Jade Cardwell
PAGKATAPOS ng passionate incident ko with Raphael, he insisted na siya ang maghahatid sa akin palagi sa school. Para tuloy nagkaroon ako ng instant driver. Paglabas ko ng bahay, nakasandal na si Raphael sa kanyang red sports car.
"Raphael, malapit lang naman ang school sa bahay namin. Pwede na naman akong mag bus. Hindi mo kailangan pumunta dito tuwing umaga," sabi ko habang binubuksan niya ang pinto ng kotse niya.
"I do not have the whole day to argue with you, love. Get inside."
Magpo-protesta pa sana ako, pero nginitian lang ako ni Raphael. His smile sends flutters in my stomach.
Unfair ka! Ginagamit mo ang ngiti mo para makuha ang gusto mo!
"Hindi mo naman kailangang gawin ito. Ayokong maging pabigat sa'yo," mahina kong sabi sa kanya habang nasa loob ng sasakyan.
"Mag-aaway pa ba tayo kung alam mo naman ako pa rin ang panalo?"
"Pero Raphael---"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa'yo? I told you that I want to take care of you. Tinawagan ko pa ang si Angelo at humingi ng permiso para maging taga sundo at taga hatid mo."
"What? Tinawagan mo si Uncle Angelo? Anong sabi niya? Pinagalitan ka ba niya?"
"He is actually nice, I like him. He even gave me his blessings. He's happy for you, for both us actually. In other words, boto sa akin ang Uncle Angelo mo kaya wag ka na umangal. Wala ka din naman magagawa."
I just looked at Raphael. He seems to be genuinely concern for me, pero pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin.
Something more than what meets the eye...
"It is rude to stare, love. Kung gusto mo ko tikman, magsabi ka lang," he said without glancing at me.
"Tikman agad? Hindi ba pwedeng na-appreciate ko lang ang mga ginagawa mo para sa akin."
"You can show your so-called appreciation in a different way," sabi ni Raphael sabay kindat sa akin.
I don't know what he means, but a flush of embarrassment rose to my cheeks. Palagi ako speechless kapag kasama ko ang lalaking ito.
Pagdating namin sa school, pinagbuksan niya ko ng pinto na parang isang perfect gentleman. Wala na naman akong choice kundi mamula dahil sa ginawa niya.
"Magkita tayo dito sa parking lot pagkatapos ng class mo. Don't be late, baka ma-miss kita agad," sabi niya sabay hablot sa braso ko papalapit sa kanya.
Huli na nang mapagtanto ko na hahalikan ako ni Raphael sa labi sa harapan ng napakarami na estudyante. Kahit quick kiss lang ang nangyari, sigurado ako na marami ang nakakita sa amin.
Nagising lang ako from my dreamy state nang makarinig ko na may tumatawag ng pangalan ko. Hindi ko din inaasahan na babanggain ako ni Katrine, isa sa mga cheerleaders ng school. Sa totoo lang, inaasahan ko na ito dahil bitchera ang mga nasa cheerleading team.
"Are you a witch? Don't tell me na gumamit ka ng gayuma para akitin si Raphael Lancaster," sabi ni Katrine sabay tulak sa akin.
"Katrine, ayoko ng gulo."
Fuck off ugly bitch!
I wish may lakas ako ng loob sabihin sa mukha niya ang mga salitang 'yan, pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na katulad nila. Kung kayang iwasan ang mga confrontations na tulad nito, gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...