Sigurado ako na may nabangga kami ni Raphael dahil medyo malakas ang pagkatama ng babae sa hood ng sports car.

Raphael followed me and I can hear him mouthing profanities. He checked the car and the surroundings, but no indications that anyone was there.

Habang iniikot namin ang paningin namin ay biglang lumitaw ang isang babae sa harapan ko. The same killer ghost who tried to kill me years ago.


Just like a movie scene on replay, the same scenario is now unfolding in front of me. She instantaneously grabbed my throat. I gasped as I continue to struggle for air. Within seconds, I can no longer feel my feet on the ground as she raised me higher. With her superhuman strength, mabilis niya akong hinagis palayo at tumilapon ako ng ilang metro mula sa kotse ni Raphael.

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko at pagkahilo dahil sa impact ko sa sementadong daan. Kitang kita ko din ang pagpatak ng dugo mula sa ulo ko. I am sure that some of my bones are either broken or dislocated.

Pakiramdam ko ay parang nawawalan na ako ng malay, pero nakita ko si Raphael na may hawak na isang kutsilyo na may dugo. Sa isang kisap mata, biglang naglaho ang babae.

Hindi katulad noon na parang apparition ang killer ghost, meron na itong physical body dahil hawak niya ang kanyang tiyan na puno ng dugo. Sigurado ako na sinaksak siya ni Raphael.

"Hey, love. Hold on," Raphael scooped me in his arms and put me back inside his car.

"Raphael, malaki ang sugat ako sa ulo. Kailangan mo ko dalhin sa hospital---"

"Mas ligtas ka sa bahay namin."

Pinatakbo ni Raphael ang kanyang sports car na sobrang tulin. Akala ko ay papawian ako ng ulirat, pero nakapagtatakang tila nawala lahat ng sakit na naramdaman ko sa mga oras na ito.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon