Raphael Lancaster
EVERY year, I offered my blood to the Protectors to revitalize their powers. My father told me that the Protectors need to drink the Immortal Blood for their powers to be replenished. We have been working together and protecting one another ever-since.
Maraming tinuro sa akin si Eleazar tungkol sa pagiging isang Vessel. Tinuruan niya ko kung paano gamitin ang Gladium. Ipinakita niya sa akin gamit ang mga visions kung paano niya sinanay ang mga nakaraan na henerasyon bago sa akin. Naging mas madali ang pagsasanay ko dahil sa tulong ni Eleazar. Kahit marami kaming beses na hindi nagkakasundo ni Eleazar, itinuring niya akong isang anak.
Ipinakita niya sa akin ang vision tungkol kay Ishmael at Asharah. Ibinahagi ko din sa kanya kung paano ko nakilala si Sapphire Prescott sa New Orleans. May pakiramdam si Eleazar na si Asharah at si Sapphire ay iisa.
"You look scared, love," sabi ko kay Jade habang nasa veranda kami ng second floor.
"Kwekwentuhan mo ko ng tungkol sa multo, tapos expect mo hindi ako matatakot?"
"Pwede naman tayo tabi matulog para hindi ka matakot. I can surely protect you from the killer ghost."
"Kapag namatay ako sa takot, ako mismo ang magiging killer ghost mo!"
"Huwag ka na matakot. Ano ba sabi ko? No one can hurt you while I am still alive. Kwekwentuhan na lang kita ng tungkol sa mga Divine Spirits," sabi ko kay Jade sabay hawak sa kamay.
Ipinakita ko sa kay Jade kung paano namin nahanap ni Eleazar ang mga Divine Spirits sa iba't ibang parte ng mundo.
Divine Spirits are the rebelled guardians who repented after they were cast out of Caelum or heaven. Since their hearts were pure, they did not vanish during the Forging of Light, but were trapped inside their Lumine swords until the Protectors can find them.
Una kaming pumunta ni Eleazar sa isang maliit na village sa Midlothian, Scotland. Mahiwaga ang lugar na ito dahil may isang simbahan dito na tila nakakapagpagaling ng kahit anong sakit na hindi kayang lunasan ng modernong medisina. Ginamit ni Eleazar ang kanyang Vasi, ngunit mukhang walang bakas ng mga Divine Spirits sa lugar na ito.
Ang sunod namin na pinuntahan ay ang ciudad ng Pokhara sa Nepal. Napag-alamanan namin na may isang Buddhist priest dito na nakakabuhay ng patay. Ang akala namin ay ginagamit niya ang mga Divine Spirits, pero mukhang gawa gawa lang ang kwentong ito.
Umikot kami ni Eleazar sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang huli namin pinuntahan ay ang isang remote inhabited islands na tinatawag na Tristan da Cunha sa South Atlantic Ocean. Dahil napaka layo ng lugar, walang ibang paraan ng transportasyon kundi ang sumakay sa isang barko.
It is rumored that a swirling light orb can be found near the Nightingale Island at night. Fishermen tend to avoid these islands during nighttime as they believed that a volcano deity is causing the light orbs.
Isang gabi, pumasyal kami ni Eleazar sa isa sa mga isla para mag imbestiga at naramdaman namin na may bahagyang Vasi sa lugar na ito. Nilabas ni Eleazar ang Compass of Light at hawak ko naman ang Gladium.
We were both surprised to see the legendary light orbs. The glowing lights are now circling on top of the island hill.
Tumakbo kami sa pinanggagalingan ng liwanag at umiikot ito sa isang silver sword na nakabaon sa tuktok ng burol. Binunot ko ito at biglang lumabas ang isang nilalang na nababalutan ng liwanag.
The man looks like a translucent knight with short blond hair. He looks muscular in built and very powerful. His armor is made of white and silver, which made him look like an immaculate being.
"I am Aerand, one of the guardians of Caelum. Please do not attempt to use your visions on me if you do not want to die," sabi ng spirit-like being na nakaluhod sa harapan namin ni Eleazar.
"My name is Eleazar, son of Levi, the First Protector. This is Raphael Azarian, the twelfth Vessel of the Immortal Blood."
"I am pleased to meet you. I am offering my services to you."
"Aerand, it took us hundreds of years to find you. Are you deliberately hiding from us?" tanong ko sa kanya.
"Kailangan ko magtago dahil ayokong mahanap ako ng mga Karan. Madali nilang magagamit ang aking Lumine Sword sa kasamaan."
Napag-alamanan namin na si Aerand ang isa sa mga guardians na kasama sa rebelyon na pinamunuan ni Alarcus. Noong una, akala nila ay maganda ang hangarin ni Alarcus at gusto lang ng pag-aaklas para marinig ang kanilang mga hinaing, pero sila ay nilinlang nito. Gusto niya ng rebelyon para sa kasakiman sa kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The Immortal Blood [Taglish Version]
Fantasy[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someone else even before he was born? A fantasy love story that will take you back in the ancient times wh...