CHAPTER 37 - VISION

2K 92 1
                                    

Jade Cardwell


"SIT. Did I ask you to leave?" galit na utos sa akin ni Raphael

"Tinatanong kita kung may kailangan ka, hindi ka naman sumasagot," sabi ko sa kanya at hindi ko na itinago ang galit sa boses ko.

Raphael just sighed, his signature impatient move. Binuksan niya ang desk drawers niya at ibinigay sa akin ang ilang brown folders.

Pagbukas ko ng folders, nandoon ang mga litrato ko noong bata pa ko hanggang noong grumaduate ako ng highschool pati noong college. It is like a photo album of my life is unveiling in front of me.

Ang huling folder ay may laman na litrato ng French airline carier na nagcrash sa French Alps. This is the same plane that took the life of my parents.

"Saan mo nakuha ito?" tanong ko sa kanya.

Kahit sa media ay hindi lumabas ang mga ganitong litrato ng plane crash. Kahit si Uncle Angelo ay hindi nagkaroon ng kopya nito.

Hindi ko na namalayan na unti unting tumutulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang naging huling hantungan ng mga magulang ko. Sa matinding pagkabagksak ng eroplano, malabo na magkakaroon ng survivors dito. I just hope that they did not suffer in their last moment.

Nang mapansin ni Raphael na humihikbi ako ay bigla niya muling hinawakan ang kamay ko. This time, his hands glows with light. Pagtingin ko sa kanya, napansin ko na napapalibutan siya ng glowing soft light as if isa siyang divine being. Kahit ang mata niya ay tila naging kulay gold.

In a split second, I saw several images flooding my eyes. Para akong nagkakaroon ng instant vision, mga pangitain kahit ako ay nakadilat.

Sa vision ko, nandoon ang killer ghost na gustong pumatay sa akin noon, pero hindi na nakakatakot ang mukha niya. Mukhang ito ang hitsura niya noong tao pa siya.

Her eyes are no longer red and her beautiful black hair is flowing at her back. I almost gasped when I saw Raphael in my vision. Yakap niya ang babaeng ito na parang isa silang intimate lovers.

"Jade..."

Ang boses ni Raphael ang nagpabalik sa akin mula sa vision. I blinked twice and everything was back to normal. Nandito na ulit ako sa loob ng kanyang opisina.

"What the fuck happened? Paano mo nagawa 'yon?" nagtataka kong tanong kay Raphael.

Sino ba ang babaeng nasa vision ko? Bakit para silang lovers ni Raphael? Ang killer ghost ba ay ex-girlfriend ni Raphael kaya niya ko hinahabol?

Sa vision na nakita ko, mukhang in love ang babae at si Raphael sa isa't isa. Kahit vision lang ito, hindi ko maiwasan ang magselos. I felt my heart crushing because of what I have just witnessed.

"I told you before that I will explain everything to you. Meet me after your shift if you still want answers to your questions," sagot ni Raphael sa akin.

"Eto na ba ang sinasabi mong right time? Pagkatapos ng mahigit limang taon? Ngayon lang ang lintek na right time na 'yan?" galit na tanong ko sa kanya.


Halo halo na emosyon ang gumugulo sa akin. Ang muling pagbabalik ni Raphael, ang plane crash pictures, ang vision ng killer ghost na kasama ni Raphael. Lahat ng ito ay parang hinalukay lahat ng galit na ibinaon ko na sa ilalim ng puso ko.

Raphael just sighed and combed his long hair with his fingers.

"Bigyan mo ko ng pagkakataon, Jade. Just give me a chance to explain everything to you and then, you can decide for yourself."

"Hindi ko na kailangan ng explanation mo, Raphael Lancaster. Past na ang lahat tungkol sa atin. I happily moved on without you and without your so-called explanations."

"Did you really move on?" tanong niya habang dahan dahan na lumalapit sa akin.

I can see that he is flashing again his irresistible smile. Wala akong choice kundi ibaling ang tingin ko sa iba bago pa ko matunaw sa nguniti niya.

"Raphael, naka move on na ko sa'yo. In fact, I had a boyfriend after you left me. I loved him, more than I have loved you. You think highly of yourself, Lancaster. Do you think you are someone unforgettable?" sagot ko sa kanya na naka chin up.

"Boyfriend? Are you referring to Shad Carmichael or Ethan Brelsford? Do not be ridiculous, love," natatawa na sabi niya sa akin.

Anong nakakatawa? Hindi ka naniniwala na nagkaboyfriend ako? Feeling mo sa'yo lang umiikot ang mundo ko?

Damn it, Raphael! If you can just tell me that you want me back, then I will run back to you in a snap of your finger!

"Hoy lalake, anong alam mo sa relationship ko? Hindi ba nasa Cape Town, South Africa sa loob ng nakaraang taon?"

"I know everything, Jade Cardwell."


This time, Raphael looks serious. Sa loob ng ilang hakbang, nasa harapan ko na si Raphael. Minabuti ko na tumalikod sa kanya at lumayo.

Marami akong mga tanong sa kanya noon hanggang ngayon, pero pakiramdam ko, the more I ask, the more questions will pop up.

"Kung wala ka ng sasabihin, I will be taking my leave now---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang hinawakan ni Raphael ang braso ko palapit sa kanya. He gently cupped my face and planted a soft kiss on my lips. It was a brief kiss, but enough to unravel the torment that I have been suppressing for too long.

"I will wait for you after your shift," he said in a commanding tone.

Hindi ko dapat hayaan na pumasok uli si Raphael sa buhay ko na parang walang nangyari, pero tumango lang ako sa kanya bilang pag sangayon. Paglabas ng opisina niya, bigla na naman tumulo ang mga luho ko.


Buong akala ko ay naka move on na ko sa kanya. Buong akala ko, manhid na ko sa sakit. 

I was wrong. I am still in love with this despicable man.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon