CHAPTER 81 - ISSACHAR

1.7K 79 11
                                    

Jade Cardwell


NOTE: Endorian Witches are almost similar to the witches mentioned in Teach Me How To Werewolf


SA loob ng ilang araw, madalas akong namalagi sa loob ng aking silid kasama si Peanut at si Butter. Kampante ako na kasama si Amadeus, pero natatakot ako kay Alvienna at kay Ahaziah. Mas minabuti ko na manood ng kung ano anong movies kaysa lumabas ng kwarto.

Sa panonood ko ng television, nabalitaan ko na naglaho na din ang mga black storms sa iba't ibang parte na mundo. Kung hindi ang mga Shadow Spirits ang may gawa nito, may mga nilalang na nakikinabang sa kapangyarihan ng Karan.

Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto. May high-end security features ang kwarto ko kung saan si Amadeus lang pwedeng pumasok gamit ang kanyang biometrics.

"Good morning," nakangiti ko na bati sa kanya.

"It is already two in the afternoon. You missed your breakfast and lunch. Nagpuyat ka na naman ba?"

"May pinanood lang akong documentary kaya late na ko nakatulog."

"I will limit your television time up to midnight only."

"Grabe naman! Wala naman ako pasok bukas ah? Grounded na nga ako dito sa barko mo, pati ba naman magpuyat bawal---"

Napatigil ako nang pumasok ang dalawang lalaki sa kwarto ko. Meron silang dala na mga carts na may laman na pagkain. Kahit ilang araw pa lang ako dito, sanay na ako sa ganitong luxury food dahil may personal chef si Amadeus. Sa hindi malaman na kadahilanan, magaan na agad ang loob ko kay Amadeus. Siguro dahil iniligtas niya ako kay Alarcus noon.

"I am just here to inform na wala na dito si Alvienna at si Ahaziah. Pwede ka ng lumabas dito sa kwarto mo," sabi ni Amadeus habang inaayos ang pagkain ko.

Nabanggit ko sa kanya na medyo natatakot ako sa dalawang Shadow Spirit na kasama niya. Though alam ko na hindi nila susuwayin ang utos ni Amadeus, hindi ko pa rin magawang magtiwala sa kanila.

"Amadeus, hindi mo naman ako kailangan dalhan ng pagkain. Tinanghali lang talaga ako ng gising," sabi ko sa kanya pagkalabas ng dalawang lalaki na may dala ng pagkain ko.

"You are my queen. Consider this ship as your kingdom."

"Queen? Baka prisoner?" mahina kong sagot sa kanya.

Sa loob ng ilang araw ko dito sa Amethyst, mabuti naman ang pakikitungo niya sa akin. Madalas ay sinasabayan niya ko kumain, pero kadalasan ay nag-iisa ako dito sa kwarto kasama ang mga aso ko.

"Si Alarcus ba ang pinakamalakas na Shadow Spirit bukod sa'yo?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

"The three of them are equally powerful. Why do you ask?"

"Natakot kasi si Alvienna nang makita niya ang isang Protector na may hawak na Lumine Sword, pero si Alarcus, wala siyang pakialam nang makita niya na may hawak akong Lumine Sword. Mukha ba akong weakling?"

Umupo si Amadeus sa tabi ko at sinabayan ako na kumain. Napakarami ng pagkain na ipinasok niya dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung mauubos ko lahat ito.

"Alvienna and Ahaziah both have limited powers. Their powers were stripped from them."

Who is powerful enough to strip the powers of the Shadow Spirits?

Amadeus asked me to finish my meal. Pagkatapos ko kumain ay pumunta kami sa isang section ng barko kung saan may napakaraming libro. Parang isang library ng isang royal palace dahil sa napaka gandang mga chandeliers na nakasabit sa ceiling.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon