CHAPTER 15 - SAINT MALO

2.3K 103 2
                                    

Jade Cardwell


ANG kagustuhan pa rin ni Raphael ang nasunod. Isang nakaka bingi na katahimikan ang namagitan sa amin during our flight from Seville to Paris.

Ang walang hiyang boyfriend ko, hindi talaga nag-explain kung bakit kami pupunta ng Paris ngayong gabi. Alam niya na gusto ko ng explanation, pero wala ata siyang balak mag-explain.

Strangely, we did not stay in Paris. Sumakay din kami ng train papunta sa northwestern France city called Saint Malo. Hindi na ako nagtanong pa dahil wala din naman akong makukuhang sagot.

Pagpasok namin sa aming hotel room sa Saint Malo, hindi ko na kinausap si Raphael. An argument with him is the last thing on my mind. Dahil na rin sa sobrang pagod, nakatulog ako kaagad at nagising kinabukasan. Pagtingin ko sa kabilang kama, wala si Raphael.


Pinakapakulo mo talaga ang dugo ko, Raphael Lancaster!


Umikot ako sa buong hotel room, pero walang kahit anong note mula sa kanya. Wala rin text message kung nasaan na lupalop siya.

Nawala lang ang inis ko nang makita ko ang stunning view ng dagat mula sa aming hotel room. Hindi ko napansin ang kagandahan ng city kagabi dahil madilim na at dahil din sa galit ko kay Raphael.

But now, I know why Raphael decided to stay here. This place is impeccable.

Strolling around the city during daytime would be perfect. Nag-send ako ng message kay Raphael na balak ko pumasyal sa labas ng hotel. Mabilis akong naligo, pero paglabas ko ng bathroom, nandoon na si Raphael.

"Kasasabi ko lang sa'yo na nasa foreign country tayo, tapos gusto mong pumasyal na mag-isa? Jade, hindi ka pwedeng lumabas ng hindi ako kasama," he said in a chilly voice.

"May kumakausap ba sa akin? Nope, wala naman. Imagination ko lang siguro 'yon."

I ignored Raphael like he is an invisible man habang inaayos ko ang wallet at ang phone ko. I am decided to wander around Saint Malo without him.


Bakit napaka manhid niya? Hindi ba niya alam na galit ako sa kanya?


Hindi niya ko kinausap mula Seville hanggang Paris. Kahit habang nasa train kami, he paid no attention to me like I am an unseen companion.

Well, let me give you the taste of your own medicine!

"Jade Cardwell, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" inis na tanong niya sa akin dahil hindi ko siya kinakausap.

Hindi ko na siya sinagot at mabilis akong lumabas ng kwarto. When I opened the door, I felt crushed that he did not stop me from leaving.

Pambihira! Hindi mo man lang ako pinigilan umalis?

Nakaka-disappoint, pero wala ako magagawa. Ako naman ang may gusto na mag-isa. Ako ang nag decide na huwag siya kausapin.

Raphael chose the hotel room on the highest floor. It took a few minutes bago dumating ang elevator, pero walang signs ni Raphael Lancaster sa corridor.

Mukhang hahayaan na talaga niya ko mag-isa. Baka wala na akong boyfriend pagbalik ko dito mamaya?

Bago sumara ang elevator, nagulat na lang ako nang biglang humabol si Raphael. We took the elevator ride in silence as if we are just plain strangers. Paglabas namin ng hotel, muntik na akong mapasigaw ng hinawakan niya ang kamay ko. He even kissed my cheeks as if nothing happened.

"You will surely love Saint Malo. Ipapasyal kita sa lahat ng magandang lugar dito hanggang mawala ang pagtatampo mo."

Inirapan ko lang siya dahil balik na naman siya sa kanyang sweet and caring facade. Alam ko naman na maglalaho agad ang inis ko kapag ganito na naman siya ka-sweet sa akin.

"Nakapunta ka na ba dito? Mukhang familiar ka dito sa Saint Malo ah?"

"Maraming beses na. This place is like a sanctuary to me. I don't know why, but this city seems to radiate good vibes and blessing. It is like I am attached to this place."

"I feel the same way too. Parang safe na safe ako kapag nasa loob ako ng walls ng city. Weird ko noh?"

"You should feel safe and secured habang kasama mo ko. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para protektahan ka."

"You sound as if I am always in danger."

"Life is dangerous. Come on, love. Papakita ko sa'yo ang bahay namin noon."

"Bahay niyo? Nakatira ka dito sa Saint Malo noon? Gaano katagal?"

"More than a year or so. Someday, kapag nakita ko na ang other half ko, I want my wedding to be held here."


Kapag nakita na niya ang other half niya? Ibig sabihin, he does not see me as his future wife someday? 

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon