CHAPTER 97 - PORTAL

1.1K 74 9
                                    

Jade Cardwell


Pagmulat ng mga mata ko, nakatingin na sa akin si Raphael. May ideya na siguro siya na nagkaroon ako ng pangitain. Hindi katulad ng ibang mga Protectors na nakaka-absorb ng visions, ang pangitain ko ay mas realistic na para bang nakakapunta ko sa nakaraan kung kailan nangyari ang pangitain.

"Jaden Jasper. His name is Jaden Jasper. Jaden is from my name and Jasper is from another gemstone," sabi ko kay Raphael.

"Who is Jaden---"

"Our son. I saw him in a vision and he is with Amadeus, but is no longer a baby. Isa na siyang teenager na lalaki. How is that possible?"

"Maybe you have seen a futuristic vision."

"Does it mean na taon ko pa bago makita ang anak ko?"

"I don't know, love. I can see that you have trusted the Prime Guardian. He took care of you during your pregnancy. I am hoping na hindi niya sasaktan ang anak natin. We should talk to Eleazar. He knows how to deal with this kind of Vessel-related shits."

Lumabas kami ng kwarto at sinabi ko kay Eleazar ang pangitain ko tungkol sa batang si Jaden Jasper. May pakiramdam ako na hindi ito isang futuristic vision.

"You are an immortal Protector, Jade. It is possible that your son's growth is enhanced by the tremendous amount of Vasi in him. He is only four-month old, but his mental and physical attributes corresponds to a teenager. Ito din siguro ang dahilan kung bakit mabilis ang pagkahina ni Raphael. Nawawala na sa kanya ang kapangyarihan ng Immortal Blood," sabi ni Eleazar.

Sabay sabay kami lahat napatingin kay Raphael dahil sa pagkagulat. Noong una ko makita si Raphael pagkabalik ko ng Fordbrige, napansin ko na agad na bahagya lamang ang kanyang Vasi. Buong akala ko ay nanghihina lamang ako, pero mukhang tama si Eleazar.

"At this rate, Jaden Jasper will soon become the new Vessel of the Immortal Blood. And you Raphael will completely lose your immortality."

"Old man, masyado na ko matanda. I should be thankful that I have met the Fourth Protector in my lifetime," sabi ni Raphael sabay pisil ng kamay ko.

Nag-land ang private plane ni Eleazar sa isang city sa Bhutan. Mula dito ay isinakay kami ng chopper papunta sa isang bayan na malapit na sa Greater Himalayas.

"According to my sources, Amadeus was last seen here in this town. He stayed here for a couple of days and he left earlier this morning. He has a companion. A young teenage boy," sabi ni Eleazar sa amin habang nasa loob kami ng isang maliit na bahay na kanyang inupahan.

"Do you think he is with Jaden Jasper?" tanong ni Addie sa kanya.

"If that is the case, then Jade saw a real time vision. Jade, what do you think triggered this vision?" tanong naman ni Chase sa akin.

"I was kissing her when the vision happened. I guess I have to kiss her more often," nakangiti na sagot ni Raphael.

"Bakit po kaya nandito si Amadeus? Si Jaden Jasper kaya talaga ang anak ko? Hindi ba sa movies like 'yong may mga anak na biglang lumalaki ng mabilis? Hindi dapat ganun sa case ng anak ko dahil hindi pa siya Vessel ng Immortal Blood."

"Raphael has only a scant amount of Vasi in his body. I think your son is now officially the Vessel of the Immortal Blood in his young age," paninigurado ni Eleazar.

"Any idea po kung anong gagawin ni Amadeus dito?" tanong ko sa kanya.

"I have no idea. This place is remotely related to any Vessels, Divine Spirits and even the Endorian witches. The chopper is on stand-by. We can still try to track them. Take a look at these pictures for me, Jade," sabi ni Eleazar at ibinigay sa akin ang ilang mga photos.

Akala ko ay mga Bhutan postcards ang mga ito, pero mukhang mga photos ito ng mga mountain scenic views dito sa Bhutan. Ang isang picture ay pamilyar kung saan may overlooking valley na may ilog. Tanaw din sa picture ang mga ice-capped mountains ng Himalayas.

"Eleazar, this is the exact place that I have seen in my vision. Tumalon mula dito sa cliff si Amadeus kasama si Jaden Jasper. Huminto sila sa paanan ng isang bundok."

"Maituturo mo ba kung saan ang isang location kung saan sila huminto?"

'Yeah, I think so. Kakaiba ang kulay ng mga batuhan sa lugar. Sa malayo, mukha itong normal rock formation pero nang lumapit sila Amadeus, karamihan pala sa mga ito ay parang mga itim na bato."

"Glossy black with some sort of glittery substance?"

"How did you know po---"

"Ganyan ang hitsura ng kweba kung saan unang nagmula si Amadeus. There are no traces of Karan in this area. Hindi ko alam kung ano ang tinatago ng Prime Guardian sa lugar na 'yan. I guess we have to go there to find out."

Sumakay kaming muli sa chopper at dinala kami sa lugar na nakita ko sa pangitain. Bumaba kami malapit sa ilog at naglakad kami papunta sa paanan ng bundok kung saan may mga itim na bato.

"Hinawakan ni Amadeus ang part na 'yan at bigla silang lumagos ni Jasper Jaden papasok sa loob," sabi ko sa kanila sabay turo sa steep wall ng bundok.

Sinubukan hawakan ito ni Chase at ni Addie, pero walang kahit anong nangyari. Kahit kami ni Eleazar ay sinubukan namin hawakan ito, pero walang pagbabago na naganap. Sinubukan namin gamitin ang aming Vasi, pero wala din itong effect.

"Raphael, bakit hindi mo subukan itong hawakan? Sa pagkakaalala ko ay si Jaden ang humawak dito sa pangitain ko," sabi ko sa kanya at sinunod naman niya.

Biglang nagliwanag ang kamay ni Raphael nang dumampi ito sa bato. Tulad sa nakita ko, nagkaroon ng parang portal sa bundok. Sabay sabay kaming pumasok para malaman kung ano ang pakay ni Amadeus dito at para malaman kung si Jaden Jasper nga ba ang anak namin ni Raphael.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon