CHAPTER 67 - NEW HOUSE

1.4K 76 1
                                    

Jade Cardwell


BUMALIK kami ni Raphael sa bahay nila at ibinahagi niya kay Eleazar ang nangyari. Sabi ni Eleazar, malaki daw ang chance na isang Shadow Spirit ang lalaking nakita ko. Si Azariah at si Alarcus pa lang daw ang nakita niyang guardians, pero kakaiba daw ang kulay ng mga mata nito.

He described it as otherworldly and yet beautiful like a strange masterpiece.

Hinatid ako ni Raphael sa bahay namin kasama si Eleazar. Eleazar raised a barrier made of Vasi that will temporarily keep the killer ghost away.

"You cannot ask me to leave, love. My decision is ultimate, I will stay here tonight," sabi ni Raphael nang makaalis si Eleazar.

"Hindi mo kailangan na matulog dito sa bahay namin. Akala ko ba imortal na ko?"

"Hindi pa din natin sigurado kung ano ang pwedeng gawin sa'yo ng killer ghost. Paano kung dalawin ka niya sa kwarto mo at gapangin ka sa kama mo."

"Tingin mo gagawin 'yon ng killer ghost? Baka nga ikaw pa ang gumawa gapangan portion."

"You gave me an idea, love," sagot niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Bawal ka sa kwarto ko, Raphael. Dito ka na lang sa living room or sa guest room---"

Humalakhak lang si Raphael na parang nakakatawang bagay ang sinabi ko. Tinawag niya ang mga aso ko na sina Peanut at Butter pataas sa second floor paakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko, nakaupo na si Raphael sa kama at nakasandal na sa head board. Hindi na din siya nakasuot ng kanyang shirt. Mukhang decided na siya kung saan siya matutulog.

"Alam ba ni Eleazar na may nangyari sa atin---"

"No, he does not know. Do you think I will tell him that?" galit na tanong niya sa akin.

"Aba malay ko! Hindi ba trabaho lang sa'yo ang lahat? Being my boyfriend is part of your responsibility to me?"

"Seriously? Do you want me to tell the old man that we made love? Don't worry, I will definitely tell him our next love making."

"Walang next time, Raphael."

"Akala mo lang wala, pero meron," sabi ni Raphael na hinila ko sa kama para matulog.

Maraming beses na kami nagkasama si Raphael sa isang kwarto noong nasa European tour kami, pero ngayon lang ulit kami matutulog sa isang kwarto pagkatapos ng lahat ng nangyari. Buong akala ko hindi ako makakatulog ng maayos, pero nakatulog ako ng mahimbing habang katabi ang lalaking ito.

Kinabukasan, si Raphael mismo ang naghanda ng breakfast namin. This is the first day of my life as the Fourth Protector. Si Raphael din mismo ang naghatid sa akin opisina. Mukhang balik body guard ko na naman si Raphael tulad noong high school kami.

"Eleazar wants to talk to you about moving to our house," sabi ni Raphael habang nagda-drive pauwi sa kanila.

"Raphael, malabo ang plano na 'yan ni Eleazar. I don't think na papayag ang Uncle Angelo pati ang Ninong George."

"He did talk to them. They already agreed that you will be under our care."

"Are you kidding me? Anong sinabi ni Eleazar sa kanila? Na magpapakasal na tayo at sa inyo na ko maninirahan moving forward?"

"Something like that."

"Something like that? Paano ang mga aso ko? No! Hindi ako papayag na sa inyo manirahan tapos hindi ko makakasama ang mga aso ko!"

"Si Peanut at saka si Butter? Nasa bahay na sila kasama ni Addie. Pagkatapos na makausap ni Eleazar si Angelo Cardwell at ang Ninong George mo, Addie packed some of your things and brought the dogs in our house.

"Wow! So wala akong say sa mga plans na ito? Ikaw na lang ang nag decide para sa akin?"

"You should know that by now, love. Oh, by the way, you can call me "Master" too. I would love to hear it from you," pang-aasar ni Raphael sabay kindat sa akin.

I just sighed in defeat. Ilang taon ko din nakasama si Raphael at alam ko na kapag decided na siya, hindi na mababago ang decision niya. Mauuwi sa ilang oras na debate ang usapan namin, pero in the end, siya pa rin ang masusunod.


Lumipas ang araw at patuloy pa rin ako sa aking day job. Si Raphael ang aking taga hatid at aking taga sundo tulad noon. Buong akala ni Sam at ni Shad ay nagkabalikan na kami, pero wala silang alam sa totoong relasyon namin ni Raphael.

Eleazar wants me to stay in their house so he can train me. Tinuruan niya ko gumamit ng iba't ibang fighting techniques at weapons. Binalaan na din niya ako na posible na maka-encounter kami ng mga demons kaya dapat ay maging handa kami sa anong oras. Aside sa mga offensive attacks, tinuruan din niya ako kung paano dedepensahan ang sarili ko sa mga incoming attacks. Dahil nagkaroon na ako ng martial arts training noon, naging madali sa akin ang pagsasanay. Salamat na lang din sa Immortal Blood dahil naging mabilis ang aking kilos at nagkaroon ako ng kakaibang lakas.

Kapag walang trabaho si Doctor Chase Lancaster sa Fordbridge Medical, siya ang nagtuturo sa akin ng healing techniques gamit ang Vasi. Binigyan din niya ako ng training kung paano ko makaka detect ng Vasi at ng Karan. Siya din ang nagturo sa akin kung paano gamitin ito para maka absorb ng visions.

Absorbing visions is like looking deeply in their subconscious and memories. For Protectors like us, we have means to protect our memories.

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko ito. Ayoko makita ni Eleazar o kahit ni Addie at ni Chase ang nakaraan namin ni Raphael.

The Immortal Blood [Taglish Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon