CHAPTER 29 - BIRTHDAY

2K 88 1
                                    

Jade Cardwell


NATAPOS ang summer vacation at bumalik uli ako sa Fordbridge. Hindi ako naniniwala sa mga charms and crystals, pero ever since na nahawakan ko ang crystal na bigay ni Aunt Rose, parang feeling ko ay palagi akong secured at protected. It is like a memento that someone out there understands me and cares for me.

Lumipas ang taon at inubos ko ang oras ko sa pag-aaral. During my free time, nag-aaral ako ng defense martial arts such as kickboxing, aikido and jiu-jitsu. Naging kaibigan ko din si Ethan at siya mismo ang nagtuturo sa akin ng mga kickboxing moves. Kahit si Christian ay sumasama sa aming practice from time to time kung hindi siya busy sa mga chicks niya. Surprisingly, Ethan and I became close friends.

"To the most beautiful girl in the eyes of the most handsome man in campus," sabi ni Ethan sabay bigay sa akin ng isang long-stemmed pink rose habang nasa ilalim ako ng puno sa loob ng university premise.

"Thank you, Mr. handsome senior student."

"Bakit hindi tayo manood ng movie, later? Just the two of us. Malapit na ang Valentine's Day. Beautiful people like us should have a date in this special day," sabi ni Ethan sabay upo sa tabi ko.

"Don't tell me nakipag-break ka na kay Nadine kaya wala kang date ngayon? Ethan, she is a good catch. Sa pagkakaalam ko, model din siya tulad ni Elle Marie."

"She is nothing compared to you, my precious."

"Gollum, ikaw ba 'yan? Anong ginawa mo kay Ethan?" natatawa ko na tanong sa kanya dahil bolero talaga si Ethan.

"Shut up, baby. Kamukha ko ba 'yong Gollum sa Lord of the Rings? Eh kamukha ko ang next cover ng sexiest man alive magazine eh!"

"You are so---"

"What? Like a seer? Like Nostradamus? I can predict the future, baby. And I can predict that you will say yes to a movie tonight."

"Ethan, sorry hindi ako makakasama sa movie date. May work schedule kasi ako sa cafe after school."

"Settled, baby. Humingi na ko ng permission sa iyong lady boss. Sabi niya, you can take a leave today. That girl is sizzling hot! Good thing my eyes are on you tonight."


Inirapan ko lang si Ethan. Sanay na ako sa mga pang-aasar niya. Though gusto ko talaga siya, unfair naman para sa kanya na magkaroon kami ng relationship kung iba pa rin ang may-ari ng puso ko.

"You're pretty demanding today, handsome. Anong meron?"

"Jade, nakalimutan mo na ba na birthday ko bukas? Magpa-party ako bukas at gusto ko nandoon ka, pero siyempre, mas gusto ko na solo kita ngayong gabi. Ayan ay kung papayag ka lang ka naman kay birthday boy," malungkot na sabi ni Ethan na naka-pout pa ang lips.

"I don't want to appear like I am the villain here, who made the birthday boy cried. So, it is a yes to our friendly movie date."

"Yes? Yeah! I'll pick you up before seven and we can have dinner after. Ok ba sa'yo 'yon?"

"Yes, birthday boy!"

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon