CHAPTER 39 - HOUSE

2K 95 3
                                    

Jade Cardwell


RAPHAEL's house is located in one of the most exclusive subdivisions in our town. Dito din naninirahan si Sam Durham, ang anak ng mayor namin.

Tulad ng inaasahan ko, malaki ang bahay nila Raphael. The interior has a modern design with stark white and gray theme. From the painted walls, fixtures, to the tables and sofa chairs, the house itself is an embodiment of sophistication.

Binuhat ako ni Raphael at ibinaba sa ibabaw ng isang malaking gray sofa chair. Pinunasan niya ang dugo sa ulo ko gamit ang kanyang panyo.

Biglang dumating ang isang matangkad na lalaki na may blonde hair. He remind me of Ethan, both are extremely handsome with a boyish aura.

"Raphael, anong nangyari?" nag-aalala na tanong ng lalaki sabay lapit sa akin para tignan ang sugat ko.

"Jade, this is Doctor Chase Lancaster, my older brother."

Kilala ko ang lalaking ito dahil isa siya sa mga resident doctors sa Fordbridge Medical. Years ago, nagkaroon ng car accident si Samantha Durham at si Chase mismo ang nag-assist sa kanya. Simula noon, naging ultimate crush na niya si Chase Lancaster.

Buong akala ko ay kay Raphael interesado si Sam kaya siya bumisita sa bahay nila. Kay Chase Lancaster pala nahuhumaling ang kaibigan ko.

"Dadalhin pa ba natin siya sa hospital" natatawa na tanong ni Raphael kay Chase.

"She has a deep head wound, few lacerations and some broken bones. I am not sure why she did not lose her consciousness. Did you heal her?"

"Enough to ease her pain."

Heal me? May kakayahan si Raphael na pagalingin ako? Kaya ba wala akong naramdaman na sakit habang nasa loob ako ng kotse niya kanina?

Gusto ko sana magtanong pero biglang dumating ang isang babae, si Addie Lancaster, ang older sister ni Raphael. Naging kaibigan ko na din si Addie dahil sa part time job ko sa Addison Cafe. Nang makita niya na may dugo ang damit ko ay bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Raphael, anong nangyari kay Jade?" nag-aalala na tanong ni Addie.

Kumuha agad siya ng wet towels para linisin ang mukha na puno ng dungis at galos. Surprisingly, wala akong masyadong maramdaman sa sakit hanggang ngayon.

"We encountered the specter," sabi ni Raphael at ipinaliwanag niya kung paano biglang lumitaw ang killer ghost sa harapan ng kotse niya kanina.


Pinagmasdan ko ang tatlong tao na nasa harapan ko. Chase is tall with blond hair, parang isang European or American. Addie, on the other hand, looks like a Latina beauty queen with long brown curly hair. Si Rafael naman ay matangkad at maputi, pero all black ang kanyang buhok. Hindi sila mukhang magkakapatid.

Lumapit sa akin si Addie at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na parang may importante na sasabihin sa akin.

"Jade, may gusto sana kaming sabihin sa'yo. Kung meron ka man na katanungan, sasagutin namin lahat 'yon," sabi ni Addie sa akin.

"First question, magkakapatid ba talaga kayong tatlo?" tanong ko sa kanila.

"Yes, but not really," nkakangiti na sagot ni Addie.

"Ang ibig sabihin ni Addie, we do not have the same parents, so we are technically not brothers and sisters, and yet the same blood runs through each and every one of us," dagdag ni Raphael.

"Wow, that is not confusing at all. I perfectly understood it," I sarcastically said.


What is with these beautiful people? Pinaglalaruan ba nila ako parang si Raphael?


"Raphael, may sugat pa si Jade sa ulo. Medyo marami na ang nawalang dugo sa kanya. Would you like me to heal her now?" nag-aalala na tanong ni Chase kay Raphael nang mapansin niya na may pumapatak pa na dugo mula sa ulo ko.

"Let us wait for him. He knows what to do."

"Heal me? Teka lang, naguguluhan na ko! Raphael, can really heal me? Are you capable of healing, magic and visions? Baka naman ghostbusters kayo na pumapatay ng mga ghostly apparition?"

Nakangiti lang silang tatlo sa akin na parang natutuwa sa confusion ko. Ito na ata ang sinasabi ni Raphael noon na right time para ipaliwanag sa akin ang lahat.

"Jade, what we are about to tell you will completely change your life. Let me ask you, do you believe in angels and demons?" tanong sa akin ni Chase Lancaster.

"I haven't seen one, pero kung ang isang killer ghost ay considered na demon, then the answer is yes."

"Do you know the story about the fallen angels?" dagdag na tanong niya.

"Medyo familiar naman ako dahil napag-aralan ko na ito. Some powerful angels were forced out of heaven during the rebellion. They lived here on earth for hundreds of years and some even had children with humans called Nephilim. Sabi ng iba, the Great Flood eliminated them, pero hindi ko din sigurado kung nabubuhay pa sila ngayon. Teka, huwag niyong sabihin na fallen angels kayo?" tanong ko sa kanila na nagpatawa sa kanilang tatlo.

"Impressive. How about demons? What did you research about them?" tanong uli ni Chase as if nasa interview portion ako.

"Evil spirits possessing human body are believed to be demons. Ang mga fallen angels daw ay considered na demons. I watched a lot of seasons of Supernaturals. Believe me, they are just creative stories."

"Then, how will you explain the ghost that tried to kill you. Not only once, but twice?" tanong uli ni Chase sa akin.

"Hindi ko din alam. Sinubukan ko mag-research tungkol dito pero hindi ko alam kung bakit gusto niya ko patayin. Alam ko na may explanations si Raphael kung anong nangyari sa akin, pero imbes na magpaliwanag, iniwan niya lang ako."

"Ako ang unang magpapaliwanag sa'yo kung ano talaga ang nangyari. Be open-minded, Jade. What you are about to hear and see will be difficult to believe," sabi ni Chase sabay hawak ng balikat ko.

Tulad nang nangyari kanina sa office, tila nagkaroon ako ng vision tungkol sa kanilang nakaraan. Nauna magpakilala si Chase at sumunod naman si Addie. They narrated their stories and I was left with bewilderment.

For the next few minutes, I was able to travel back to a world that can only exist in fantasy stories.

A world where there is a constant battle between good and evil.

A world that I never ever thought I would be part of.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon