CHAPTER 71 - MANSFORTH

1.4K 79 4
                                    

Jade Cardwell


DAHIL sa mga pagsasanay namin ni Eleazar, medyo confident na rin akong kaharapin ang demon sa harapan ko. Bago umalis si Raphael, ibinigay niya ang Gladium sa akin para sa aking proteksyon.

Mabilis kong ginamit ang Gladium laban sa demon na nasa harapan ko, ngunit mabilis itong kumilos at nadaplisan lang ang kanyang long sleeves. Ginamit ko ang lahat ng natutunan kong techniques kay Eleazar sa loob ng maikling sandali ay napaslang ko nilalang na ito.

This is my first demon kill, my first accomplishment as a Protector. Gusto ko sana mag celebrate at puntahan si Raphael, pero nakarinig ako ng dahan dahan na palakpak.

"Finally! The fourth destined protector! Do you know that I have waited this long to finally meet you?"

Paglingon ko sa likuran, nandoon ang isang lalaki na napapalibutan ng itim na aura. Narinig ko rin sa labas ang tunog ng mga clashing metals. Sigurado ako na nakikipaglaban si Eleazar at si Chase.

"If only I can kill you right now, I would," sabi ng lalaki na unti unting lumalapit sa akin.

Tulad ng lalaking nakita ko noon sa waiting shed, kakaiba ang kulay ng mata nito. It is like I am looking at a pair of beautiful deep green gemstone.

Gusto ko sana gamitin ang visions para malaman ko kung sino ang lalaking ito, pero tulad ng sabi ni Eleazar noon, visions from a Shadow Spirit may kill me.

"My brother needs you alive, but he did not exactly say unscathed. He is so amorous about you and I can't envision why."

Itinaas niya ang kamay niya at humagis ako ng ilang metro palayo sa kanya. Tumama ang ulo sa semento at bago pa ko makatayo ng maayos ay pa ulit ulit niya akong ihinampas sa mga cemented walls ng buong kabahayan. Literal ko na naririnig ang pagkabali ng mga buto ko. Kahit ang dugo ko ay bakas na din sa sahig. Duda ako na isang demon ang kaharap ko ngayon.

For the first time, I am facing a Shadow Spirit overflowing with the power of Karan. Fear crawled through me as I realize the creature of darkness for thousands of years corrupted by hatred in front of me.

I focused on my hand and tapped my remaining Vasi. I was surprised to see a gigantic magnitude of light on my palm. Bolts of lightning are now sparkling on my hand. Without thinking twice, I hurled it to him as my body collapsed on the floor.

Mukhang successful ang ginawa ko dahil napansin ko nasunog ang kaliwang bahagi ng kanyang braso. Mas lalo ata na nagalit ang Shadow Spirit sa harapan ko dahil nagsimula itong sumigaw, marahil dahil sa sakit na gawa ng Vasi.

"Abhorrent creature!" galit na sigaw niya sa akin.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa buhok. Kinuha niya ang kanyang itim na espada na kamukha ng Lumine Sword na ipinakita sa akin ni Eleazar. Papatayin na sana niya ako, pero bigla siyang tumigil nang makarinig ng isang boses.

"Alarcus, I remember our brother did ask you to spare this one."

Si Alarcus pala ang nasa harapan ko ngayon. Ang guardian na naging lider ng rebolusyon noong unang panahon. Isa sa tinaguriang pinaka malakas na guardian na nabuhay noon.

Pero sino ang nilalang na kayang mag-utos sa kanya?

Mukhang nawalan na ako ng malay sa mga pangyayari dahil nagising ako sa loob ng kwarto ko sa Lancaster mansion. Si Raphael naman ay natutulog sa katabi kong upuan habang nakapatong ang ulo sa kama ko.

"Hey love, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin nang maramdaman niya na gising na ako.

"Medyo okay na ako. Ilang oras akong nakatulog? Akala ko namatay na ko."

"Almost twelve hours kang walang malay. Sobra ang takot ko kagabi nang makita ko na bitbit ni Chase ang duguan mong katawan. I thought you left me," mahinang sabi ni Raphael sabay halik sa mga palad ko.

"Raphael, wala na akong nararamdaman na sakit. Thank you for healing me. Dito ka ba natulog sa kwarto ko?"

"Pagkatapos ng nangyari sa'yo kagabi, tingin mo iiwan pa kita?"

Nginitian ko lang si Raphael at isinalaysay sa kanya ang lahat ng nangyari pagkaalis nila ni Addie. Binaggit ko din sa kanya ang pagdating ng misteryosong lalaki na tila sumagip sa akin.

"Si Alarcus ang nakaharap ko kahapon at gusto na niya akong paslangin. Salamat na lamang sa misteryosong lalaki na dumating. Tingin ko, gamit na nila ang kanilang original vessels or bodies. Mukha silang mga literal na anghel sa langit. It is like their faces were carved out of perfection. They look like princes from a royal family. "

"Mas perfect pa sa akin?"

"Ikaw lang ang perfect sa mga mata ko, Raphael Lancaster," sabi ko sa kanya na nagpatawa sa amin pareho.

Hindi effective ang pagmomove-on at pagiging bitter kay Raphael. Siguro kailangan ko lang talaga tanggapin na parte na siya ng buhay ko.

"Raphael, alam mo ba ang pangalan ng tatlong Shadow Spirits bukod kay Alarcus?"

"Hindi ko alam, pero ang alam ko, these four Shadow Spirits were the first and finest creations in Caelum, immensely powerful and invincible. Sadly, they were also the same guardians who were cast in the darkness."

"Sabi ni Alarcus, hindi daw niya ako papatayin. He said someone needs me alive. His brother wants me to be spared. I think he is referring to another Shadow Spirit. Natatakot ako sa gusto nilang gawin sa akin. If they will use me to lure you, please let me go. Don't bother to save me. Mas importante ka, Raphael."

"Are you crazy? Ikaw ang pinaka importante na nilalang sa buhay ko ngayon. I will die fighting for you---"

"Tama si Eleazar, matigas talaga ang ulo mo."

"You want to see for yourself? I can show my hard head to you."

"Siguro sa lahat ng Vessels ng Immortal Blood, ikaw ang pinaka---"

"Horny and naughty? Eleazar is already quite aware of that. Halika na, puntahan na natin si Addie. Baka ano pa maisipan ko gawin sa'yo."

Pinuntahan namin si Addie sa kanyang kwarto na natutulog. Wala pa rin daw itong malay simula kagabi.

"Elezar tried to absorb her vision, but she came up empty. It is like her body is here, but her mind is not here at all."

"Nasaan nga pala si Eleazar at si Chase? Narinig ko sila na nakikipaglaban din sa mga demons sa labas ng Mansforth mansion."

"Nagkaroon sila ng injuries, pero okay na sila ngayon at may inaasikaso lang. Chase had a confrontation with a female Shadow Spirit named Alvienna. He tried to summon Aerand using the Lumine Sword. Siguro natakot si Alvienna sa kanya," sabi ni Raphael sabay hikab.

"Magpahinga ka muna. Ako na ang magbabantay kay Addie. Mukhang napuyat ka sa kakabantay sa akin."

"Good idea."

Akala ko ay lalabas ng kwarto si Raphael para matulog, pero hinila niya ako sa sofa bed sa loob ng kwarto ni Addie. Pinaupo niya ko sa sofa at ginamit ang binti ko bilang unan niya.

"Napuyat ako kagabi kababantay sa'yo. Do me a favor and be my pillow for few hours."

"Yes, Master Raphael. Wala naman akong choice. Nakahiga ka na sa binti ko."

Ngumiti lang si Raphael at ipinikit ang mga mata niya. Kung darating ang Other Half niya, saka na lang siguro ako magreresign sa pagiging Protector. If there is such thing as resignation in this kind of job.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon