CHAPTER 60 - ISHMAEL

1.5K 86 4
                                    

Jade Cardwell


TULOY tuloy pa rin magkwento si Eleazar sa akin. Si Raphael naman ay hindi umaalis tabi ko kahit medyo masikip na ang wooden bench para sa aming tatlo.

"Si Asharah po na kamukha ng killer ghost, siya ang first love ni Ishmael, pero hindi siya ang Other Half nito. Tama po ba?" tanong ko kay Eleazar.

"Nakilala ni Ishmael si Asharah na taga kabilang village. Maganda si Asharah at tunay na kaakit akit. Minahal siya ni Ishmael, pero hindi sila nagkaroon ng anak. Binalaan ko na si Ishmael noon na maaring hindi si Asharah ang nakatakda para sa kanya,"

"Paano po nahanap ni Ishmael ang Other Half niya?"

"Ishmael had an unexpected injury and broke his ankle. His bones will normally align itself and will quickly heal any swollen parts of his body. However, it took him days before he was able to thoroughly recover from this injury."

"Nagiging tao na po siya?"

"That's right. This means that the next heir of the Immortal Blood will be born soon."

"Paano po ba mahahanap ng Vessel ang kanilang Other Half?"


Sa totoo lang, natutuwa ako makinig sa mga stories ni Eleazar, pero kasabay nito ang pagkadurog ng puso ko. Parang mas lalong tumatanim sa akin na hindi kami talaga ni Raphael sa isa't isa.

"According to Azariah, there should be a "Spark" when the Vessel and his Other Half met. So far, we have no idea what he means. Ikaw, Raphael, may idea ka ba sa spark na sinasabi ni Azariah?" tanong ni Eleazar sa kanya.

"My father told me that I will definitely know the moment I encounter my destined half," nakangiti na sabi ni Raphael sabay akbay sa akin.

"Sino po ang Other Half ni Ishmael?" tanong ko sabay pitik ng kamay ni Raphael para tanggalin ito sa balikat ko.

"Her name is Betheena, a young villager who asked for my help. Naaalala ko pa noon na matindi ang sikat ng araw nang lumapit sa akin si Betheena. Buong akala niya ay ako ang ama ni Ishmael. Nabanggit ni Betheena sa akin na palagi siya nananaginip ng tungkol kay Ishmael."

"Anong klase po na panaginip?"

"Erotic dreams," bulong ni Raphael malapit sa tenga ko.

"Shut up, Raphael. Nag-uusap kami ni Eleazar. Tungkol saan po ang panaginip ni Betheena?" tanong ko uli kay Eleazar.

"Hindi ko na tinanong si Betheena, pero hinawakan ko ang kamay niya para malaman ko kung ano ba ang panaginip niya. Nakita ko ng paulit-ulit ang panaginip na sinasabi niya tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Ishmael. Dahil sa nakita ko, kinausap ko agad si Ishmael at sinabi ang hinala ko. Betheena is possibly the destined bearer of the next Vessel, Ishmael's other half. Raphael, please show Jade what really happened."


Hinawakan ni Raphael ang kamay ko at sa loob ng maikling sandali ay nakakita ko ng visions. Nandoon si Eleazar at ang lalaking kamukha ni Raphael. Para akong nasa loob ng isang makalumang movie scene.

Hinawakan ni Ishmael ang kamay ng babaeng si Betheena at biglang nagdilim ang kalangitan. Thunder and lightning suddenly appeared on a sunny afternoon. When Ishmael released her hand and the dark clouds quickly dissipated.

"Literal na spark po pala ang nangyari. The spark of thunder and lightning like nature is conspiring to tell Ishmael and Betheena that they were meant for each other," malungkot na sagot ko kay Eleazar.

"Huwag ka na magselos, Jade Cardwell. Wala pa naman ang Other Half ko, available pa ko," bulong na naman niya sa akin na naririnig naman ni Eleazar.

"Gusto ko malaman ang tragic love story ni Ishmael at ni Asharah. Wala akong pakialam sa Other Half mo!" inis na sagot ko sabay irap sa kanya.


Ipinagpatuloy ni Eleazar ang pagsasalaysay tungkol kay Betheena. Hindi lang pala si Betheena ang nakaranas ng kakaibang panaginip kundi si Ishmael din. Dahil mahal ni Ishmael si Asharah, ipinagtapat niya ang totoo niyang katauhan dito at kung sino si Betheena sa buhay niya.

Ngunit, hindi ito matanggap ni Asharah. Hindi niya kayang palayain si Ishmael at ibigay kay Betheena. Isang gabi, pinagtangkaan na patayin ni Asharah si Betheena. Napigilan lang ni Ishmael ang mga pangyayari nang magkaroon siya ng panaginip tungkol sa tangka na pagpatay ni Asharah kay Betheena.


"Mukhang si Asharah nga ang killer ghost. May murder attempt pala siya kay Betheena," sabi ko kay Eleazar.

"I am also positive that Asharah is the killer ghost."

Noong una ko makita si Raphael, hindi ko maitatanggi ang kakaibang atraksyon na naramdaman ko sa kanya, pero wala kahit anong spark sa amin dalawa. Walang kulog or kidlat, or kahit nga electrical spark.

"Bakit po ako ang hinahabol ni Asharah? Eh hindi naman po ako ang Other Half ni Raphael?" tanong ko uli sa kanya.

"Who knows, love? What if you are my destined half?" natatawa na tanong niya.

"Very mature, Raphael."

"I just hope the Creator will give me a woman who is not stubborn and violent like you."

Raphael is beginning to annoy me. Hindi man lang niya napapansin na nasasaktan ako tuwing pinaguusapan namin ang tungkol sa Other Half niya.

Sabagay, paano naman niya malalaman na nasasaktan ako? Wala nga siyang pakialam sa akin nang iniwan niya ko.

"To protect Ishmael and Betheena, we left the village as far from Asharah as possible," dagdag ni Eleazar. "This is against Ishmael's wishes, still he did not even complain. He knew his vow to the Creator and he left Asharah without even saying goodbye."

"Pareho pala kayo ni Ishmael. Leaving women without saying goodbye. Ano tawag doon? It runs in the blood?" inis na sabi ko sa kanya at tumawa lang uli si Raphael.

Sa loob ng ilang buwan, nagkaroon ng anak si Betheena at tinawag nila itong Hananiah. Tulad nga ng sabi ni Azariah, dahan dahan na naging tao si Ishmael.

Just like his father, Hananiah grew up as a young boy with a pure heart. When he reached the right age, Hananiah became the sole Immortal Blood heir and Ishmael fully became human again.

"I was able to protect six generations of the Azarian Bloodline. Another six generations lived without any protectors, but it was Raphael who suffered much. Namatay ang kanyang biological parents at nasaksihan din niya ang pagkamatay ng kanyang adoptive father. Nang makita ko si Raphael sa Hawaii, naalala ko agad si Ishmael. They look exactly similar, like identical twins. However, Raphael is hardheaded, while Ishmael is the opposite."

This time, ako naman ang tumawa sa kwento ni Eleazar. Ilang taon ko din nakasama si Raphael at alam ko kung gaano katigas ang ulo nito.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon